Saturday, November 27, 2010

Burger Effect

Kakain kayo ng mga kabarkada mo... At hati-hati kayo sa kakainin nyo...

Example: Burger

Pero sa kung ano pa mang kadahilanan e hindi ka kasama sa hatian (meaning wala ka dun nung hinati o kaya may ginawa ka o sadyang nakalimutan ka nilang hatian).

Ex: Burger hinati sa 4 pero 5 kayo

Tapos bigla kang babalik o kaya manghihingi (directly or indirectly)...

Hahatian ka nila sa parte nila...

So kung may tig 1/4 sila, bibigyan ka nila ng kalahati so 1/8 tapos apat so lalabas meron kang 4/8 o 1/2 ng original burger....

Ang tawag naming magkakabarkada dito ay ang "Burger Effect"...

Nangyayari ito pag inaatake ng konsensya ang isang grupo ng tao dahil nalamangan nila ang isang tao na pwede namang kapantay nila.

Burger effect is the manifestation of group conscience wherein the one who didn't get any share of the thing to be shared equally to the group would gain more in the division of that thing after the realization that that someone didn't really get a share.

Ninosebleed ka? Ako rin...

Kung may nakakaalam ng "real" "scientific" name nitong pangyayaring to maari po lamang na magcomment kayo...

Nakakatuwa lang kasi tong naisip namin e...

hehe... Di ba?

Thursday, November 25, 2010

Magandang sagot...

Sa isang contest... Q and A portion kung saan mga bata ang kasali...


Host: Anong gusto mo paglaki mo?

Contestant1: Gusto ko maging doktor kasi po gusto ko po manggamot ng mga tao.


Host: Ikaw? Anong gusto mo paglaki mo?

Contestant2: Gusto ko po maging engineer!


Host: Ikaw? Anong gusto mo paglaki mo?

Contestant3: Gusto ko pong maging karpintero!

Host: Ha? Karpintero? Ikaw lang ata ang naiiba sa kanila, baka ibig mong sabihin ay civil engineer.

Contestant3: Hindi po! Karpintero po!

Host: Bakit mo naman gusto maging karpintero?

Contestant3: Kasi po may kaibigan akong nakatira sa tabi ng isetann. Igagawa ko po sya bahay balang-araw.


Audience: *claps*

__________________________________________

Isang program sa isang elementary school... May mga bisitang pumunta...

Gusto magpaimpress ng paaralan kaya tinanong nila ang mga pinakamagagaling na estudyate (na bata)...


Host: Pag naiihi kayo at nag-uusap sa pinto ang principal at at teacher nyo, ano ang sasabihin nyo?

Bata1: Ma'am, susi.

Host: Mali yan... Ikaw?

Bata2: Ma'am, pwede po hiramin ang susi?

Host: Hindi yan ang sagot...

Bata3: Ma'am, naiihi po ako, pwede pong hiramin yung susi?


*lahat ng tinanong, walang ibang sagot kundi hinahanap yung susi*


Principal: *saving face* Oh mga Teacher... Wag nang ilolock ang cr at lageng susi ang sagot ng mga estudyante natin...


____________________________________________

Oh Innocence...

So cute...

Haha... Bakit ko kaya to ipinost?

Importante kaya to?

May koneksyon ba ito sa kin?

May moral lesson ba dito? (o kahit lesson man lang)

...

Merong matututunan sa dalawang istorya na yan...

Pero bahala na kayong mag-isip kung ano yun...

Think :)

Monday, November 22, 2010

Mga Harang...

Asawa ng tsuper: Tignan mo ang dameng tao...

Tsuper: Pasahero yang mga yan...

Ako (sa isip ko): Asan? Mga harang lang nakikita ko...

______________________________________

Ok, Kakarating ko lang ng bahay...

Ang normal na kalahating oras na byahe ko ay naging tatlong oras...

Ang dahilan?

ANG DAMENG HARANG SA DAAN...

Nasa gitna sila ng kalsada...

~~. Ok sana na maghintay e...

Kaso sana naman wag nila kalahatiin yung daanan ng mga sasakyan...

MAY HUMAN BARRICADE SA DAAN E...

hahaha ang lupet talaga ng herding...

...... Ipapaliwanag ko kung anong nangyayari


Walang masakyan -> magkukumpol mga tao -> may mapupuntang gitna ng daan -> human barricade -> traffic -> nastustuck yung mga dyip sa isang lugar (kasi traffic) -> Walang masakyan...

ISIPIN MO YUN.... mas lalo silang napeperwisyo sa ginagawa nila + nakakaperwisyo pa sila ng iba...

haha... Anlabo nga naman ng mundo oh oh... actually hindi mundo e... kundi yung mga HUMANS.... :)

Di ba? :)

Saturday, November 13, 2010

Drift...

Slowly pulling away
those things at sight. Holding on
as strong as you might. Seeing the end
of things. A falling bird
with broken wings.

Thursday, November 11, 2010

What doesn't kill me....

‎"What doesn't kill me only makes me stronger." - Nietzsche

Madameng kumokontra sa Quote na to...

Anong dahilan?

IKAW BA PAG NASIPA KA NG KANGAROO SA MUKHA AT NABUHAY KA MAGIGING STRONGER KA?

Well...

Ayon sa kaibigan ko, hindi daw applicable ito sa lahat ng bagay... Pwede lang daw po ito sa emotional pain...

Well, im here to prove my friend wrong (pati narin yung gimagamit ng "kangaroo kick" argument against the said quote).

_________________________
"What doesn't kill me only makes me stronger."

Assuming that having offsprings is a method of "immortality/being alive" since part of you will be passed to your descendants.

Which makes "kill" = "kill all descendants"

SO....

"What doesn't kill your descendants will only make your descendants stronger"

Where "descendants" = "you" (or at least partly living you)

Di ba?

_________________

:) Well... Its not really what Nietzsche meant (I think)... But its enough to make a point kaya ko sinabi...

Monday, November 8, 2010

Supernatural Military

Kung may mga aswang at may mga mangkukulam...

Mga mambabarang... AT kung ano ano pang nilalang na di nakikita... Pero nandyan daw...

Bakit di kaya gamitin ng gobyerno natin yung mga yun para manakop ng ibang bansa?

Isipin mo... Kayang kaya nating kawawain sila kung gagamitin natin sa military yung mga supernatural creatures natin...

Haha...

Matagal ko nang naisip to...

Mga high school palang...

Kaya nga pag sinasabi nilang "naku wag ka magturo baka manuno ka." dati,

ang sinasabi ko lang e,

"Bakit di sila isama sa military kesa nandyan lang sila't nananakit ng nanunuro sa kanila? Kung nasa military sila, magkakaron pa sila ng benepisyo. Kesa manakit sila, bakit di nalang sila makipagtulungan sa mga tao para mapangalagaan yung lugar nila o kaya tumulong sa ting manakop ng lugar para lumaki sakop nila? At kung di sila mabuti, bakit di nalang sila hulihin at pakawalan sa mga kaaway natng terrorista?"


Di ba?

Sunday, November 7, 2010

Miss P.B.

"Miss P.B."


And just how did you get away with it.
You lied! A truth bent - for your sake!
You lied! An illusion cast but so unreal!
Such perfect thing wouldn't exist - ideally!

The truth misleads with much of it.
A joke's half-meant unless twice said!
A face of an angel with innocence feigned!
To look is to see but not exactly!

Why doesn't bluntness equate to truth?

Is it the truth, or was it a truth?

Saturday, November 6, 2010

Tracked na Pera

Isipin nyo...

Bakit hindi nalang itrack ng gobyerno yung pera natin?

Lagyan ng barcode o kahit ano pa mang paraan para alam nila kung kanino at kung anong mga pera ang naibayad o pagmamay-ari ng isang tao...

Kung ganun kasi, e di madameng krimen ang masusugpo...

Pano ka makakabili ng illegal drugs kung tracked yung pera mo? (Pwede lumusot pero c'mon...)

Pano makakakotong ang pulis kung tracked yung pera? (Pwedeng sabihing "donation")

Pano makakakupit sa "kaban ng bayan" ang mga corrupt officials kung tracked ang pera? (E di halata di ba?)

Isipin nyo...

Pero may paraan para lusutan to e...

Makakagawa at makakagawa ang mga tao ng paraan para malusutan to...


Besides ... Mahirap i-implement to...

1)Magastos at mahirap gumawa ng database ng pera...

2)Tapos gagawa pa ng panibagong pera para lang matrack ito!

3) MAGASTOS GUMAWA NG DEVICES NA PWEDENG MAGRECORD AUTOMATICALLY KUNG KANINO NAPUPUNTA ANG PERA NG ISANG TAO. (Kung meron man nun)

May several suggestions ako para sa dalawang problem kung bakit mahirap ito i-implement (di ko na isasama yung ibang dahilan dahil hahaba ito)

1)
- Maglaan ng pera para dito... (Duh!)
- Simulan na ngayon!

2)
- Gumawa ng bagong "trackable" na pera in secrecy
- Palitan lahat ng lumang "untrackable na pera na pumapasok sa Central Bank
- Read number 3

3)
- Gawing e-money ang currency ng Pinas
- Lagyan ng barcode lahat ng perang trackable
- Gawing machine-readable yung serial number ng pera tapos mag mas produce ng readers nito... (Yung readers connected sa database, lahat ng tao dapat meron nito at lahat ng transaction ay gumagamit nito)

OR!!!!

- Pera nalang sa bangko ang itrack ng gobyerno... (namahirap dahil may "privacy policy" ang mga bangko na di pwede basta tanggalin ng gobyerno)



-------------------

Maraming tututol dito... Pero wala lang... Malayo naman maimplement to...

Besides... Kung maisipan i-implement to...

sasabihin nilang nangyayari na yung sa book of revelations... (Marka ng devil ek ek.)

Basta...

Madameng benepisyo ang sistemang ito kung sakali... yun lang ang naisip ko

P.S.
Wala lang to... naisip ko lang to sa Jeep nung pauwi na ko...

Friday, November 5, 2010

Insipiring Speech!

(Napulot ko lang po ito sa net... Kung may nakabasa na, alam kong napaisip kayo sa sinabi ng nagdeliver nito.)

______________________________

This speech was delivered by a La Sallian engineer in one of the graduation ceremonies at the UP College of Engineering.

Ngayong araw na ito, sa ating pagtatapos, mayroon akong dalang Transcript of Record. Ang estudyanteng may-ari ng transcript na ito ay nag-aral sa De La Salle University. Sa unibersidad na ito, kapag ikaw ay isang undergraduate, may ID number na nagsisimula sa “94” at pataas, kung lumipas ang isang buong schoolyear at umabot ka sa 15 units na bagsak, masisipa ka sa paaralan.Ang transcript na hawak ko ay mayroong 27 units ng bagsak. 12 sa mga ito ay tinamo ng estudyante sa iisang schoolyear lang. Ang isang subject ay kadalasang may bigat na 3 units. Kung iisiping mabuti, isang subject na bagsak na lang ay pwede na masipa ang estudyanteng may-ari ng transcript na ito.

Ang speech na ito ay hindi ko ginawa para i-acknowledge ang paghihirap ng ating magulang sa pagpapaaral natin. Hindi ko din ito ginawa para maghayag ng political statement, o kumbinsihin kayo na huwag umalis sa bansa at tulungan itong maka-ahon. Ang speech na ito ay para sa mga normal na estudyante na kagaya ng may may-ari ng transcript na hawak ko, dahil madalas, wala talagang paki-alam ang unibersidad sa mga achievements nila. May mga awards na gaya ng “Summa Cum Laude”, “Best Thesis Award” at “Leadership Award.” Pero ni minsan, hindi pa ako nakakakita ng unibersidad na nagbigay ng “Hung on and managed to graduate despite nearly getting kicked-out during his academic stay” award.

Maaaring isang malaking kagaguhan ang konseptong ito para sa karamihan. Bakit mo pararangalan ang isang estudyanteng bulakbol, ***, tamad o iresponsable? Hindi ba dapat isuka ito ng unibersidad? Ito yung mga tipo ng estudyanteng walang ia-asenso sa buhay, hindi ba?

Ayun. Natumbok niyo.Iyun na nga ang dahilan.

Madalas, pag ang isang estudyante ay may pangit na marka sa paaralan, lalong-lalo na sa kolehiyo, nakakapanghina ito ng loob. Nandiyan yung tatamarin ka mag-aral, nandyan yung iisipin mo “Ano pa kayang trabaho ang makukuha ko? Call center na naman o clerical? Ba’t kasi ang *** ko. Kung matalino lang ako, sana, sa Proctor and Gamble ako, o kung saang sikat na kumpanya.”

Mas mahirap ang dinadaanan ng mga estudyanteng bumabagsak. Kahit na sabihin mong kasalanan nilang bumabagsak sila, hindi ninyo alam kung ano ang pakiramdam ng ganun. Madaling sabihin na “Kaya mo yan, mag-aral ka lang,” pero alam ba natin talaga ang sinasabi natin?Kapag ang isang estudyante ay bumabagsak sa unibersidad, nandiyan yung tatawanan niya lang yan. O di kaya naman, ipagmamalaki niya pang “TAKE 5 NA KO!!!” o “Pare, magpi-PhD na ako sa Anmath3/Calculus/etc.” Pero hindi alam ng mga isang Summa Cum Laude kung ano ang nasa isip ng isang normal na estudyante sa tuwing matutulog ito at alam niyang pag-gising niya, kailangan niya na naming ulitin ang isang subject na nakuha niya na sa susunod na term.

Kahit kalian, hindi naging problema sa “Star Student” na sabihing “Nay, bagsak ako.” at hindi kailanman sumagi sa isip nila na “Paano kaya kung sa walang-pangalang kumpanya lang ako makapagtrabaho?” Dahil sigurado sila sa kinabukasan nila.

Huwag na tayong maglokohan. Grades are everything. Kahit bali-baligtarin mo iyan, hindi magiging patas ang mga kumpanyang kumukuha ng fresh graduates para magtrabaho sa kanila. Minsan din naman, nadadaan sa palakasan, pero ganun pa din. Kung hindi ka academically good, wala kang patutunguhan. Kung hindi man yun, mas mahirap yung dadaanan mo para lang makaa-abot sa prestihiyosong posisyon.

Kaya ngayong graduation, ang speech na ito ay inaaalay ko para sa mga estudyanteng lumpagpak, muntik-muntikanan nang masipa o yung lahat ng paraang pwede, ginawa na para lang makatapos. Gagawin kong patas ang mundo para sa inyo kahit isang araw lang. Kahit ano pa ang sabihin ng ibang tao, kesyo kasalanan mo man na pangit ang marka mo o muntik ka nang makick-out, saludo ako sa hindi mo pagtigil sa pag-aaral. Saludo ako na may lakas ka ng loob na harapin pa rin ang mundo kahit alam mong hindi ito magiging patas sa iyo. Saludo ako na kahit pangit ang transcript mo, taas-noo ka pa rin ngayong graduation at proud na proud sa sarili mo.

Ano ngayon ang mangyayari sa mga graduates pagkatapos nitong graduation? Ayoko nang puntahan yung pwedeng mangyayari sa mga Cum Laude. Baduy. Alam mo namang me patutunguhan ang buhay nila e. Pero dun sa mga lumagpak, ano ang meron?

Maaring makakuha kayo ng mediocre na trabaho lang. Pwede ka rin swertehin, baka makapagtrabaho ka sa magandang kumpanya. Madami pang pwedeng mangyari. Huwag kayong mawalan ng pag-asa. Kung nung college, nagtiyaga kayo e ba’t titigilan niyo yung pagti-tiyaga ngayon?

Pwede ring ganito: Mag-aral ka ulit. Ipakita mo sa kanila na kung sipagin ka lang, malayo ang mararating mo. Subukan mong patunayan sa kanila na kapag pinilit mo, kaya mo ring abutin yung naabot nila. Na hindi ka ***, kundi tinamad ka lang.

Baka sabihin ninyo, drowing lang ako.

I’ve been on both sides. Naranasan ko na ring lumagpak, at muntikan na din akong masipa. Naranasan ko na na umulit ng 4 na beses sa iisang subject. Naranasan ko na na masumbatan ng magulang, kapatid at kung sino-sino pang propesor na walang pakialam sa pakiramdam ng estuyante. Naranasan ko nang hindi makatulog ng maraming gabi sa pagiisip kung paano ko na naman sasabihin sa magulang ko na may bagsak na naman ako. Kaya alam ko ang pakiramdam ninyo.

Akin ang transcript na ito.

Pagkagraduate ko ng college, ano ang ginawa ko? Eto. Nagtrabaho muna ng konti, tapos aral ulit. Kuha ng Masteral sa kurso ko. Hindi para sa trabaho o kung ano man. Kundi para patunayan sa sarili ko na noong mga panahong bumabagsak ako, tinatamad lang ako.

This is a rebellion. I raise my middle finger to every professor, over-achiever, naysayer and detractor that told me that I can’t make it. I raise my middle finger to every valedictory or graduation speech that only gratifies the university, those who were achievers in school or those who gratify the country when it’s supposed to be the graduate’s moment of glory. You are supposed to acknowledge EVERYONE. Even those who failed many times.

Kaya sa inyong mga graduates na medyo hindi maganda ang marka, para sa inyo ito. Kung kinaya ko ito, kaya niyo rin to. Imposibleng hindi.

------------------------------------
P.S. Nice di ba?