Monday, April 25, 2011

While She's Away with His Kite

"While She's Away with His Kite"

If only i could recall
I was thinking that night
when you said a lie
which tried my might
and made me cry

Those thing you said
Those events returned me
Back to the place of resent
where you traveled with a bag pack
containing a lovely present

Maybe I'll smile
Indeed the world is surprising
and will catch us off-guard
not realizing that those events were springs
that will bounce us back up to the ground

For a little while
You will fly and soar
while i stand and watch.
Since your feelings you abhor
and mine were just a catch.

Saturday, April 23, 2011

"A Journey with Black Feathers"

"A Journey with Black Feathers"

Peering in the glass of the past
and waiting for the bus and the perfect time
to move, to move, to move away
toward the place unknown, even to you.

You might look back and see the sign
of where they ended up or how they will go on
and wonder to where have you gone
or to what have you become

Since the times have change but never did you
because you're common.
The one who is the one and the one who cannot say
that you've changed, and was better than ever before

Because its you, not me, its not us. or so you think.

Time travel

Oh shocks....

Posible ba to?

Yung din tinatanong ko sa mga experto.

Syempre di pa raw nila masasagot "so far"

Ako naman, magpoposing tulad ni undertaker for 5 secs, tapos ipagmamalaki "I just went 5 secs in to the future"

We dont know how to time travel yet, but they have a lot of ideas how we "could"...

1) FTL (Faster-than-light travel) - Ibig sabihin e sasakay tayo sa sasakyang mas mabilis ang takbo kesa sa liwanag.

Ang principle? Uunahan natin yung information bago ito mapercieve.

Ang kaadikan sa method na ito ay
a) Light is the fastest thing in the universe (so far)
b) We have no means of travelling in the speed of light, let alone FASTER than light.

2)Wormhole - Ibig sabihin, dadaan tayo sa butas na gawa ng mga uod............ Joke.... Ibig sabihin, kelangan nating dumaan sa isang wormhole para makarating from point A to Point B faster than going to Point A to Point B without entering a wormhole... Naintindihan?

Papasimplehin ko, Kelangan nating maunahan yung information bago ito makarating sa isa pang point, parang FTL lang. Kung mauunahan natin kasi ang takbo ng information, makakarating tayo sa point kung saan di pa nagaganap yung information.

Example, Nakabasag ka ng Tasa. Pag pumasok ka sa wormhole mauunahan mo yung information na nabasag yung tasa so in turn, makakarating ka sa time na hindi pa basag yung tasa kasi naunahan mo yung information na basag na sya.

Parehas lang ng principle ang FTL at Wormholes

Magulo? Isipin mo nalang na Wala akong sinabi,

3) UNIVERSE JUMPING! - TATALON TAYO FROM UNIVERSE TO UNIVERSE.
HOW? WE DONT KNOW..

Ano ang priciple sa likod nito...

Everytime you make a move, may nabubuong ibang universe...

Gets?

Example, Coffee or Milk tapos Milk Pinili mo. Sa ibang universe Coffee Pinili mo. (Simple lang to for information sake)

ngayon, sabihin nating sa universe na to kung saan pinili mo e milk, namatayan ka ng aso, kasi yung gatas mo ay ininom mo tapos *put seemingly odd but plausible scenario that leads to the death of your dog*. Kaya ayun, gusto mo iligtas aso mo from death kaya babalik ka sa past.

Pwede kang pumunta sa universe kung pipili ka palang kung at Coffee ang piliin mo. :D

Ang problema, dalawa na kayo dun, ikaw na nag time travel papunta sa universe na yun at ikaw na nagexist na sa universe na yun.

-ang susunod na mababasa ay bawal sa mga walang dark humor-
(Pero mareremedyuhan yun kung pupunta ka sa universe kung san namatay ung isang ikaw a little while before making the decision, kelangan mo nga lang itago yung bangkay)
-end of dark humor-

Wala na ko madagdag... Tinatamad na ko... Isip nalang kayo ng paraan para makapag time travel...

O kaya gayahin nyo nalang ako

*Pogi pose for 5 secs*

Just Went 5 secs into the future again. ;)

Thursday, April 14, 2011

Si Poison of the Old Man at si Rescue Cat

Habang Nakikipag Duel (Mga Ilang Araw pagkatapos ilabas ang Bagong Banlist) :

Quickdraw Nordic Dark Plant VS. Dark Cat Deck [Daw. Sabi nya, Trip Deck nya ito at never pang natalo. PANO MATATALO E ANG DUGAS]

Kuya: *May Mystic tomato sa field* Summon Summoner monk, Rescue Cat

Ako: Illegal yan kuya..

Kuya: Ah... Ganun ba... Nettles nalang [ang inonormal summon] (sa loob ko, NETTLES?)... Synchro Goyo Guardian...

Ako: Kuya Banned na yan...

Kuya: ISANG LISTAHAN LANG NAMAN BINABANGGIT MO E. HINDI RELIABLE PAG ISA LANG... DAPAT MAY IBA KANG PINAGBABASEHAN...

Ako: Kuya, sabi din ng iba...

Kuya: E lahat naman yun sinasabi lang din nila, at hinahango lang sa isang listahan, parang bibliya, isa lang yun, ano pang ibang pansuporta mo? Wala! Sabihin mo mang salita yun ng Diyos iisa lang yun. Ano diyos nila, isa lang kayang gawing libro? MALAKAS BA SYA kung ganun?

Ako: Di ba po Quality over Quantity? (sa loob: ang bible e collection of books di ba?)

Kuya: HINDI YUN TOTOO SA LAHAT NG ORAS. Mas maganda ang madaming maninipis na wire na pinagintertwine kesa sa isang malaki at matabang wire! Sa lasalle ka nag aaral di ba?

Ako: op*interupted* (sa loob, [Trial And Error] na...)

Kuya: YUN NAMAN PALA E, MATALINO KA... Alam mo yun di ba?

Ako: opo. (sa kaloob looban: Utang na loob kuya, tumira ka nalang)

Kuya: Dapat, ang citation, may suporta pa... Para kang loko loko kung halimbawa ang asawa mo e may picture na may kasamang ibang lalaki tapos iinfer mo na nanlalaki sya... Syempre kelangan mo ng mas maraming proweba... Gaya ng Sex Video!

Ako: (sa loob, what the... i-warning ko nalang kaya yung Goyo para tumahimik to, note Life points ko e 2050 nalang, nagsolemn nung 4100 LP)

Kuya: Isa pa! Alam mo yung media? Wag ka maniniwala dun... Kontrolado lang yun ng mga mayayaman at opinyon lang nila ang ipipilit sa kokote nyo...

Ako: Kuya... sige payag na ko ng Goyo, pero *flip solemn warning*

Kuya: ok, 50 ka nalang. activate, poison of the old man...

Ako: Sh*t.... (sa loob, AKALA KO AKO LANG GUMAGAMIT NUN)..

Apparently, dayo rin si kuya, at ang base nya daw ay sa novaliches. Hindi ko nakuha yung pangalan nya. Pero Dahil sya kanya namulat ang mata ko... Na Level 4 pala si Rescue Cat....


P.S.

Kung di nyo naiintindihan, try nyo mag google... Yugioh ang nilalaro ko...

Monday, April 11, 2011

Sa Kilometer Zero

Patuloy kang nagpapahabol,
Parang batang nakawala sa koral.
Ikaw ay masaya,
Sino ang sisisihin?

Patuloy kang nagpapahabol,
Parang batang nakawala sa koral.
Hindi marinig ang nakakabinging tunog
Ng trak na padaan sa kilometer zero.

Ikaw ay masaya
Sino ang sisihin?
Ang siyang nagdala
O siyang tumanggap?

Ikaw ay masaya,
Sino ang sisisihin?
Ang mga matang nakasaksi,
Hindi matanggap, ako ba, ako ba?

Ikaw ay masaya,
Parang batang nakawala sa koral.
Dumaan ang trak sa kilometer zero.
Sino ang sisihin?

Sunday, April 10, 2011

Nagtataka lang ako...

Lagi akong tumatawid ng overpass tuwing gabi....

Syempre madilim kasi walang bubong yung overpass at wala ding ilaw doon...

Kaya kitang kita mo yung mga ilaw sa baba (yung mga nasa poste)...

Lahat sila halos (yes, halos). E kulay Orange...

Nagtataka ako...

Bakit Orange at hindi Puti ang ilaw sa kalsada?

Syempre ako naman ay nag riserts (research)...

Mukhang may magandang rason naman sa likod nito...

Yung bumbilya kasi na ginagamit e yung pinakaefficient.. AKA Low Pressure Sodium Lamps

Ang drawback nga lang e lahat e kulay orange....

Pero kung tutuusin, mas madali makikita yung mga ilaw ng sasakyan kahit may ilaw...

Pag masyadong maliwanag mas mahirap mapansin yung ilaw ng sasakyan e... :D

Ayos di ba? two birds with one stone...

Kayo ba... Napansin nyo yun?

Para sa Tsuper

Kanina lang, di ko sinasadyang hindi makapagbayad sa dyip.

Madalas akong sa tabi ng driver umuupo, at nag babayad agad ako pagkasakay na pagkasakay ko.

Ngayon, nakalimutan ko magbayad...

Nakonsensya ako (kahit medyo wala na kong konsensya) nung nalaman ko yun... (Nasa overpass na ko nung narealize ko na di pa ko bayad)

Hindi sinabi sa kin ng tsuper na di pa ko nagbabayad...

Hindi sya humingi ng bayad...

Nakakapagtaka...

Baka madami din syang iniisip tulad ko...

o baka dahil pinagkakatiwalaan nya ang mga pasahero nya...

o baka tangengoks sya...

Ewan...

Basta kung sino sya... Nagpapasalamat ako ng marami sa kanya...

Sana balang araw, makasakay uli ako sa jeep nya...

At makakapagbayad na ko ng tapat sa kanya...

Wednesday, April 6, 2011

Para sa magsisipagtapos kong kaklase at sa iba pa.


Mon dernier Adieu, camarades de classe.


Hayschool. Halos apat na taong nagsama ang mga batang walang muang sa isang paaralan, tapos bigla na lamang itong magtatapos sa isang programang pinagpraktisan. Matagal ding nagaral ang mga istudyante, nagkaroon ng problema, nagsaya, umiyak ng walang humpay, nagkaroon ng love-life, at higit sa lahat nagkaroon ng takot sa panginoon.

Masayang parte daw ito ng pagaaral. Dito mo mararanasan ang iba't ibang bagay. Dito mo mararamdaman ang sobrang saya at sobrang lungkot. Dito din madalas nabubuo ang habang buhay na pagkakaibigan! (hindi pagkakaibig-gan). Wala akong intensyon ipaalala ang katapusan ng hayschool at magbigay ng kalungkutan sa mga magbabasa nito dahil aalis na rin siya sa paaralang kanyang pinagtapusan. Masaya mag aral. Masaya din ang magkaroon ng maraming kaibigan. Pero ang lahat ay may katapusan, lahat ay may hangganan. Mahirap mang tanggapin. Mahirap mang aminin. Pero kailangang mamaalam. Ngayon, oras na ng pamamaalam sa paaralang pinagtapusan, sa mga kaibigang nandyan sa hirap o ginhawa. Siguro, ito na rin ang oras ng pasasalamat. Sa mga guro, kahit sila ay hindi nakakatuwa. Sa diyos. At sa iyo.

Ito na ang oras upang makakilala ka ng bagong kaibigan. Bagong guro. Bagong kaagapay sa buhay. Pero alam ko, hindi mo malilimutan ang pangako mo sa kaibigan mo, "wag kang magalala, hindi kita kakalimutan".


Mon dernier Adieu, camarades de classe.
-MahirapPaniwalaan