Wednesday, December 22, 2010

Mga Pwedeng Dahilan Kung Bakit Masikip sa Loob ng Jeep

Wala akong magawa sa loob ng dyip nung naisipan kong obserbahan ang mga tao sa loob...

Masikip sa dyip dahil puno e...

Pero napansing kong hindi naman talaga yun yung isyu kung bakit masikip nung sumakay ako...

...

Ngayon ililista ko ang mga posibleng dahilan kung bakit maskip sa jeep, ayon na rin sa mga naoobserbahan ko pag sumasakay ako sa jeep.

________________________________

Punong-puno ang Jeep - Eto talaga yung sagad yung upuan. Lahat ng tao ipit. Walang nakabukaka dahil sobrang sikip... Madalas tong nangyayari pag wala na talagang masakyan...

Malaking Pasahero - Alam kong alam nyo ang ibig kong sabihin dito... Alam ko may experience na rin kayong katulad nito... I don't hate those people kaya ko nilagay sila dito sa listahan... Pero totoo naman e, sumisikip lalo yung dyip pag sumasakay sila e... Oh well... :) Peace

Kuyang/Ateng Nakabukaka - Grar... Nakabukaka sila. OO! Kaya masikip... Karapatan nilang umupo ng kumportable pero sana isipin din nila na di lang sila ang may karapatang umupo sa jeep.

Kuyang/Ateng Walang Paki sa Kapwa pasahero - Eto ang Evolved Form ng Kuyang/Ateng nakabukaka. Hindi lang sila nakabukaka, nakasideview sila at kumportableng kumportable sa pag-upo. Ok sana kung hindi nagigitgit yung ibang pasahero.

Hippo - Eto yung grupo ng tao na magkakakilala sa loob ng dyip... Ok naman e... Kung hindi lang nila binabakaw yung space... Example: Kalahati ng dyip exclusive sa kanila, AS IN kalahati, kahit kasya sila sa space na 1/4 lang ng dyip... Binubuo ito ng mga Kuyang/Ateng Walang Paki sa Kapwa Pasahero. (Hippos are territorial animals)

Children-in-between - Eto yun nagbabayad ng dalawa tapos pinapaupo sa gitna nila yung batang kasama nila. ~~. Ok ok ok. Hindi masama magpaupo ng bata, kaso, pag 1 o 2 nalang ang upuan sa jeep, sana naman.... Di lang mga kapwa pasahero yung naabala, pati narin yung bata...

Squirming Children - Eto yung batang nakaupo at binayaran ang pamasahe. Pero, MALIKOT... (Gusto ko lang tawaging Squirming Children kasi catchy yung tunog.) ... Tipong 2 upuan sakop nya dahil sa sobrang likot nya...

Loveberds (oo "e" yan) - Obviously, ito yung mga magsising-irog na magkatabi sa Jeep... Ok lang maging sweet sa isa't isa, kaso... sana wag bakaw sa space... Madalas kasi, pag sweet na sweet sila (as in naka-lingkis yung isa sa isa), 3 upuan ang naooccupy nila imbes na 2.

Pakeyj - Di mo mabasa? Package yan! Sila yung mga may malalaking bagahe pag sumasakay sa dyip. Malaking bag, mga box at kung ano ano pa... Mas masaklap pa pag nilagay nila yung mga bagahe nila upuan...

PakingDuo - Dalawang Kuyang/Ateng Walang Paki sa Kapwa pasahero na magkatabi at magkaharap.... Di mo gets? Example: Parehas silang nasa Kanan pero magkaharap sila. :D Malaki ang sakop ng mga to.

Si Makasan Dal - KilaLA NYO TO? Variation sya ng Kuyang/Ateng Walang Paki sa Kapwa pasahero na mahilig sumandal sa katabi.

Si Makatu Log - Pwedeng Kuyang/Ateng Walang Paki sa Kapwa pasahero na tulog o kaya normal na pasaherong nakatulog lang... Di naman nya kontrolado yung space na sakop nya kung tulog sya... :D

___________________

Madame pang pwedeng mechanism kung bakit sumisikip ang dyip...

Ang mga rason sa taas e pwedeng mag sama sama sa isang dyip, o kaya pwedeng hiwahiwalay...

Kung may idadagdag kayo... Sa comment nalang...

:D

P.S. Happy Holidays!

No comments:

Post a Comment