Saturday, November 6, 2010

Tracked na Pera

Isipin nyo...

Bakit hindi nalang itrack ng gobyerno yung pera natin?

Lagyan ng barcode o kahit ano pa mang paraan para alam nila kung kanino at kung anong mga pera ang naibayad o pagmamay-ari ng isang tao...

Kung ganun kasi, e di madameng krimen ang masusugpo...

Pano ka makakabili ng illegal drugs kung tracked yung pera mo? (Pwede lumusot pero c'mon...)

Pano makakakotong ang pulis kung tracked yung pera? (Pwedeng sabihing "donation")

Pano makakakupit sa "kaban ng bayan" ang mga corrupt officials kung tracked ang pera? (E di halata di ba?)

Isipin nyo...

Pero may paraan para lusutan to e...

Makakagawa at makakagawa ang mga tao ng paraan para malusutan to...


Besides ... Mahirap i-implement to...

1)Magastos at mahirap gumawa ng database ng pera...

2)Tapos gagawa pa ng panibagong pera para lang matrack ito!

3) MAGASTOS GUMAWA NG DEVICES NA PWEDENG MAGRECORD AUTOMATICALLY KUNG KANINO NAPUPUNTA ANG PERA NG ISANG TAO. (Kung meron man nun)

May several suggestions ako para sa dalawang problem kung bakit mahirap ito i-implement (di ko na isasama yung ibang dahilan dahil hahaba ito)

1)
- Maglaan ng pera para dito... (Duh!)
- Simulan na ngayon!

2)
- Gumawa ng bagong "trackable" na pera in secrecy
- Palitan lahat ng lumang "untrackable na pera na pumapasok sa Central Bank
- Read number 3

3)
- Gawing e-money ang currency ng Pinas
- Lagyan ng barcode lahat ng perang trackable
- Gawing machine-readable yung serial number ng pera tapos mag mas produce ng readers nito... (Yung readers connected sa database, lahat ng tao dapat meron nito at lahat ng transaction ay gumagamit nito)

OR!!!!

- Pera nalang sa bangko ang itrack ng gobyerno... (namahirap dahil may "privacy policy" ang mga bangko na di pwede basta tanggalin ng gobyerno)



-------------------

Maraming tututol dito... Pero wala lang... Malayo naman maimplement to...

Besides... Kung maisipan i-implement to...

sasabihin nilang nangyayari na yung sa book of revelations... (Marka ng devil ek ek.)

Basta...

Madameng benepisyo ang sistemang ito kung sakali... yun lang ang naisip ko

P.S.
Wala lang to... naisip ko lang to sa Jeep nung pauwi na ko...

No comments:

Post a Comment