Saturday, November 27, 2010

Burger Effect

Kakain kayo ng mga kabarkada mo... At hati-hati kayo sa kakainin nyo...

Example: Burger

Pero sa kung ano pa mang kadahilanan e hindi ka kasama sa hatian (meaning wala ka dun nung hinati o kaya may ginawa ka o sadyang nakalimutan ka nilang hatian).

Ex: Burger hinati sa 4 pero 5 kayo

Tapos bigla kang babalik o kaya manghihingi (directly or indirectly)...

Hahatian ka nila sa parte nila...

So kung may tig 1/4 sila, bibigyan ka nila ng kalahati so 1/8 tapos apat so lalabas meron kang 4/8 o 1/2 ng original burger....

Ang tawag naming magkakabarkada dito ay ang "Burger Effect"...

Nangyayari ito pag inaatake ng konsensya ang isang grupo ng tao dahil nalamangan nila ang isang tao na pwede namang kapantay nila.

Burger effect is the manifestation of group conscience wherein the one who didn't get any share of the thing to be shared equally to the group would gain more in the division of that thing after the realization that that someone didn't really get a share.

Ninosebleed ka? Ako rin...

Kung may nakakaalam ng "real" "scientific" name nitong pangyayaring to maari po lamang na magcomment kayo...

Nakakatuwa lang kasi tong naisip namin e...

hehe... Di ba?

No comments:

Post a Comment