Hindi lang namin maintindihan kung bakit hindi sumusunod ang mga tao sa Prisipyo ng diffusion?
Ano nga ba ang diffusion?
Ang diffusion ay ang paggalaw ng mga "molecules" papunta sa mas mataas na Konsentrasyon papunta sa mas mababang konsentrasyon.
E anong kuneksyon ng diffusion sa mga pasahero?
Napansin nyo ba ang mga ginagawa ng mga tao sa LRT?
Sa dyip?
at kahit sa bus?
Para silang nagrereverse osmosis!
Hindi Diffusion o Osmosis! Reverse Osmosis!
Ano muna ang osmosis...
Hmm..
Ito ang pag galaw ng tubig papunta sa lugar na mas maraming tubig papunta sa lugar na mas konti ang tubig nang dumadaan sa isang "semi-premeable membrane" o Harang na Medyo pwedeng daanan [Sa Point of view ng mga solutes]
Ngayon, Reverse Osmosis ang kabaligtaran nito, pumupunta ang tubig sa lugar kung saan mas maraming tubig!
Ngayon, pansinin mo sa dyip...
Di ba madalas magsiksikan ang mga tao sa dulo ng sasakyan? :D
Tila ba may pwersang tumutulak sa kanila para magkumpulan dun!
Yun ata yung tinatawag na Pwesra na "ayaw maging taga abot ng bayad".
Sa LRT naman at MRT...
Para bang nagkukumpulan ang mga tao sa tapat ng pintuan ng tren!
Bakit? Dahil sa Pwersa na "madaling makalabas pag nasa istasyon na".
Pero parang paradoxical ang nangyayari e...
Imbes na kasi mapadali ang paglabas nila, mas lalo silang nahihirapan.
Bakit kamo? E nagsisiksikan sila sa Pinto e... Pati tuloy yung mga nasa loob ng tren naiistorbo...
Ang cool di ba?
Kung Nagdidiffuse lang ang tao sa mga sasakyan, naku sigurado...
Baka hindi na masikip ang mga pampublikong sasakyan!
Tingin nyo rin ba?
No comments:
Post a Comment