Monday, February 15, 2010

Explaination Kung Bakit Ganito Daw Tayo...

Pili ka isa...

1) Ginawa akong ganito ng Diyos Kaya ganito ako.

2) Kaya ako ganito e dahil ang Kulturang Kinagisnan ko e Ganito. Ganito ako dahil pinalaki ako sa Kulturang ito.

3) Kaya ako Ganito e dahil ito ang Best way to survive. Kung gusto kong makapagsurvive, dapat maging ganito ako. Kung hindi ako magiging ganito, liliit ang chance kong manatiling Buhay.

Anong kahinaan ng Bawat isa.

Yung sa 1. Required kang maniwala sa Diyos bago mo masabi yung Statement na yun. Oh sige nga. Paano pagpinalaki ka sa isang isla kung saan ang mga tao ay walang pinaniniwalaang diyos, masasabi mo pa ba kaya ito? Think.

Yung sa 2. May punto naman sya di ba? So ibig bang sabihin nun Empty Shell tayo yung pinanganak tayo? Ganun ba yon? Ibig sabihin pwede tayo maging ugaling pusa kung pusa magpapalaki sa tin? or something like that? Think.

Yung sa 3 naman. Supported by evolution yan. We are like this to be more fit for survival. :) Kaso. Ibig sabihin ba nun wala tayong Choice? sa ayaw at sa hindi Ganito tayo kasi it makes our chance of survival higher? Think.

Kung kayo pipili sa Tatlo. anong mas gusto nyo paniwalaan?

Naniniwala ako sa pangatlo, pero may extension dapat.

Humans are made to choose and no choice sila na kelangan nila magkaron ng Choice DAHIL mas napapataas nito ang chance of survival nila.

Sounds Better Di ba? :)

Sunday, February 14, 2010

Things na Probably Di Nyo Alam...

Ang mga Gagamba ay hindi Insekto.

Ang mga Kabute ay hindi Halaman.

Hindi lahat ng bacteria ay Bacteria.

Magkaiba ang Antiseptic, Disinfectant at Sanitizer.

Hindi lahat ng E. coli magkakaparehas, pero E. coli sila.

Ang Sponges ay Hayop.

Hindi porke resistant ang bacteria sa antibiotics ibig sabihin di na sila tinatablan nito.

Kung alam nyo yung Mitosis at Meiosis, Walang Mitosis at Meiosis ang mga Bacteria.

Hayop ang Tao.

Di porke Pangit ka, Di mo maabot ang Dream Girl mo. :D

Kung Walang Evil, Boring ang Mundo.

Malapit na Matapos Ang Physics.

Naghihingalo na ang Philosophy dahil wala na silang bagong maisip.

Bunnies are cute and EVIL.

Di lahat ng Doctor e Physician pero lahat ng Physician ay Doctor.

Mas malaki ang chansang Lumubog ang isang barko kea bumagsak ang isang Eroplano.

Di lahat ng Totoo totoo pero lahat ng Kasinungalingan ay Kasinungalingan. Kung di mo Gets, ako rin.

Di lahat ng Bawal masarap dahil simula ngayon bawal na kumain ng Ampalaya. :)

Hindi totoo ang nasa Taas nito.

Hindi lilindol pag tumalon lahat ng tao sa China. Ang payat kaya ng mga tao dun.

May Bigote ang mga Dolphins

Walruses have the second largest penis.


AT HIGIT SA LAHAT


Nag sasayang ka lang ng Oras sa pagbabasa ng Gawa ko.

Ang Pagbabalik Ni RL...

Tenent!!!

Ilang Buwang Di Nagparamdam...

Bakit kaya?

Gusto nyong malaman?

hahaha Alam ko namang di kayo interesado...

Oh Well... Abangan nalang ang mga susunod na post namen. :D

Para Makakuha kayo ng Daily Dose ng Palaman ng Utak :)