Wednesday, December 22, 2010

Mga Pwedeng Dahilan Kung Bakit Masikip sa Loob ng Jeep

Wala akong magawa sa loob ng dyip nung naisipan kong obserbahan ang mga tao sa loob...

Masikip sa dyip dahil puno e...

Pero napansing kong hindi naman talaga yun yung isyu kung bakit masikip nung sumakay ako...

...

Ngayon ililista ko ang mga posibleng dahilan kung bakit maskip sa jeep, ayon na rin sa mga naoobserbahan ko pag sumasakay ako sa jeep.

________________________________

Punong-puno ang Jeep - Eto talaga yung sagad yung upuan. Lahat ng tao ipit. Walang nakabukaka dahil sobrang sikip... Madalas tong nangyayari pag wala na talagang masakyan...

Malaking Pasahero - Alam kong alam nyo ang ibig kong sabihin dito... Alam ko may experience na rin kayong katulad nito... I don't hate those people kaya ko nilagay sila dito sa listahan... Pero totoo naman e, sumisikip lalo yung dyip pag sumasakay sila e... Oh well... :) Peace

Kuyang/Ateng Nakabukaka - Grar... Nakabukaka sila. OO! Kaya masikip... Karapatan nilang umupo ng kumportable pero sana isipin din nila na di lang sila ang may karapatang umupo sa jeep.

Kuyang/Ateng Walang Paki sa Kapwa pasahero - Eto ang Evolved Form ng Kuyang/Ateng nakabukaka. Hindi lang sila nakabukaka, nakasideview sila at kumportableng kumportable sa pag-upo. Ok sana kung hindi nagigitgit yung ibang pasahero.

Hippo - Eto yung grupo ng tao na magkakakilala sa loob ng dyip... Ok naman e... Kung hindi lang nila binabakaw yung space... Example: Kalahati ng dyip exclusive sa kanila, AS IN kalahati, kahit kasya sila sa space na 1/4 lang ng dyip... Binubuo ito ng mga Kuyang/Ateng Walang Paki sa Kapwa Pasahero. (Hippos are territorial animals)

Children-in-between - Eto yun nagbabayad ng dalawa tapos pinapaupo sa gitna nila yung batang kasama nila. ~~. Ok ok ok. Hindi masama magpaupo ng bata, kaso, pag 1 o 2 nalang ang upuan sa jeep, sana naman.... Di lang mga kapwa pasahero yung naabala, pati narin yung bata...

Squirming Children - Eto yung batang nakaupo at binayaran ang pamasahe. Pero, MALIKOT... (Gusto ko lang tawaging Squirming Children kasi catchy yung tunog.) ... Tipong 2 upuan sakop nya dahil sa sobrang likot nya...

Loveberds (oo "e" yan) - Obviously, ito yung mga magsising-irog na magkatabi sa Jeep... Ok lang maging sweet sa isa't isa, kaso... sana wag bakaw sa space... Madalas kasi, pag sweet na sweet sila (as in naka-lingkis yung isa sa isa), 3 upuan ang naooccupy nila imbes na 2.

Pakeyj - Di mo mabasa? Package yan! Sila yung mga may malalaking bagahe pag sumasakay sa dyip. Malaking bag, mga box at kung ano ano pa... Mas masaklap pa pag nilagay nila yung mga bagahe nila upuan...

PakingDuo - Dalawang Kuyang/Ateng Walang Paki sa Kapwa pasahero na magkatabi at magkaharap.... Di mo gets? Example: Parehas silang nasa Kanan pero magkaharap sila. :D Malaki ang sakop ng mga to.

Si Makasan Dal - KilaLA NYO TO? Variation sya ng Kuyang/Ateng Walang Paki sa Kapwa pasahero na mahilig sumandal sa katabi.

Si Makatu Log - Pwedeng Kuyang/Ateng Walang Paki sa Kapwa pasahero na tulog o kaya normal na pasaherong nakatulog lang... Di naman nya kontrolado yung space na sakop nya kung tulog sya... :D

___________________

Madame pang pwedeng mechanism kung bakit sumisikip ang dyip...

Ang mga rason sa taas e pwedeng mag sama sama sa isang dyip, o kaya pwedeng hiwahiwalay...

Kung may idadagdag kayo... Sa comment nalang...

:D

P.S. Happy Holidays!

Sunday, December 19, 2010

The World is Just Awesome.

























_________________________

Sa di nakakaalam, eto yung bagong song ng Discovery Channel...

I like the song... Makes me want to break into song... :D

Hope magustuhan nyo din....

Eto yung link ng song...

CLICK HERE

_________________________

Credits sa kinunan ko ng pic (Nandun naman site nya e.)

Tuesday, December 7, 2010

Asahan Mo

Asahan Mo by Siakol

I
Wag kang mag-alala sa kabiguan hindi ka nag-iisa
Meron kang kapareho na maaari mong makapareha
Kapareho mong mag-isip
Ginagawang laro ang pagibig
Nandyan lang siya sa sulok
O baka sa gilid-gilid

Chorus:
Alisin na ang lungkot at wag ng magmukmok
Oras na para ika’y lumigaya
Nasa isip lang ang takot
Wag ng panghinaan ng loob
E ano kung ika’y mahuhulog
May sasalo sayo asahan mo

II
Wag kang magpaapi
Sa pagkatalo ay pwede kang gumanti
Bakit ka paaapekto
Di siya kawalan sa iyong sarili

III
Kabaliktaran mong mag-isip
Sa isang saglit ika’y pinagpalit
Hayaan mo siya sa ere
O d’yan sa tabi-tabi

(Repeat Chorus)
(Repeat I)
(Repeat Chorus 2x)

Sunday, December 5, 2010

Mga Taga-salo

...

"Pramis babalikan kita."
"Sige, sabi mo yan ha."

___________________

Lasing ako sa kape... At natatanga ako sa dami ng mangyayari sa linggong ito...

Wala lang. Wala tong kuneksyon sa post ko.

Ehem... Balik sa post...

___________________

Medyo napaisip ako sa sinabi ng kaibigan ako tungkol sa mga "back-up" AKA "taga-salo".

Tipong naka-kontrata na sila...

Yung mga "Pag wala na kong mahanap na mas ok sayo bago *gives date*, tayo nalang (porebereneber)"...

O kaya "Pag di pa ko kasal pag *gives age* na (tayo/ako/ikaw), tayo nalang magpakasal."

Maraming variation yang kontrata na yan e...

Yung iba naman... "Sige, tayo pero bahala ka gawin gusto mo. Basta tayo at sa 'kin ka lang dulo."

o kaya "Mahal kita, mahal mo ko, pero tsaka nalang maging tayo pag *gives condition/date*."

Pwede ding "We're young. I want to experience life as much as possible ng walang tali. Don't worry i love you. We'll be together someday."

_____________________

I pity and admire those people who agreed to these kind of contracts...

Luge sila kung tutuusin e... (Hindi lugi ang nagpresinta ng contract dahil magprepresinta ba sila kung luge sila?)

Pity kasi tanga sila... Kayang kaya silang lamangan... Malaki ang chance na talo sila sa dulo... Na naghihintay lang sila sa wala...

Admire kasi matapang sila... Para kasi silang naglalaro ng russian roulette... May assurance na 5 sa 6 na chamber ang walang bala (contract)... Pero hindi sigurado na hindi sila ang talo sa dulo(breach of contract)...

__________________

Kayo ba? Papayag ba kayo sa mga ganyang kontrata?

Hirap d ba?

Wednesday, December 1, 2010

Ang Manang sa LRT...

Tumigil ang tren sa istasyon...

Sakto nakabili ako ng tiket...

Ipapasok ko na sana ang card ko nung napansin ko na may babaeng MAS nagmamadali sa kin...

Kaya pinauna ko sya...

Nung nakapasok na sya, pinasok ko yung card ko pumasok ako at kinuha yung card ko...

E sakto may nagpasok din ng card sa kabilang side... Pinauna ko yung nagpasok... (so in short nakuha ko card ko pero di ako nakapasok)

Nung ako na yung papasok... (Tandaan nakatigil yung tren sa station)

Ako: *papasok* excuse me...

Manang: *pinasok yung card tapos sasalubungin ako*

Ako: *backs then gave way*

Manang: (in a sort-of-"you're rude" way) Makakapasok ka rin...

Ako: (sa utak) DUH.... Alam kong makakadaan ako later, but I HAVE A TRAIN TO CATCH RIGHT NOW... Tell that to yourself...

Mga tao sa likod ni Manang: *sunod sunod na pumasok... Hindi na ko pinadaan*

Ako: (sa utak) Sige lang sige lang cool lang, nandyan pa yung tren... *nagsara yung mga pinto ng tren* @#$%#!#%!%!%!%^! AYAW NYO KO PADAANIN! !#!$!#@@%%!@ NAIWAN AKO NG TREN.... MGA HARANG... (after few seconds) ok im cool again... 30 mins pa bago magsara yung office...

Nung natapos na ang pagpasok ng mga tao...

Ako: *papasok* *tegeng* (Hindi makapasok) *lingon sa likod* *nakitang may card sa dapat pagkukunan mo ng card* *looks at woman behind me*

Ate: *confused* *gets her card*

Ako: *pumasok*

Ate: *pumasok* *tegenk* *di nakapasok*

Ako: Ate, bakit mo pinasok yung card mo? E ako palang dadaan... (in short, nagpasok na ko, nagpasok ulit sya tapos nacount yung dalawa as one*

Ate: Ganun ba? *punta sa nagtitinda ng card*

Ako: *Waits for Ate but train arrives kaya pumasok agad sa tren*

___________________________

Anong Moral Lesson?

1) May mga taong sadyang selfish na di iniisip yung sitwasyon ng iba... (Manang) Meron naman selfish dahil di nila alam yung sitwasyon... (mga sumunod kay Manang)

2) Hindi porke nagpaparaya ka kahit gipit ka, mabuti ka na sa paningin ng iba... (Ako)

3) Dapat wag basta basta gagawa ng kung ano ng hindi tinitignang mabuti ang pangyayari... (Ate)

4) May mga taong sadyang mahilig gumawa ng stupid statement na pinapatamaan nila ang sarili nila. (Manang)

________________________________

May nakakakita ng pangyayaring yun...

Kung mababasa nyo tong entry na to, alam kong naiintindihan nyo ako dahil alam kong alam nyo na nakakabanas yung nangyari sa kin...

Oh well... Tapos na rin naman yun...

Nabother lang talga ako sa "stupidity" at tone ng statement ni Manang.... HAHAHA... Sya pa nainis...

Di ba?