Showing posts with label Travel. Show all posts
Showing posts with label Travel. Show all posts

Saturday, July 9, 2011

Magexercise Tayo!

Araw-araw, sumasakay ako sa dyip.

Habang nakasakay ako, may nadevice ako ng way to stay healthy habang nakasakay sa jeep.

Gusto mo ba ng masel sa braso?

Wag nyo kong pipilosopohin na may masel talaga tayo sa braso...

Alam nyo naman ang ibig kong sabihin...

Kung gusto nyong magpalaki ng masel sa braso nang walang gym gym...

Subukan nyo tong teknik ko...

1) Pumara ng Dyip

2) Sumakay

3) Umupo sa gitnang parte ng dyip

4) Maging taga abot ng pamasahe ng ibang pasahero

5) Umusog papalapit sa drayber pag may sasakay, para iabot nila sayo yung bayad nila

_____

Yang steps na yan, ewan ko nalang kung hindi yan gumana.

Hindi lang matutuwa ang mga taong mahilig magpaabot ng bayad nila, lalakas pa katawan mo.

Pwede ka ding mag dagdag ng variety sa exercise na to.

Ex. Imbes na i-extend ang braso, lumapit sa drayber tsaka iabot, tapos bumalik uli sa original position. - DI BA PARA KA NA RING NAG JOGGING, yun nga lang kapit kang mabuti baka bumalentong ka. Oh ha, napapalakas din pala ang Grip mo.

Madaming simple exercises ang magagawa sa loob ng dyip.

Di lang lalakas ang pangangatawan mo, pati na rin ang pa... *ubo*giging taga abot *ubo* ...kikipagkapwa tao mo

Use it well...

May iba pa ba kayong exercise na ma isusuggest? :D Comment na :)

Wednesday, June 22, 2011

Diffusion at ang mga Pasahero...

Lagi kaming nagcocommute (ni mahirappaniwalaan) papasok sa eskwela o kaya papunta sa kung saan pa man...

Hindi lang namin maintindihan kung bakit hindi sumusunod ang mga tao sa Prisipyo ng diffusion?

Ano nga ba ang diffusion?

Ang diffusion ay ang paggalaw ng mga "molecules" papunta sa mas mataas na Konsentrasyon papunta sa mas mababang konsentrasyon.

E anong kuneksyon ng diffusion sa mga pasahero?

Napansin nyo ba ang mga ginagawa ng mga tao sa LRT?

Sa dyip?

at kahit sa bus?

Para silang nagrereverse osmosis!

Hindi Diffusion o Osmosis! Reverse Osmosis!

Ano muna ang osmosis...

Hmm..

Ito ang pag galaw ng tubig papunta sa lugar na mas maraming tubig papunta sa lugar na mas konti ang tubig nang dumadaan sa isang "semi-premeable membrane" o Harang na Medyo pwedeng daanan [Sa Point of view ng mga solutes]

Ngayon, Reverse Osmosis ang kabaligtaran nito, pumupunta ang tubig sa lugar kung saan mas maraming tubig!

Ngayon, pansinin mo sa dyip...

Di ba madalas magsiksikan ang mga tao sa dulo ng sasakyan? :D

Tila ba may pwersang tumutulak sa kanila para magkumpulan dun!

Yun ata yung tinatawag na Pwesra na "ayaw maging taga abot ng bayad".

Sa LRT naman at MRT...

Para bang nagkukumpulan ang mga tao sa tapat ng pintuan ng tren!

Bakit? Dahil sa Pwersa na "madaling makalabas pag nasa istasyon na".

Pero parang paradoxical ang nangyayari e...

Imbes na kasi mapadali ang paglabas nila, mas lalo silang nahihirapan.

Bakit kamo? E nagsisiksikan sila sa Pinto e... Pati tuloy yung mga nasa loob ng tren naiistorbo...

Ang cool di ba?

Kung Nagdidiffuse lang ang tao sa mga sasakyan, naku sigurado...

Baka hindi na masikip ang mga pampublikong sasakyan!

Tingin nyo rin ba?

Saturday, April 23, 2011

"A Journey with Black Feathers"

"A Journey with Black Feathers"

Peering in the glass of the past
and waiting for the bus and the perfect time
to move, to move, to move away
toward the place unknown, even to you.

You might look back and see the sign
of where they ended up or how they will go on
and wonder to where have you gone
or to what have you become

Since the times have change but never did you
because you're common.
The one who is the one and the one who cannot say
that you've changed, and was better than ever before

Because its you, not me, its not us. or so you think.

Thursday, April 14, 2011

Si Poison of the Old Man at si Rescue Cat

Habang Nakikipag Duel (Mga Ilang Araw pagkatapos ilabas ang Bagong Banlist) :

Quickdraw Nordic Dark Plant VS. Dark Cat Deck [Daw. Sabi nya, Trip Deck nya ito at never pang natalo. PANO MATATALO E ANG DUGAS]

Kuya: *May Mystic tomato sa field* Summon Summoner monk, Rescue Cat

Ako: Illegal yan kuya..

Kuya: Ah... Ganun ba... Nettles nalang [ang inonormal summon] (sa loob ko, NETTLES?)... Synchro Goyo Guardian...

Ako: Kuya Banned na yan...

Kuya: ISANG LISTAHAN LANG NAMAN BINABANGGIT MO E. HINDI RELIABLE PAG ISA LANG... DAPAT MAY IBA KANG PINAGBABASEHAN...

Ako: Kuya, sabi din ng iba...

Kuya: E lahat naman yun sinasabi lang din nila, at hinahango lang sa isang listahan, parang bibliya, isa lang yun, ano pang ibang pansuporta mo? Wala! Sabihin mo mang salita yun ng Diyos iisa lang yun. Ano diyos nila, isa lang kayang gawing libro? MALAKAS BA SYA kung ganun?

Ako: Di ba po Quality over Quantity? (sa loob: ang bible e collection of books di ba?)

Kuya: HINDI YUN TOTOO SA LAHAT NG ORAS. Mas maganda ang madaming maninipis na wire na pinagintertwine kesa sa isang malaki at matabang wire! Sa lasalle ka nag aaral di ba?

Ako: op*interupted* (sa loob, [Trial And Error] na...)

Kuya: YUN NAMAN PALA E, MATALINO KA... Alam mo yun di ba?

Ako: opo. (sa kaloob looban: Utang na loob kuya, tumira ka nalang)

Kuya: Dapat, ang citation, may suporta pa... Para kang loko loko kung halimbawa ang asawa mo e may picture na may kasamang ibang lalaki tapos iinfer mo na nanlalaki sya... Syempre kelangan mo ng mas maraming proweba... Gaya ng Sex Video!

Ako: (sa loob, what the... i-warning ko nalang kaya yung Goyo para tumahimik to, note Life points ko e 2050 nalang, nagsolemn nung 4100 LP)

Kuya: Isa pa! Alam mo yung media? Wag ka maniniwala dun... Kontrolado lang yun ng mga mayayaman at opinyon lang nila ang ipipilit sa kokote nyo...

Ako: Kuya... sige payag na ko ng Goyo, pero *flip solemn warning*

Kuya: ok, 50 ka nalang. activate, poison of the old man...

Ako: Sh*t.... (sa loob, AKALA KO AKO LANG GUMAGAMIT NUN)..

Apparently, dayo rin si kuya, at ang base nya daw ay sa novaliches. Hindi ko nakuha yung pangalan nya. Pero Dahil sya kanya namulat ang mata ko... Na Level 4 pala si Rescue Cat....


P.S.

Kung di nyo naiintindihan, try nyo mag google... Yugioh ang nilalaro ko...

Sunday, April 10, 2011

Nagtataka lang ako...

Lagi akong tumatawid ng overpass tuwing gabi....

Syempre madilim kasi walang bubong yung overpass at wala ding ilaw doon...

Kaya kitang kita mo yung mga ilaw sa baba (yung mga nasa poste)...

Lahat sila halos (yes, halos). E kulay Orange...

Nagtataka ako...

Bakit Orange at hindi Puti ang ilaw sa kalsada?

Syempre ako naman ay nag riserts (research)...

Mukhang may magandang rason naman sa likod nito...

Yung bumbilya kasi na ginagamit e yung pinakaefficient.. AKA Low Pressure Sodium Lamps

Ang drawback nga lang e lahat e kulay orange....

Pero kung tutuusin, mas madali makikita yung mga ilaw ng sasakyan kahit may ilaw...

Pag masyadong maliwanag mas mahirap mapansin yung ilaw ng sasakyan e... :D

Ayos di ba? two birds with one stone...

Kayo ba... Napansin nyo yun?

Para sa Tsuper

Kanina lang, di ko sinasadyang hindi makapagbayad sa dyip.

Madalas akong sa tabi ng driver umuupo, at nag babayad agad ako pagkasakay na pagkasakay ko.

Ngayon, nakalimutan ko magbayad...

Nakonsensya ako (kahit medyo wala na kong konsensya) nung nalaman ko yun... (Nasa overpass na ko nung narealize ko na di pa ko bayad)

Hindi sinabi sa kin ng tsuper na di pa ko nagbabayad...

Hindi sya humingi ng bayad...

Nakakapagtaka...

Baka madami din syang iniisip tulad ko...

o baka dahil pinagkakatiwalaan nya ang mga pasahero nya...

o baka tangengoks sya...

Ewan...

Basta kung sino sya... Nagpapasalamat ako ng marami sa kanya...

Sana balang araw, makasakay uli ako sa jeep nya...

At makakapagbayad na ko ng tapat sa kanya...

Wednesday, December 22, 2010

Mga Pwedeng Dahilan Kung Bakit Masikip sa Loob ng Jeep

Wala akong magawa sa loob ng dyip nung naisipan kong obserbahan ang mga tao sa loob...

Masikip sa dyip dahil puno e...

Pero napansing kong hindi naman talaga yun yung isyu kung bakit masikip nung sumakay ako...

...

Ngayon ililista ko ang mga posibleng dahilan kung bakit maskip sa jeep, ayon na rin sa mga naoobserbahan ko pag sumasakay ako sa jeep.

________________________________

Punong-puno ang Jeep - Eto talaga yung sagad yung upuan. Lahat ng tao ipit. Walang nakabukaka dahil sobrang sikip... Madalas tong nangyayari pag wala na talagang masakyan...

Malaking Pasahero - Alam kong alam nyo ang ibig kong sabihin dito... Alam ko may experience na rin kayong katulad nito... I don't hate those people kaya ko nilagay sila dito sa listahan... Pero totoo naman e, sumisikip lalo yung dyip pag sumasakay sila e... Oh well... :) Peace

Kuyang/Ateng Nakabukaka - Grar... Nakabukaka sila. OO! Kaya masikip... Karapatan nilang umupo ng kumportable pero sana isipin din nila na di lang sila ang may karapatang umupo sa jeep.

Kuyang/Ateng Walang Paki sa Kapwa pasahero - Eto ang Evolved Form ng Kuyang/Ateng nakabukaka. Hindi lang sila nakabukaka, nakasideview sila at kumportableng kumportable sa pag-upo. Ok sana kung hindi nagigitgit yung ibang pasahero.

Hippo - Eto yung grupo ng tao na magkakakilala sa loob ng dyip... Ok naman e... Kung hindi lang nila binabakaw yung space... Example: Kalahati ng dyip exclusive sa kanila, AS IN kalahati, kahit kasya sila sa space na 1/4 lang ng dyip... Binubuo ito ng mga Kuyang/Ateng Walang Paki sa Kapwa Pasahero. (Hippos are territorial animals)

Children-in-between - Eto yun nagbabayad ng dalawa tapos pinapaupo sa gitna nila yung batang kasama nila. ~~. Ok ok ok. Hindi masama magpaupo ng bata, kaso, pag 1 o 2 nalang ang upuan sa jeep, sana naman.... Di lang mga kapwa pasahero yung naabala, pati narin yung bata...

Squirming Children - Eto yung batang nakaupo at binayaran ang pamasahe. Pero, MALIKOT... (Gusto ko lang tawaging Squirming Children kasi catchy yung tunog.) ... Tipong 2 upuan sakop nya dahil sa sobrang likot nya...

Loveberds (oo "e" yan) - Obviously, ito yung mga magsising-irog na magkatabi sa Jeep... Ok lang maging sweet sa isa't isa, kaso... sana wag bakaw sa space... Madalas kasi, pag sweet na sweet sila (as in naka-lingkis yung isa sa isa), 3 upuan ang naooccupy nila imbes na 2.

Pakeyj - Di mo mabasa? Package yan! Sila yung mga may malalaking bagahe pag sumasakay sa dyip. Malaking bag, mga box at kung ano ano pa... Mas masaklap pa pag nilagay nila yung mga bagahe nila upuan...

PakingDuo - Dalawang Kuyang/Ateng Walang Paki sa Kapwa pasahero na magkatabi at magkaharap.... Di mo gets? Example: Parehas silang nasa Kanan pero magkaharap sila. :D Malaki ang sakop ng mga to.

Si Makasan Dal - KilaLA NYO TO? Variation sya ng Kuyang/Ateng Walang Paki sa Kapwa pasahero na mahilig sumandal sa katabi.

Si Makatu Log - Pwedeng Kuyang/Ateng Walang Paki sa Kapwa pasahero na tulog o kaya normal na pasaherong nakatulog lang... Di naman nya kontrolado yung space na sakop nya kung tulog sya... :D

___________________

Madame pang pwedeng mechanism kung bakit sumisikip ang dyip...

Ang mga rason sa taas e pwedeng mag sama sama sa isang dyip, o kaya pwedeng hiwahiwalay...

Kung may idadagdag kayo... Sa comment nalang...

:D

P.S. Happy Holidays!

Wednesday, December 1, 2010

Ang Manang sa LRT...

Tumigil ang tren sa istasyon...

Sakto nakabili ako ng tiket...

Ipapasok ko na sana ang card ko nung napansin ko na may babaeng MAS nagmamadali sa kin...

Kaya pinauna ko sya...

Nung nakapasok na sya, pinasok ko yung card ko pumasok ako at kinuha yung card ko...

E sakto may nagpasok din ng card sa kabilang side... Pinauna ko yung nagpasok... (so in short nakuha ko card ko pero di ako nakapasok)

Nung ako na yung papasok... (Tandaan nakatigil yung tren sa station)

Ako: *papasok* excuse me...

Manang: *pinasok yung card tapos sasalubungin ako*

Ako: *backs then gave way*

Manang: (in a sort-of-"you're rude" way) Makakapasok ka rin...

Ako: (sa utak) DUH.... Alam kong makakadaan ako later, but I HAVE A TRAIN TO CATCH RIGHT NOW... Tell that to yourself...

Mga tao sa likod ni Manang: *sunod sunod na pumasok... Hindi na ko pinadaan*

Ako: (sa utak) Sige lang sige lang cool lang, nandyan pa yung tren... *nagsara yung mga pinto ng tren* @#$%#!#%!%!%!%^! AYAW NYO KO PADAANIN! !#!$!#@@%%!@ NAIWAN AKO NG TREN.... MGA HARANG... (after few seconds) ok im cool again... 30 mins pa bago magsara yung office...

Nung natapos na ang pagpasok ng mga tao...

Ako: *papasok* *tegeng* (Hindi makapasok) *lingon sa likod* *nakitang may card sa dapat pagkukunan mo ng card* *looks at woman behind me*

Ate: *confused* *gets her card*

Ako: *pumasok*

Ate: *pumasok* *tegenk* *di nakapasok*

Ako: Ate, bakit mo pinasok yung card mo? E ako palang dadaan... (in short, nagpasok na ko, nagpasok ulit sya tapos nacount yung dalawa as one*

Ate: Ganun ba? *punta sa nagtitinda ng card*

Ako: *Waits for Ate but train arrives kaya pumasok agad sa tren*

___________________________

Anong Moral Lesson?

1) May mga taong sadyang selfish na di iniisip yung sitwasyon ng iba... (Manang) Meron naman selfish dahil di nila alam yung sitwasyon... (mga sumunod kay Manang)

2) Hindi porke nagpaparaya ka kahit gipit ka, mabuti ka na sa paningin ng iba... (Ako)

3) Dapat wag basta basta gagawa ng kung ano ng hindi tinitignang mabuti ang pangyayari... (Ate)

4) May mga taong sadyang mahilig gumawa ng stupid statement na pinapatamaan nila ang sarili nila. (Manang)

________________________________

May nakakakita ng pangyayaring yun...

Kung mababasa nyo tong entry na to, alam kong naiintindihan nyo ako dahil alam kong alam nyo na nakakabanas yung nangyari sa kin...

Oh well... Tapos na rin naman yun...

Nabother lang talga ako sa "stupidity" at tone ng statement ni Manang.... HAHAHA... Sya pa nainis...

Di ba?

Monday, November 22, 2010

Mga Harang...

Asawa ng tsuper: Tignan mo ang dameng tao...

Tsuper: Pasahero yang mga yan...

Ako (sa isip ko): Asan? Mga harang lang nakikita ko...

______________________________________

Ok, Kakarating ko lang ng bahay...

Ang normal na kalahating oras na byahe ko ay naging tatlong oras...

Ang dahilan?

ANG DAMENG HARANG SA DAAN...

Nasa gitna sila ng kalsada...

~~. Ok sana na maghintay e...

Kaso sana naman wag nila kalahatiin yung daanan ng mga sasakyan...

MAY HUMAN BARRICADE SA DAAN E...

hahaha ang lupet talaga ng herding...

...... Ipapaliwanag ko kung anong nangyayari


Walang masakyan -> magkukumpol mga tao -> may mapupuntang gitna ng daan -> human barricade -> traffic -> nastustuck yung mga dyip sa isang lugar (kasi traffic) -> Walang masakyan...

ISIPIN MO YUN.... mas lalo silang napeperwisyo sa ginagawa nila + nakakaperwisyo pa sila ng iba...

haha... Anlabo nga naman ng mundo oh oh... actually hindi mundo e... kundi yung mga HUMANS.... :)

Di ba? :)

Saturday, November 6, 2010

Tracked na Pera

Isipin nyo...

Bakit hindi nalang itrack ng gobyerno yung pera natin?

Lagyan ng barcode o kahit ano pa mang paraan para alam nila kung kanino at kung anong mga pera ang naibayad o pagmamay-ari ng isang tao...

Kung ganun kasi, e di madameng krimen ang masusugpo...

Pano ka makakabili ng illegal drugs kung tracked yung pera mo? (Pwede lumusot pero c'mon...)

Pano makakakotong ang pulis kung tracked yung pera? (Pwedeng sabihing "donation")

Pano makakakupit sa "kaban ng bayan" ang mga corrupt officials kung tracked ang pera? (E di halata di ba?)

Isipin nyo...

Pero may paraan para lusutan to e...

Makakagawa at makakagawa ang mga tao ng paraan para malusutan to...


Besides ... Mahirap i-implement to...

1)Magastos at mahirap gumawa ng database ng pera...

2)Tapos gagawa pa ng panibagong pera para lang matrack ito!

3) MAGASTOS GUMAWA NG DEVICES NA PWEDENG MAGRECORD AUTOMATICALLY KUNG KANINO NAPUPUNTA ANG PERA NG ISANG TAO. (Kung meron man nun)

May several suggestions ako para sa dalawang problem kung bakit mahirap ito i-implement (di ko na isasama yung ibang dahilan dahil hahaba ito)

1)
- Maglaan ng pera para dito... (Duh!)
- Simulan na ngayon!

2)
- Gumawa ng bagong "trackable" na pera in secrecy
- Palitan lahat ng lumang "untrackable na pera na pumapasok sa Central Bank
- Read number 3

3)
- Gawing e-money ang currency ng Pinas
- Lagyan ng barcode lahat ng perang trackable
- Gawing machine-readable yung serial number ng pera tapos mag mas produce ng readers nito... (Yung readers connected sa database, lahat ng tao dapat meron nito at lahat ng transaction ay gumagamit nito)

OR!!!!

- Pera nalang sa bangko ang itrack ng gobyerno... (namahirap dahil may "privacy policy" ang mga bangko na di pwede basta tanggalin ng gobyerno)



-------------------

Maraming tututol dito... Pero wala lang... Malayo naman maimplement to...

Besides... Kung maisipan i-implement to...

sasabihin nilang nangyayari na yung sa book of revelations... (Marka ng devil ek ek.)

Basta...

Madameng benepisyo ang sistemang ito kung sakali... yun lang ang naisip ko

P.S.
Wala lang to... naisip ko lang to sa Jeep nung pauwi na ko...

Wednesday, September 1, 2010

Barkers

Para san ang mga barker?

Tuwing umaga nalang, may barker sa lugar kung san ako nagaabang ng masasakyan.

Sisigaw sila sandali (nagtatawag ng pasahero), tapos hihingi ng bayad sa driver.

Pag hindi sila binigyan, sila pa galit, e hindi naman sila kelangan ng driver e kahit wala sila dun may sasakay pa rin sa dyip nila ng kusa e.

Di na nila kailangan ng taga sigaw kasi hindi naman sila nag aabang dun sa lugar na yun (tipong station), kundi tumitigil lang sila para magsakay ng mga pumapara sa kanila (TAKE NOTE, PUMAPARA, ibig sabihin kahit walang barker alam nila sasakyan nila.)

Di ba? Kinakawawa lang ng mga barker (na hindi kailangan) ang mga driver natin. ~~.

Isipin mo, tatay ko pumara ng taxi, nanghingi pa yung barker ng bayad sa tatay ko at sa driver... ~~, N-labo lang. Epal lang naman sya. Haha (Actually naka sagabal pa nga sya e kasi hinarangan nya daanan ng taxi).

Dapat magkaron ng batas about "No barking zones", Mas malupet pa kasi sa mga nangongotong na pulis ang mga barker e. Haha

Pasensya na... Ayoko kasi sa mga bagay na nandyan at nakakasagabal pero pwede namang wala.... Wala kasing kwenta e, panira pa... :))

Sunday, August 29, 2010

Eyes

Nakasakay ako sa jeep, sa bandang harap, sa tabi ng katabi ng driver.

May namalimos sa kin na matanda,

Matanda: *kalabit sa tuhod ko* Penge naman kahit konting barya...

E(ako): *watching floaters, di napansin yung matanda*

Matanda: *kalabit sa tuhod ko* Sige na.

E: *looks at the her* (confused)

Matanda: (mutters something, cursing me) *glare*

E: *looks at her* (thinking kung bibigyan sya)

Matanda: (mutters something, cursing me) *eglare again* *walks away*

E: *watch her walk away* (wants to call her to give her some coins)

Matanda: (curses me) *evil glare*

E: (confused)

______________________________

Eto naman... Galing akong McDo with take out...

E: *eats Fries while walking* (looks at yagit and thinks if bibigyan ng barya)

Yagit: *going to approach me, meets my eye* (retreats)

E: (puzzled)

______________________________

Sa Klase... Bored na ko, kaya nag daydream ako

E: *day dreaming* (looks at V)

V: *catches me looking at her* (evil glare)

E: *snaps back to reality*

..... After class ....

V: Ikaw, ayusin mo yang pagtingin tingin mo... Parang, parang, ang sama mo kasi tumingin!

E: *puzzled*

____________________________

Nagtataka ako bakit ang sama ng reaction ng mga tao sa mga tingin ko...

Isang beses nga, tumingin lang ako, gusto na kong habulin ng Itak ni "Mrs. Wicket".

... Normal lang naman tingin ko ...

Oh well...

Masama lang kasi siguro shape ng mata ko...

---------------------
"sanpaku eyes"

Normally depicted as eyes with three whites... Sa left, sa right at sa ilalim.

Kung di nyo maimagine ganito hitsura nya

Click here

Yung mga ganyan yung mata e, kung tumingin e akala mo may binabalak na masama.

Madalas iniisip ng mga tao na violent sila.

-------------

Tingin ko, ang ganito ang ang kikita nila pag tumitingin ako...

Click Here

Nakakatakot ba?

Friday, August 27, 2010

Bang Lu Min's Testimony (Di ko alam totoong title nya e)

Kung nabasa mo na to, Skip ka na sa baba...

_______________________________________

Mr. Mendoza was already upset even before he saw on television what the policemen did to his brother. The other tourists who remained inside the bus were complaining. Wei Ji Jiang wanted to go to the bathroom. Dao Chi Yu was hungry and the rest were just groaning and whining like they have forgotten that our lives rest in Mr. Mendoza's hands.

The hostage taker, as you know him was really nice. He treated us okay and even let the elders and the children leave the bus. He said your policemen treated him unfairly. He was a policeman too and was accused of doing something he had no knowledge of. But your government didn't listen so he used us to get everyone's attention.

Things would have never turned for the worst if he didn't see how his family was dragged out of their house and taken into custody. He was watching the news all the time as we huddled around each other behind the bus. He shouted some words in your language then started shooting in the air. A girl about my age started screaming. Mr. Mendoza demanded her to stop but she didn't understand English. God, he had to slash her neck with a knife just to put her to rest. Her boyfriend who tried to hit him was shot in the head.

Tension was rising. You can see in his face how scared and confused he was. The bus driver ran away leaving him alone with strangers from a distant land. I can see him walking across the aisle, sometimes pointing his machine gun to one of the tourists. But he tried his best not to hurt us, especially those who really cooperate.

I guess its in your nature not to inflict pain on others unless it was necessary. I remember him saying that he will free us before sundown and implored us to forget everything when we return home. But his words don't matter now. The policemen were trying to force their way in, while we all lied down to shield ourselves from bullets. Mister Mendoza blindly shoots at his enemies which I think kept them from rescuing us. I hear sobs under the chairs. Some were even shouting the names of their loved ones even when the air merely eat their words. Kevin Tang tried to escape when the glass door was was shattered, but one shot and he slumped on the floor with blood gushing from his mouth.

Heavy rain pitter-pattered on the rooftop. In old Chinese saying, it means an end to a struggle. Finally, somebody was able to open the escape hatch at the back of the bus. Freedom. But I knew Mister Mendoza was still alive. I knew he was just waiting for a chance to strike back at his enemies. So I told those around me not to escape. Let the authorities come for us instead. Then there was gunfire. He was firing at his enemies with a machine gun. Those who were at the escape hatch fled abandoning us once again. It's like a nightmare with no end and to wake up means a certain death. Then somebody from outside the bus threw a canister. It forced out a black smoke that is so painful to the eyes and putrid smelling to the nose. People started screaming. We cannot breathe. Some ran in front of the bus but Mister Mendoza warned them of stray bullets. It was too late. One was hit on the head, the other was hit on the shoulders. Bullets were now flying. Its like the authorities thought we were all dead. Mister Mendoza finally realizes his mistake and said sorry to everyone, dead or alive. He then ran towards the front of the bus where he would meet his maker. As he passed by my chair with bullets whistling overhead, I clutched my hand on the velvet curtain and wrapped it around my face. All I could think of was to stay alive - for my child who is waiting for me back in Xinjang. I know I will survive, I will come home.

________________________________

The story (yes, story) was wrote in a first-person POV.


Most probably this is fictional (Just like the story of the Woman from Hiroshima during WWII)


It was written in a way that it portrays the Mr. Mendoza as a good guy turned bad due to bad things happening to him.


I was laughing hard nung napansin ko na ang daming nag react sa story na to.


But they're saying the same thing, that this story isn't true.


So what? Its a good story though. Di naman sinabi nung gumawa nito na totoo to e. Haha


Parang The Da Vinci Code lang. HAHA.


P.S. Nag iiba pala lasa ng cereal depende kung sino kasama mo habang kinakain mo... o iba lang lasa nung gatas nila?

Sunday, August 8, 2010

Humps

Well, i was riding a jeepney at 11 pm...

Sobrang dilim.

Then in an intersection, tumingin ako sa bintana...

"Ang pangit naman ng lugar na to..."

Pag tawid, may nakita akong fastfood resto...

Then I realized na yung pangit na lugar na yun e yung isa sa mga pinakapaborito kong intersection... (Yeah I'm weird, i have my favorite intersections)

Napaisip ako...

We all see something... But there are hindrances para makita natin yung totoong value nya...

Mga bagay na nagclocloud sa ating paningin...

We all have biases, and prejudices.

Just like how the night and the limited view of the jeepney affected my view of my fave intersection.

if we are free from these biases and prejudices, makikita natin yun totoong value ng isang bagay.

Well, napaisip lang ako... :)

P.S. Bakit Humps ang title? Habang iniisip ko kasi to, may dalawang lalaking naguusap about "humps". :))

Wednesday, August 4, 2010

Walang Masakyan...

May mga napansin ako pag walang masakyan ang mga tao...

1. napupunta sila sa gitna ng daan, tipong parang pader sila... take note, mukhang diretso yung hilera nila.

2. nag uunahan sila sa dyip kahit wala naman makakasakay dun dahil sobrang sikip na

3. sasabit kung kaya pang sumabit

4. itutulak ka kahit nauna ka sa kanya sa paglapit sa dyip

5. garapalan, para mo yung sasakyan iba sasakay (Nakita ko yung lalaking pumara ng FX, nung palapit na sya, biglang hinawakan nung babae yung pinto tapos pumasok agad.)

6. HARANG SILA SA DAANAN NG SASAKYAN... di makagilid yung sasakyan dahil sa No. 1... Ang masama pa, di sila tumatabi.... Result? Traffic...

7. may mga barker na mapagsamantala... Puno na yung dyip nung dumating... Tapos sasabihin na 2 pa... May sasabit na 2... tapos hihingi ng pera sa drayber... ~~. Hellooooooooo kahit wala sya dun sasabit at sasabit yun...

8. ang waluhan na dyip nagiging sampuan... may sabit pa!!!

Dagdag pa kayo kung anong napapansin nyo pag walang masakyan ang mga tao... :)

Wednesday, July 28, 2010

Poof!

Sabi ng nanay ko "Kung gusto may paraan, kung ayaw may dahilan."

Well kinokontra ko yun palage perooooooo gagamitin ko yung principle ngayon in explaining something...

Narasan nyo na bang may tao kayong gusto nyong kasama?

Ako oo, but they find me weird...

Kasi... I seemingly teleport from place to place.

Ika nga nila, "Kabute, kung san san sumusulpot."

I don't have extraordinary powers, I just "poof" because I wanted to.

I'm a person who doesn't want to waste time... <--- (parang iba ginagawa sa sinasabi)

kaya I like planning and looking for the most efficient way to do my task. (Like moving from place to place)

And I use what I know to travel faster than usual.

That's my technique in poofing.

Well sino ba naman di gagawa ng paraan para makasama nila yung gusto nilang makasama di ba? :)

Kahit super busy ka, kayang kayang gawan ng paraan kung gusto.

Ika nga ng Eheads : "A few hours is better than never"

Friday, July 23, 2010

Aliens And Fita Spreads : Aliens

ALIENS!

Naglalakad ako papuntang sakayan dahil papasok ako nung may makitang akong lalaki wearing an elmo shirt.

Yung Red tapos may mukha ni Elmo sa gitna (Mukha lang)...

Tapos napaisip ako...

Paano pag may Alien na dumating sa Pinas at nakita yung lalaking na ka shirt na ganun?

Di kaya sya mag freak out kc nakakita sya ng Life form na may dalawang mukha? (Mukha ni Elmo sa shirt + Mukha nung lalaki)...

Kasi isipin mo, sino ba naman di magugulat sa kung may makita kang nilalalang na dalawa ang mukha at yung isa pang mukha e nasa katawan nya...

I asked somebody about this and that person said, "Ang tanga naman ng Alien na yun."

yung isa naman sinabi na "Freak tayo para sa kanya pero freak sya pagdating sa tin."

I realize na hindi naman siguro ganun ka bobo yung alien na darating sa tin (Taking into consideration na nakagawa sila ng paraan para makarating dito.)

Di ba? :D

P.S. Naiinggit lang ako siguro sa shirt nung lalaki.

Sunday, July 18, 2010

Pink

"Pink"

And Pink saw Pink on the Yellow
Rode far to go and meet Purple
Almost went back with Blue
But instead with an additional White

They rode Red across the fields
Seen Green as they pass
Sky Blue smile as they continue
Rolling above Gray

_____________________

Somebody was saying Purple was Pink and Purple was like Pink because Pink said that Pink was Pink like Purple.