Showing posts with label Psychology. Show all posts
Showing posts with label Psychology. Show all posts

Monday, August 15, 2011

Naisip dahil puyat

... Ako'y hamak na taga public school lamang.

wala akong talento, talino(ehem), sipag, o kagwapuhan....

pero mapapansin nyo naman na may pagkasinungaling ako. Joke.

Disregard nyo nalang yung "sinungaling" part.

basta...

pumasok ako sa isang pamantasang kilala dahil sa mga estudyate nitong mayayaman...

[So hulaan nyo nalang kung saan kung di nyo ko kilala... (UA&P, DLSU, ADMU, etc.... teka, lahat naman halos ng universities mamahalin ang tuition ha... IBABA ANG TUITION!!! Peace...)]

akala ko wala akong makakasundo sa kanila.

akala ko walang makakapansin sa kin...

-_- which is partly stupid when i think about it now.

Naalala ko lang na natuwa ako nung may isang taong di ko masyadong kaclose (galing sa ibang course) ang may alam ng pangalan ko, kahit never ko pa syang nakausap. -_-

Natatawa ako, ganun pala kababa social skill ko... nasisindak agad ako sa fact na taga dung school sila.

-_- oh well. ang natutunan ko sa buong stay ko sa univ na yun ay:

1) tao sila

2) tao din ako

3) tao interacts with tao

so... in short. kahit sino, kaya mong makausap. wag mong iisiping di mo sila kayang abutin.... :)


Saturday, July 30, 2011

Isa na naman?

Broken hearted ka ba?

Meron ako kilala... Literally...

She passed away kahapon (ata ng madaling araw)...

I'm not sure, nobody gave me the details....

She's an old classmate, its just weird...

Parang kelan lang, kasama ko sya sa swimming...

We are not very close, but I admit, I'm sad na nagkick na sya ng bucket...

She's an old classmate, its just weird...

I can still hear her talking to me...

We are not very close, but I admit, I'm sad that she passed away...

While im writing this entry, it appears that she is online in facebook...

Maybe someone has access to it. i dont know.

Haha, ngayon nag offline na sya...

I dont have the courage to say, "hey who are you."

Baka mamaya sya yun @_@ oh noooo...

Ay kapatid nya lang pala. Whew....

Well kung nasan man sya, sana masaya sya (kung kaya nyang maging masaya)

Sabi nga ng kabarkada ko dati, "at least alam na nya kung may heaven."

Friday, July 22, 2011

Death

Ever watched Patch Adams?

Ito ang paborito kong dialogue sa movie na yun

________________________________
Death. To die. To expire. To pass on. To perish. To peg out. To push up daisies. To push up posies. To become extinct. Curtains, deceased, demised, departed, and defunct. Dead as a doornail. Dead as a herring. Dead as a mutton. Dead as nits. The last breath. Paying a debt to nature. The big sleep. God's way of saying, "Slow down."

[To check out]

To shuffle off this mortal coil.

[To head for the happy hunting ground.]

To blink for an exceptionally long period of time.

[To find oneself without breath.]

To be the incredible decaying man.

[Worm buffet.]

Kick the bucket.

[Buy the farm.]

Take the cab.

[Cash in your chips.]

And if we bury you ass up, I have got a place to park my bike.
___________________________________

Dialogue yan between a Dying Man and Patch Adams...

Anong masasabi mo?

Wednesday, February 23, 2011

Purkinje Lights

Try nyo to...

Astig to... :D

1) Ipikit nyo mata nyo... (PIKIT HA)

2) Humarap ka sa direksyon ng araw...

3) Itapat mo yung kamay mo sa mukha mo tapos ilayo mo sa mukha mo tapos ilapit mo tapos ilayo mo nang paulit ulit nang mabilis. (DAPAT NAKAPIKIT KA PA RIN)

4) Pag nagawa mo ito ng tama, Mageenjoy ka... Makakakita ka kasi ng mga kakaibang uhmm bagay(?)... Hirap describe e...

Ginawa ko na to... Seryoso... :) Its cool...

Tawag dito ay... (TENENT) "Purkinje lights"

ayoko na iexplain yung dahilan kung bakit to nangyayari...

Baka manosebleed lang makakabasa nito kung sakali... :D

Enjoy!

Tuesday, February 22, 2011

Death

Well, I thought i could just shrug whenever somebody dies...

I guess not...

Hindi maganda ang feeling na parang kausap mo lang yung tao dati tapos malalaman mo patay na pala sya...

Why be affected?

Its hard to answer that...

Life values life... Its not hard to understand that...

But I'm still confused why do people react to death of others with grief...

Well...

Maybe because you shared a strong bond....

or because you got used to the person...

One of my friends died last 2009... It was the first time i felt sad for a death of someone...

Its 2011... and this time, its my Professor who passed away...

...

I'm sad... I admit it...

...

He gave me a passing mark even though i sleep in his lectures...

He always look at me when he's doing a lecture.

And lage ko syang nakakasalubong pag sumasakay ako elevator...

... i dont know... why i'm sad.... but i know i will get over this... i just think it changed something...

I hope that he'll rest in peace...

Gaya nang sinabi ko sa kaibigan kong umiyak nung 2009... "At least alam nya kung may heaven talaga"...

_________

"People die..."

"Almost dying changes nothing. Dying changes everything."

_________

P.S. Rest in Peace Dr. Anthony Lee...

Sunday, December 5, 2010

Mga Taga-salo

...

"Pramis babalikan kita."
"Sige, sabi mo yan ha."

___________________

Lasing ako sa kape... At natatanga ako sa dami ng mangyayari sa linggong ito...

Wala lang. Wala tong kuneksyon sa post ko.

Ehem... Balik sa post...

___________________

Medyo napaisip ako sa sinabi ng kaibigan ako tungkol sa mga "back-up" AKA "taga-salo".

Tipong naka-kontrata na sila...

Yung mga "Pag wala na kong mahanap na mas ok sayo bago *gives date*, tayo nalang (porebereneber)"...

O kaya "Pag di pa ko kasal pag *gives age* na (tayo/ako/ikaw), tayo nalang magpakasal."

Maraming variation yang kontrata na yan e...

Yung iba naman... "Sige, tayo pero bahala ka gawin gusto mo. Basta tayo at sa 'kin ka lang dulo."

o kaya "Mahal kita, mahal mo ko, pero tsaka nalang maging tayo pag *gives condition/date*."

Pwede ding "We're young. I want to experience life as much as possible ng walang tali. Don't worry i love you. We'll be together someday."

_____________________

I pity and admire those people who agreed to these kind of contracts...

Luge sila kung tutuusin e... (Hindi lugi ang nagpresinta ng contract dahil magprepresinta ba sila kung luge sila?)

Pity kasi tanga sila... Kayang kaya silang lamangan... Malaki ang chance na talo sila sa dulo... Na naghihintay lang sila sa wala...

Admire kasi matapang sila... Para kasi silang naglalaro ng russian roulette... May assurance na 5 sa 6 na chamber ang walang bala (contract)... Pero hindi sigurado na hindi sila ang talo sa dulo(breach of contract)...

__________________

Kayo ba? Papayag ba kayo sa mga ganyang kontrata?

Hirap d ba?

Wednesday, December 1, 2010

Ang Manang sa LRT...

Tumigil ang tren sa istasyon...

Sakto nakabili ako ng tiket...

Ipapasok ko na sana ang card ko nung napansin ko na may babaeng MAS nagmamadali sa kin...

Kaya pinauna ko sya...

Nung nakapasok na sya, pinasok ko yung card ko pumasok ako at kinuha yung card ko...

E sakto may nagpasok din ng card sa kabilang side... Pinauna ko yung nagpasok... (so in short nakuha ko card ko pero di ako nakapasok)

Nung ako na yung papasok... (Tandaan nakatigil yung tren sa station)

Ako: *papasok* excuse me...

Manang: *pinasok yung card tapos sasalubungin ako*

Ako: *backs then gave way*

Manang: (in a sort-of-"you're rude" way) Makakapasok ka rin...

Ako: (sa utak) DUH.... Alam kong makakadaan ako later, but I HAVE A TRAIN TO CATCH RIGHT NOW... Tell that to yourself...

Mga tao sa likod ni Manang: *sunod sunod na pumasok... Hindi na ko pinadaan*

Ako: (sa utak) Sige lang sige lang cool lang, nandyan pa yung tren... *nagsara yung mga pinto ng tren* @#$%#!#%!%!%!%^! AYAW NYO KO PADAANIN! !#!$!#@@%%!@ NAIWAN AKO NG TREN.... MGA HARANG... (after few seconds) ok im cool again... 30 mins pa bago magsara yung office...

Nung natapos na ang pagpasok ng mga tao...

Ako: *papasok* *tegeng* (Hindi makapasok) *lingon sa likod* *nakitang may card sa dapat pagkukunan mo ng card* *looks at woman behind me*

Ate: *confused* *gets her card*

Ako: *pumasok*

Ate: *pumasok* *tegenk* *di nakapasok*

Ako: Ate, bakit mo pinasok yung card mo? E ako palang dadaan... (in short, nagpasok na ko, nagpasok ulit sya tapos nacount yung dalawa as one*

Ate: Ganun ba? *punta sa nagtitinda ng card*

Ako: *Waits for Ate but train arrives kaya pumasok agad sa tren*

___________________________

Anong Moral Lesson?

1) May mga taong sadyang selfish na di iniisip yung sitwasyon ng iba... (Manang) Meron naman selfish dahil di nila alam yung sitwasyon... (mga sumunod kay Manang)

2) Hindi porke nagpaparaya ka kahit gipit ka, mabuti ka na sa paningin ng iba... (Ako)

3) Dapat wag basta basta gagawa ng kung ano ng hindi tinitignang mabuti ang pangyayari... (Ate)

4) May mga taong sadyang mahilig gumawa ng stupid statement na pinapatamaan nila ang sarili nila. (Manang)

________________________________

May nakakakita ng pangyayaring yun...

Kung mababasa nyo tong entry na to, alam kong naiintindihan nyo ako dahil alam kong alam nyo na nakakabanas yung nangyari sa kin...

Oh well... Tapos na rin naman yun...

Nabother lang talga ako sa "stupidity" at tone ng statement ni Manang.... HAHAHA... Sya pa nainis...

Di ba?

Saturday, November 27, 2010

Burger Effect

Kakain kayo ng mga kabarkada mo... At hati-hati kayo sa kakainin nyo...

Example: Burger

Pero sa kung ano pa mang kadahilanan e hindi ka kasama sa hatian (meaning wala ka dun nung hinati o kaya may ginawa ka o sadyang nakalimutan ka nilang hatian).

Ex: Burger hinati sa 4 pero 5 kayo

Tapos bigla kang babalik o kaya manghihingi (directly or indirectly)...

Hahatian ka nila sa parte nila...

So kung may tig 1/4 sila, bibigyan ka nila ng kalahati so 1/8 tapos apat so lalabas meron kang 4/8 o 1/2 ng original burger....

Ang tawag naming magkakabarkada dito ay ang "Burger Effect"...

Nangyayari ito pag inaatake ng konsensya ang isang grupo ng tao dahil nalamangan nila ang isang tao na pwede namang kapantay nila.

Burger effect is the manifestation of group conscience wherein the one who didn't get any share of the thing to be shared equally to the group would gain more in the division of that thing after the realization that that someone didn't really get a share.

Ninosebleed ka? Ako rin...

Kung may nakakaalam ng "real" "scientific" name nitong pangyayaring to maari po lamang na magcomment kayo...

Nakakatuwa lang kasi tong naisip namin e...

hehe... Di ba?

Thursday, November 11, 2010

What doesn't kill me....

‎"What doesn't kill me only makes me stronger." - Nietzsche

Madameng kumokontra sa Quote na to...

Anong dahilan?

IKAW BA PAG NASIPA KA NG KANGAROO SA MUKHA AT NABUHAY KA MAGIGING STRONGER KA?

Well...

Ayon sa kaibigan ko, hindi daw applicable ito sa lahat ng bagay... Pwede lang daw po ito sa emotional pain...

Well, im here to prove my friend wrong (pati narin yung gimagamit ng "kangaroo kick" argument against the said quote).

_________________________
"What doesn't kill me only makes me stronger."

Assuming that having offsprings is a method of "immortality/being alive" since part of you will be passed to your descendants.

Which makes "kill" = "kill all descendants"

SO....

"What doesn't kill your descendants will only make your descendants stronger"

Where "descendants" = "you" (or at least partly living you)

Di ba?

_________________

:) Well... Its not really what Nietzsche meant (I think)... But its enough to make a point kaya ko sinabi...

Wednesday, October 20, 2010

Prejudging

Ano ba ang mas masama?

Pagiging Hypocrite o pagpreprejudge?

Isipin nyong mabuti.

_________
________
_______
______
_____
____
___
__
_


May pinanigan na ba kayo?

Nakagawa na ba kayo ng arguments kung bakit yun yung pinili nyo? Kung bakit mas masama yung isa sa isa?

Pero kung iisipin nyo...

Lahat tayo hypocrite!

Oo tama nabasa mo... IKAW, AKO, TAYO! HYPOCRITE TAYO!

Wag ka na magmaang-maangan...

Pero isipin nyo...

Lahat din tayo nagpreprejudge...

Wag ka na magkaila, alam kong may prejudices ka din...

1) Kung sinabi nyo "Hindi ako nagpreprejudge" o kaya nung sinabi kong nagpreprejudge tayong lahat, pinatunayan mong tama ako na hypocrite ka.

Sabi mo di ka ngapreprejudge pero alam ko, isang beses sa buhay mo umiwas ka sa isang tao dahil akala mo masamang tao sya. Alam ko minsan iniwasan mo ang isa sa mga nakakatakot mong kaklase kasi nakakatakot sya. HINDI MO SYA KILALA, WALA KANG ALAM SA KANYA PERO INISIP MO AGAD NA NAKAKATAKOT SYA. Human nature na ang mag prejudge. Kahit di pa natin alam, nagfefeeling tayo na alam na natin. Let's just accept that fact.

Hypocrite ka nga pag sinabi mo na di ka nagpreprejudge dahil nagprejudge ka kahit palupaluin mo pa ulo mo... See the paragraph above. :)

2) Aminado ka ba na nagpreprejudge ka? Pero di mo tanggap na hypocrite ka? Baka naman di ka nagpreprejudge... Delikado yan... Kasi nagiging hypocrite ka...

Syempre kung alam mong may masama kang ginagawa e di iiwasan mo di ba? E di iniiwasan mong mag prejudge(kasi masama yun) which in turn makes you hypocrite because you said that you prejudge.

____________________________

Ninonosebleed na ba kayo? :D

Malay nyo hinihilo ko lang kayo... :D

Bottomline talaga nito, di mo masasabi kung alin sa dalawa yung mas masama because everybody is guilty of the two. Di mo masasabing mas dense ang water sa ink kung magkahalo sila... :)

Yun lang yun.

P.S. If you can't amaze them with your intelligence, confuse them with your stupidity.

Sunday, September 5, 2010

Kung di ka nga naman minamalas...

Minsan ba may araw ka na tipong lahat ng di maganda nangyayari sayo?

May weird akong kwento:

__________________________

Isipin mo ikaw to,

May test ka bukas ng 8am...

Nagising ka ng 7:00, e di nagmamadali ka pero nung papasok ka sa banyo para maligo, inunahan ka ng kapatid mo.

Pag labas nya 7:30 na... Nagmamadali ka maligo, nawalan pa ng tubig.

Pag alis mo sa bahay 7:42 na...

Pag sakay mo sa dyip, tumigil pa sya ng pagkatagal tagal sa simbahan... mga 10 mins... pakiramdam mo lang pala matagal...

Tapos kung di ka naman minamalas, nasiraan pa yung sinakyan mo...

Pag lipat mo, nag abang uli yung sinakyan mo ng 10 mins...

Sumuko ka na... Di mo na iniisip kumuha ng test...

Nakatulog ka sa sasakyan,,, Pag dating mo sa school, 9:00 am na sa relo mo...

Malungkot ka... at sumilip ka sa room kung san ka dapat nag tetest... at napansin mong magulo sila sa loob...

Pumasok ka ng kwarto, at saktong dumating yung proctor ng exam... 8 am na daw kaya magsisimula na ang exam...

Tuwang tuwa ka, pero nung nakita mo yung test, gusto mo mag mura kasi di ka pala nakapag review at di mo naiintindihan yung test...

Nang hula ka...

Maaga ka natapos, kaya natulog ka...

Pag gising mo...

7:30 am na... Nanaginip ka lang pala kanina pa...

__________________________

P.S. This is partly true... :) Nanaginip akong ready na kong umalis ng bahay, pag tingin ko sa relo, nagulat ako, same time sa panaginip ko kung anong oras ako dapat lalabas ng bahay. Well, swerte ko di ako nalate.

Wednesday, September 1, 2010

5 stages of Grief

Ever heard of the Kubler-Ross model?

It is also known as the 5 stages of grief.

Eto yung process na dinadaanan ng isang tao pag may nangyayaring di kanais nais sa kanya. Madalas, pag nadadiagnose sila o isa sa mga malapit sa kanila na may isang terminal na illness.

Eto yung mga steps nun,

1. Denial - Dinedeny nila na nangyayari sa kanila ang nangyayari sa kanila ngayon.

2. Anger - Nagagalit sila dahil hindi na nila madeny yung nangyayari sa kanila.

3. Bargaining - Eto na yung nakikiusap sila, promising that they will change or do something better kung makakaligtas sila sa nangyayari sa kanila ngayon.

4. Depression - Depressed na since wala na silang magagawa sa kalagayan nila ngayon. Eto na yung part na narerealize na nila na wala na silang magagawa.

5. Acceptance - Final stages. Handa na sila, ok na sila, tanggap na nila nangyayari sa kanila. Hindi na sila depressed sa mga nangyayari sa kanila bagkus handa na nilang harapin it.

Yang ang 5 stages of Grief.

May kilala ba kayong dumaan na dyan?

Tuesday, August 17, 2010

Anong nararamdaman mo?

Anong nararamdaman mo ngayong araw na to?

Isipin mo kung anong nararamdaman mo...

Masaya ka ba? Malungkot ka ba?

Stressed ka ba? O relax ka lang?

Nagtatanong lang...

Sunday, August 1, 2010

Dunning-Kruger Effect

Nadagit ka na ba ng trick question na...

"What Grade Do You Think You Deserve?"

o kaya

"What Salary Do You Think You Deserve?"

--------------------------------------------

Me? A LOT... I tend to grade myself much lower than I should...

Humble lang po (-.-)

Oh Well, I dont need High Grades
(Hala lagot ako, oo nga pla... Kelangan ko pala magkaron ng Scholarship (-.-) )

Most people give themselves a much lower value when asked to grade themselves.

Some naman, they give themselves a high grade even though they don't deserve it.

Hinahanap ko kung anong tawag sa phenomenon na yun e

Pero ayon sa aking research... Yun yung tinatawag na:

Dunning-Kruger Effect (Well eto yung closest e)

To put this in simplier term, I'll quote a smart person:

"One of the painful things about our time is that those who feel certainty are stupid, and those with any imagination and understanding are filled with doubt and indecision."
-Bertrand Russell

Kung complicated pa yan eto...

Yung DK effect e pwedeng

1) Feeling matalino hindi naman + confident na matalino sya.
o
2) Matalino kaso nagdududa na matalino sya + hindi confident na matalino sya.

Experienced this before? :)

Or know some people who are like no. 1 and 2 ? :)

It can be seen everyday :)

Just observe :)

Friday, July 16, 2010

Stupid Questions?

Ang dameng nakakausap ko ang nagtatanong ng mga Stupid Questions...

Yung mga tanong na Obvious yung sagot pero tinatanong pa rin...

Hindi ko alam kung bakit nila ginagawa yun...

I was thinking about it and i found some possible explaination:

1. They don't trust their senses

2. They don't trust their judgment.

3. They don't think.

4. They don't rely on common sense

5. They do it For Fun!!!

______________________________________

1. People have their own limitations, yung iba malabo mata o kaya di makaamoy ng maigi dahil may sipon. Well wala silang magagawa kung nakaencounter sila ng mga pagkakataon na kelangan nilang magtanong ng stupid question.

Ex. Color Blind

J: Pare, Green ba to?
E: (alam na clor blind si J) Oo pare Green yan.

pero kung ganito naman

L: Pare Green ba to? *labas ng red apple*
E: (alam na normal si L) Hindi... *annoyed*

L just asked a stupid question, pero kung si J ang nagtanong ok lang considering na may limitation sya.

2. Some people don't trust what they think that's why they ask stupid questions. Its really simple, most of the stupid questions are asked because of this.

Ex. Crime scene

P1: Sinaksak ba sya gamit tong ice pick o pinalo ng palo palo? *shows ice pick that was retrieved from the body* (FYI, No sign of Blunt Trauma sa bangkay)
P2: *annoyed* Yes... Kasi, hinugot po natin yan sa katawan ng biktima... at walang blunt trauma sa bangkay.

P2 was annoyed because it was obvious... ~~. P1 was just asking because he's not sure of what he thinks (maybe dahil na rin may nakita syang iba sa crime scene which made him to doubt what he thinks). Can't blame him... He's just making sure what he thinks is right.

3. Plain simple explaination... THEY DON'T THINK... They want you to do the thinking for them... ~~. Most annoying to para sa kin...

Ex
(calculating something for statistics)
S: 1+1 ano ba sagot dun?
E: 2
S: e 2+2
E: 4
S: 4+4
E: *annoyed*

Isipin mo... S reached Statistics But still asks the answer for VERY SIMPLE arithmetic... I mean c'mon. You already know that... kung 75x5 acceptable pa e, pero 1+1!?!?!??! GRAAAHHHH
~~. pasensya na... Iniisip ko lang kasi, na may mga bagay na basic na dapat alam natin at dapat di na natin tinatanong sa iba...

4. This one is commonly the problem of very smart people. Haha They don't rely on common sense. Our science right now defies common sense (Physics).

Ex

Physicist1: pag may kambal na 5 yrs old tapos yung isa iwan sa earth yung isa ilalagay sa spaceship na nagtratravel ng 0.8c (c = speed of light). after 10 years, anong edad nila?

CommonSenseJohn: 15 parehas! 5+10! common sense! Physicist ka pa naman haha!

Physicist2: No. hindi sila magkasing tanda after 10 yrs.

Dito sa example na to makikita natin na hindi katiwatiwala ang common sense sa lahat ng bagay. Physicist1 didn't rely on his common sense when he asked the question. Common sense will say 15 but thats not the right answer. It sound stupid for John because the physicist doesn't rely on common sense. :D

5. May mga taong natutuwa sa reaction ng tao pag tinatanong ng stupid questions kaya ayun! Ginagawa nila. (Tulad ko)

Ex. (Biology majors)
J: Anong koneksyon ng isda sa palay at may "Plant Physiology"
E: Kasi ang palay nakalubog sa tubig, tulad ng isda! Plant Fish-iology...
J: Sir, anong masasabi nyo sa connection ng Palay at Isda ayon sa Plant Fish-iology?
I: *WTF*

Kung di nyo naintindihan yung nasa taas... ieexplain ko... Kaya stupid yung tanong kasi, nagword play si E at J, Physiology -> Fish-iology, para lang makagawa ng joke about the fish at palay. Its a stupid question for I because it doesn't make sense, ~~.

Di nyo naintindihan? <---- tingin ko stupid question to kasi Obviously hindi nga.

_________________________________

Haha... Well, part na ng buhay natin ang pagtatanong ng stupid questions, wag nga lang sana sumobra.

Naway humaba ang pasensya natin sa mga taong nagtatanong ng stupid question ngayong mag idea na tayo kung bakit nila ginagawa yun. :D

Tuesday, July 13, 2010

Did I say something wrong?

Naranasan nyo nalang ba na biglang magrereact (negatively) yung kausap nyo sa sinabi nyo?

Madalas ganun nangyayari sa kin... For some reason, I don't know.

I'm looking for the scientific term sa pangyayaring yun...

Pero may nagsabi sa kin na "Insensitive" lang daw ako...

I always say what I think daw with no considering how others would react to what I'm going to say.

Checking kung anong sinabi ko sa mga nag react negatively sa sinabi ko, wala naman akong napansing di kanais nais...

Which confuses me... It sounds ok, but people perceive it negatively... ~~.

Dahil dun nadevelop yung habit ko na magsorry immediately kung magrereact yung kausap ko negatively.

Example.

Ralph: Ang ganda ng Stars
EB: :(
Ralph: Sorry po :( kung may nasabi akong masama

_________________________________________

Isipin mo, ang hirap piliin ng words na sasabihin mo dahil nagiingat ka tapos kahit piliin mo ganun pa rin.

N-labo. nantritrip ba sila?


P.S. Dahil lage akong nagsosorry pag tingin ko may mali akong nasabi, meron nang nangtritrip ngayon sa kin... ~~. But I like it...

Monday, February 15, 2010

Explaination Kung Bakit Ganito Daw Tayo...

Pili ka isa...

1) Ginawa akong ganito ng Diyos Kaya ganito ako.

2) Kaya ako ganito e dahil ang Kulturang Kinagisnan ko e Ganito. Ganito ako dahil pinalaki ako sa Kulturang ito.

3) Kaya ako Ganito e dahil ito ang Best way to survive. Kung gusto kong makapagsurvive, dapat maging ganito ako. Kung hindi ako magiging ganito, liliit ang chance kong manatiling Buhay.

Anong kahinaan ng Bawat isa.

Yung sa 1. Required kang maniwala sa Diyos bago mo masabi yung Statement na yun. Oh sige nga. Paano pagpinalaki ka sa isang isla kung saan ang mga tao ay walang pinaniniwalaang diyos, masasabi mo pa ba kaya ito? Think.

Yung sa 2. May punto naman sya di ba? So ibig bang sabihin nun Empty Shell tayo yung pinanganak tayo? Ganun ba yon? Ibig sabihin pwede tayo maging ugaling pusa kung pusa magpapalaki sa tin? or something like that? Think.

Yung sa 3 naman. Supported by evolution yan. We are like this to be more fit for survival. :) Kaso. Ibig sabihin ba nun wala tayong Choice? sa ayaw at sa hindi Ganito tayo kasi it makes our chance of survival higher? Think.

Kung kayo pipili sa Tatlo. anong mas gusto nyo paniwalaan?

Naniniwala ako sa pangatlo, pero may extension dapat.

Humans are made to choose and no choice sila na kelangan nila magkaron ng Choice DAHIL mas napapataas nito ang chance of survival nila.

Sounds Better Di ba? :)

Friday, August 21, 2009

Ganito ako dati...

Kilala nyo ba si Bertong Badtrip?

Kung hindi eto sya...


Ganyan ako ka Badtrip dati...

HAhaha :D:D:D

"Di ako masamang damo, ako'y BADTRIP na damo!!!" -Bertong Badtrip

Sunday, June 21, 2009

Read hehe...

Read this sentence:

FINISHED FILES ARE THE RESULT OF YEARS
OF SCIENTIFIC STUDY COMBINED WITH THE
EXPERIENCE OF YEARS.

Now count the F's is that sentence. Count them ONLY ONCE.
Do not go back and count them again. Then see below:










There are 6 F's in the sentence. One of average intelligence finds 3 of them. If you spotted 4, you're above average. To see 5 is rare. If you caught 6, you are a genius. There is no catch. Most people forget the OFs. The human brain tends to see them as Vs instead of F's.

So... How smart are you??

:D:D

Thursday, June 18, 2009

Tips sa nalulumbay...

Keep in mind that your situation can be changed, that it is not a permanent situation but a common experience shared by others.

Do not be unreasonably demanding of yourself.

Feel content about yourself in general.

Develop good habits in eating and exercise, and get adequate sleep.

Use the time you spend alone doing creative things and learning new skills.

Be careful not to judge people you meet on the basis of your past experiences.

Value your friends and their unique qualities. Work toward developing a good circle of friends. Ask for ideas from older, experienced ones.

Do something for others—give them a smile, express a kind word, share a thought from the Bible with them. Feeling needed by others is an antidote to loneliness.

Avoid fantasizing about movie or TV stars or Internet or literature characters, imagining a relationship with them.

If you are married, do not expect your mate to meet all your emotional needs.

Learn to give and take, to help and support each other.

Learn to talk to others and to be a good listener. Focus on other people and their interests. Show empathy.

:D Tips lang