Wednesday, August 4, 2010

Walang Masakyan...

May mga napansin ako pag walang masakyan ang mga tao...

1. napupunta sila sa gitna ng daan, tipong parang pader sila... take note, mukhang diretso yung hilera nila.

2. nag uunahan sila sa dyip kahit wala naman makakasakay dun dahil sobrang sikip na

3. sasabit kung kaya pang sumabit

4. itutulak ka kahit nauna ka sa kanya sa paglapit sa dyip

5. garapalan, para mo yung sasakyan iba sasakay (Nakita ko yung lalaking pumara ng FX, nung palapit na sya, biglang hinawakan nung babae yung pinto tapos pumasok agad.)

6. HARANG SILA SA DAANAN NG SASAKYAN... di makagilid yung sasakyan dahil sa No. 1... Ang masama pa, di sila tumatabi.... Result? Traffic...

7. may mga barker na mapagsamantala... Puno na yung dyip nung dumating... Tapos sasabihin na 2 pa... May sasabit na 2... tapos hihingi ng pera sa drayber... ~~. Hellooooooooo kahit wala sya dun sasabit at sasabit yun...

8. ang waluhan na dyip nagiging sampuan... may sabit pa!!!

Dagdag pa kayo kung anong napapansin nyo pag walang masakyan ang mga tao... :)

No comments:

Post a Comment