Sa isang contest... Q and A portion kung saan mga bata ang kasali...
Host: Anong gusto mo paglaki mo?
Contestant1: Gusto ko maging doktor kasi po gusto ko po manggamot ng mga tao.
Host: Ikaw? Anong gusto mo paglaki mo?
Contestant2: Gusto ko po maging engineer!
Host: Ikaw? Anong gusto mo paglaki mo?
Contestant3: Gusto ko pong maging karpintero!
Host: Ha? Karpintero? Ikaw lang ata ang naiiba sa kanila, baka ibig mong sabihin ay civil engineer.
Contestant3: Hindi po! Karpintero po!
Host: Bakit mo naman gusto maging karpintero?
Contestant3: Kasi po may kaibigan akong nakatira sa tabi ng isetann. Igagawa ko po sya bahay balang-araw.
Audience: *claps*
__________________________________________
Isang program sa isang elementary school... May mga bisitang pumunta...
Gusto magpaimpress ng paaralan kaya tinanong nila ang mga pinakamagagaling na estudyate (na bata)...
Host: Pag naiihi kayo at nag-uusap sa pinto ang principal at at teacher nyo, ano ang sasabihin nyo?
Bata1: Ma'am, susi.
Host: Mali yan... Ikaw?
Bata2: Ma'am, pwede po hiramin ang susi?
Host: Hindi yan ang sagot...
Bata3: Ma'am, naiihi po ako, pwede pong hiramin yung susi?
*lahat ng tinanong, walang ibang sagot kundi hinahanap yung susi*
Principal: *saving face* Oh mga Teacher... Wag nang ilolock ang cr at lageng susi ang sagot ng mga estudyante natin...
____________________________________________
Oh Innocence...
So cute...
Haha... Bakit ko kaya to ipinost?
Importante kaya to?
May koneksyon ba ito sa kin?
May moral lesson ba dito? (o kahit lesson man lang)
...
Merong matututunan sa dalawang istorya na yan...
Pero bahala na kayong mag-isip kung ano yun...
Think :)
Thursday, November 25, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment