Saturday, July 9, 2011

Magexercise Tayo!

Araw-araw, sumasakay ako sa dyip.

Habang nakasakay ako, may nadevice ako ng way to stay healthy habang nakasakay sa jeep.

Gusto mo ba ng masel sa braso?

Wag nyo kong pipilosopohin na may masel talaga tayo sa braso...

Alam nyo naman ang ibig kong sabihin...

Kung gusto nyong magpalaki ng masel sa braso nang walang gym gym...

Subukan nyo tong teknik ko...

1) Pumara ng Dyip

2) Sumakay

3) Umupo sa gitnang parte ng dyip

4) Maging taga abot ng pamasahe ng ibang pasahero

5) Umusog papalapit sa drayber pag may sasakay, para iabot nila sayo yung bayad nila

_____

Yang steps na yan, ewan ko nalang kung hindi yan gumana.

Hindi lang matutuwa ang mga taong mahilig magpaabot ng bayad nila, lalakas pa katawan mo.

Pwede ka ding mag dagdag ng variety sa exercise na to.

Ex. Imbes na i-extend ang braso, lumapit sa drayber tsaka iabot, tapos bumalik uli sa original position. - DI BA PARA KA NA RING NAG JOGGING, yun nga lang kapit kang mabuti baka bumalentong ka. Oh ha, napapalakas din pala ang Grip mo.

Madaming simple exercises ang magagawa sa loob ng dyip.

Di lang lalakas ang pangangatawan mo, pati na rin ang pa... *ubo*giging taga abot *ubo* ...kikipagkapwa tao mo

Use it well...

May iba pa ba kayong exercise na ma isusuggest? :D Comment na :)

No comments:

Post a Comment