Thursday, September 30, 2010

Usapang GK sa Facebook...

As Usual... Walang magawa...

Ako yung pinakahuling nagcomment...

I deleted the names kasi baka sabihin nila pinapakalat ko name nila... Haha
__________________

Alam mo bang destiny mo ang hindi maniwala sa destiny?

September 20 at 12:40am · ·


    • alam mo ba na malas ang maniwala sa swerte?
      September 23 at 6:53pm ·
    • Alam mo ba na hindi tayo pwede maging non-existent kung iniisip natin na non-existent tayo dahil the act of thinking that you are non-existent is a manifestation of existing. :D
      a few seconds ago ·

Friday, September 24, 2010

Intention and Evasion...

KUNG GUSTO, ANO!?

KUNG AYAW, ANO!?

Sabi ng nanay ko... "Kung gusto, may paraan. Kung ayaw, may dahilan."

Hindi naman sa nagdidisagree ako sa kanya pero parang may butas kasi yung mismong statement.

Paano kung gusto ko magkaron ng sariling planeta kung saan ako lang mag-isa ang titira?

"If there's a will, there's a way" di ba?

sa tagalog, "Kung may gulong, may daan."... (joke to, pwede kayo tumawa)

Di ba wala namang paraan para mangyari yun? (Unless biglang may mangyari na halos hindi kapanipaniwala.)

Pero kung tutuusin...

Pag nirearrange mo yung statement, mas magiging applicable na sya sa Real Life.

"Kung ayaw, may paraan. Kung gusto, may dahilan."

Di ba?

Kung iisipin mo, Pag ayaw mo di ba gagawa at gagawa ka ng paraan para makaiwas?

This includes but is not limited to "lying", "cheating", and "stealing".

Pwede ring "abstinence", "passive resistance" at kung ano ano pa!

Basta ayaw, may paraan!

Pag gusto, may dahilan.

Bakit mo ba gustong kumain ng chocolate? Dahil masarap? Dahil mapait? Dahil napapasaya ka nito?

Bakit mo gusto basahin tong sinusulat ko? Dahil nakakatuwa ako? Dahil nakakatawa ako? o Dahil pinilit kita?

Pag gusto mo ang isang bagay(o kung ano pa man), siguradong may dahilan ka!

Sinungaling ka kapag tinanong ka kung bakit mo gusto ang isang bagay at ang isinagot mo ay "Wala lang, gusto ko lang.".

May dahilan kung bakit gusto natin ang isang bagay. May intention tayo kung bakit natin ginugusto ang mga bagay bagay.

Di ba?

Isipin nyo... :)

Friday, September 17, 2010

Idle

Idle ang blog ngayon!

Bakit?

1) Thesis - 2nd term na kame pero di pa kame tapos... Double time kame ngayon para makahabol kami... Yung iba naming kaklase tapos na e... Haha

2) Madameng Lakad - Yes! Madalas ako ngayon sa labas kesa sa dati... Kelangan din naman lumabas paminsan minsan at mag adventure... Mahilig din naman kasi ako gumala...

3) Madameng Pera - Pag madameng pera, gastusin! Paano gagastusin? LALABAS! Hahaha

4) Tinatamad - Eto talga primary reason... Sunod lang yung thesis... Ang dame kong ginagawa kaya tinatamad na kong dagdagan pa sa ngayon... Pag nabawasan na... Balik na uli sa dati... Haha

Pasensya nalang kung di regular yung posting ngayon :)

Tuesday, September 14, 2010

Nutritional Value.

May nagsabi sa kin na pag sinunog mo ang chips, wala nang parte ng chip ang matitira pag katapos, masusunog na daw lahat... Meaning daw, walang nutrional value...

~~. Pag ang saging naman daw sinunog, mangingitim lang yung labas, pero pag tinanggal mo yung nasunog, saging pa din daw... Meaning may nutritional value...

Ngayon ko lang nalaman na pwede yung gamiting pang determine ng nutritional value... haha

Ang mali kaya nung method.... HAHAHA

Natatawa lang talaga ako...

Atsaka, yung softdrinks daw... pwedeng panlinis ng banyo!

Ok pwede syang panlinis, so?

BAkit daw natin iniinom yun e isipin mo kung anong pa daw kaya nung gawin sa katawan natin, e tiles nga daw napapaputi nun... Delikado sa katawan daw...Haha

Ok, sabihin na nating may mga pwede masamang mangyari sa katawan natin dahil dun (e.g. Hyperacidity) pero utang na loob, di naman porke ginagamit na panlinis ng banyo di na edible. ~~.

We use baking soda in cleaning...

We also use vinegar...

Oh well... Natawa lang ako sa mga pinagsasabi nya... haha

Di ba? Think...

Saturday, September 11, 2010

Wiki

Pamilyar ba kayo sa Wikipedia? o kaya sa TV Tropes?

E sa Encyclopedia Dramatica?

Nagsusulputan ang mga samu't saring mga wiki ngayon.

Ano ba ang wiki?

Eto yung mga website that allows people to edit and/or put new information sa site.

Ibig sabihin, yung laman nun, kung sino lang yung gumawa.

But if you look into wikis, mas madali silang maintindihan.

Kayang kaya maintindihan ang mga wiki dahil kung baga sa pagkain, nanguya na sila.

Ang sarap magbasa pag naiintindihan mo di ba?

Kaya may mga taong naadik sa wiki.

Inaamin ko, naadik din ako sa wiki...

Sino bang hindi tatanggi sa information?

Naranasan ko nang mag stay up hanggang 5am, nagbabasa lang ako sa wikipedia...

At ang binabasa ko nung narealize ko na puyat na ko kakabasa sa wiki e "Dora the Explorer"...

Isipin nyo yun...

Rays of Sunshine

"Rays of Sunshine"

Those innocent eyes that kills.
Only if the rocks could feel.


P.S. What's the qualification for a poem to be called a poem?

Thursday, September 9, 2010

Cyanide and Happiness

Well...

Bakit di ako nag popost?

Dahil busy ako sa kakabasa ng Cyanide and Happiness...

Alam ko familiar na kayo dito sa Comics na to.

Sa mga di alam kung ano yun

Eto yun:

CLICK HERE

Enjoy!

Monday, September 6, 2010

Bizarre Love Triangle

"Bizarre Love Triangle" by: New Order

Every time I think of you
I feel shot right through with a bolt of blue
It's no problem of mine
But it's a problem I find
Living a life that I can't leave behind
But there's no sense in telling me
The wisdom of the fool won't set you free
But that's the way that it goes
And it's what nobody knows
well every day my confusion grows

Every time I see you falling
I get down on my knees and pray
I'm waiting for that final moment
You say the words that I can't say

I feel fine and I feel good
I'm feeling like I never should
Whenever I get this way
I just don't know what to say
Why can't we be ourselves like we were yesterday
I'm not sure what this could mean
I don't think you're what you seem
I do admit to myself
That if I hurt someone else
Then I'll never see just what we're meant to be

Every time I see you falling
I get down on my knees and pray
I'm waiting for that final moment
You say the words that I can't say

Sunday, September 5, 2010

Kung di ka nga naman minamalas...

Minsan ba may araw ka na tipong lahat ng di maganda nangyayari sayo?

May weird akong kwento:

__________________________

Isipin mo ikaw to,

May test ka bukas ng 8am...

Nagising ka ng 7:00, e di nagmamadali ka pero nung papasok ka sa banyo para maligo, inunahan ka ng kapatid mo.

Pag labas nya 7:30 na... Nagmamadali ka maligo, nawalan pa ng tubig.

Pag alis mo sa bahay 7:42 na...

Pag sakay mo sa dyip, tumigil pa sya ng pagkatagal tagal sa simbahan... mga 10 mins... pakiramdam mo lang pala matagal...

Tapos kung di ka naman minamalas, nasiraan pa yung sinakyan mo...

Pag lipat mo, nag abang uli yung sinakyan mo ng 10 mins...

Sumuko ka na... Di mo na iniisip kumuha ng test...

Nakatulog ka sa sasakyan,,, Pag dating mo sa school, 9:00 am na sa relo mo...

Malungkot ka... at sumilip ka sa room kung san ka dapat nag tetest... at napansin mong magulo sila sa loob...

Pumasok ka ng kwarto, at saktong dumating yung proctor ng exam... 8 am na daw kaya magsisimula na ang exam...

Tuwang tuwa ka, pero nung nakita mo yung test, gusto mo mag mura kasi di ka pala nakapag review at di mo naiintindihan yung test...

Nang hula ka...

Maaga ka natapos, kaya natulog ka...

Pag gising mo...

7:30 am na... Nanaginip ka lang pala kanina pa...

__________________________

P.S. This is partly true... :) Nanaginip akong ready na kong umalis ng bahay, pag tingin ko sa relo, nagulat ako, same time sa panaginip ko kung anong oras ako dapat lalabas ng bahay. Well, swerte ko di ako nalate.

Wednesday, September 1, 2010

Inay.. Ulaaaan!

Nanlamig ang Lugar,
Nang tumingin sa paligid.
Kumagat ang dilim,
at sabay kumulimlim.

Nagtaka,Nagtanong,
"Malungkot ba ang langit?"
Sagot ng ina'y
Walang nasambit.

Lumakas ang hangin,
at mga daho'y lumipad.
Patuloy ang kalungkutan,
Ulang walang katapusan.

Nagalala ang bata,
at muling nagtanong.
Sambit sa ina'y
"Di ba tayo sisilong?"

Natawa ang ina
Tila kulog ang halakhak.
"Halika anak!"
Sabay sa silong napadpad.


Barkers

Para san ang mga barker?

Tuwing umaga nalang, may barker sa lugar kung san ako nagaabang ng masasakyan.

Sisigaw sila sandali (nagtatawag ng pasahero), tapos hihingi ng bayad sa driver.

Pag hindi sila binigyan, sila pa galit, e hindi naman sila kelangan ng driver e kahit wala sila dun may sasakay pa rin sa dyip nila ng kusa e.

Di na nila kailangan ng taga sigaw kasi hindi naman sila nag aabang dun sa lugar na yun (tipong station), kundi tumitigil lang sila para magsakay ng mga pumapara sa kanila (TAKE NOTE, PUMAPARA, ibig sabihin kahit walang barker alam nila sasakyan nila.)

Di ba? Kinakawawa lang ng mga barker (na hindi kailangan) ang mga driver natin. ~~.

Isipin mo, tatay ko pumara ng taxi, nanghingi pa yung barker ng bayad sa tatay ko at sa driver... ~~, N-labo lang. Epal lang naman sya. Haha (Actually naka sagabal pa nga sya e kasi hinarangan nya daanan ng taxi).

Dapat magkaron ng batas about "No barking zones", Mas malupet pa kasi sa mga nangongotong na pulis ang mga barker e. Haha

Pasensya na... Ayoko kasi sa mga bagay na nandyan at nakakasagabal pero pwede namang wala.... Wala kasing kwenta e, panira pa... :))

Frigg's King

"Frigg's King"

A silent drizzle, a beautiful rainbow.
The things that are in place
waits to be picked up
by someone who cares.

A knock on the door, a cry of a child.
The voice of the innocent
who cries for help
fills the night but nobody hears.

A ray of sunshine, a new hope.
The box containing cards
which he thought would win
some friends he want.

A sick person, a stormy night.
The tears of a friend
who wished to be safe
from the cruelty of the day.

A long walk, a road less traveled.
The meeting of the two
who never wanted anything else
except for a nice day.

5 stages of Grief

Ever heard of the Kubler-Ross model?

It is also known as the 5 stages of grief.

Eto yung process na dinadaanan ng isang tao pag may nangyayaring di kanais nais sa kanya. Madalas, pag nadadiagnose sila o isa sa mga malapit sa kanila na may isang terminal na illness.

Eto yung mga steps nun,

1. Denial - Dinedeny nila na nangyayari sa kanila ang nangyayari sa kanila ngayon.

2. Anger - Nagagalit sila dahil hindi na nila madeny yung nangyayari sa kanila.

3. Bargaining - Eto na yung nakikiusap sila, promising that they will change or do something better kung makakaligtas sila sa nangyayari sa kanila ngayon.

4. Depression - Depressed na since wala na silang magagawa sa kalagayan nila ngayon. Eto na yung part na narerealize na nila na wala na silang magagawa.

5. Acceptance - Final stages. Handa na sila, ok na sila, tanggap na nila nangyayari sa kanila. Hindi na sila depressed sa mga nangyayari sa kanila bagkus handa na nilang harapin it.

Yang ang 5 stages of Grief.

May kilala ba kayong dumaan na dyan?