Mon dernier Adieu, camarades de classe.
Hayschool. Halos apat na taong nagsama ang mga batang walang muang sa isang paaralan, tapos bigla na lamang itong magtatapos sa isang programang pinagpraktisan. Matagal ding nagaral ang mga istudyante, nagkaroon ng problema, nagsaya, umiyak ng walang humpay, nagkaroon ng love-life, at higit sa lahat nagkaroon ng takot sa panginoon.
Masayang parte daw ito ng pagaaral. Dito mo mararanasan ang iba't ibang bagay. Dito mo mararamdaman ang sobrang saya at sobrang lungkot. Dito din madalas nabubuo ang habang buhay na pagkakaibigan! (hindi pagkakaibig-gan). Wala akong intensyon ipaalala ang katapusan ng hayschool at magbigay ng kalungkutan sa mga magbabasa nito dahil aalis na rin siya sa paaralang kanyang pinagtapusan. Masaya mag aral. Masaya din ang magkaroon ng maraming kaibigan. Pero ang lahat ay may katapusan, lahat ay may hangganan. Mahirap mang tanggapin. Mahirap mang aminin. Pero kailangang mamaalam. Ngayon, oras na ng pamamaalam sa paaralang pinagtapusan, sa mga kaibigang nandyan sa hirap o ginhawa. Siguro, ito na rin ang oras ng pasasalamat. Sa mga guro, kahit sila ay hindi nakakatuwa. Sa diyos. At sa iyo.

Ito na ang oras upang makakilala ka ng bagong kaibigan. Bagong guro. Bagong kaagapay sa buhay. Pero alam ko, hindi mo malilimutan ang pangako mo sa kaibigan mo, "wag kang magalala, hindi kita kakalimutan".
Mon dernier Adieu, camarades de classe.
-MahirapPaniwalaan
1 comment:
Pinakamasayang araw para sa mga magulang, pinakamalungkot naman sa mga magsisipagtapos at mga hindi magtatapos.
Bord bago na nga pala URL ng blog ko,. http://buhaykul.blogspot.com/
Paki-update na lang link mo. Salamat!
Post a Comment