Showing posts with label Social Science. Show all posts
Showing posts with label Social Science. Show all posts

Monday, August 15, 2011

Naisip dahil puyat

... Ako'y hamak na taga public school lamang.

wala akong talento, talino(ehem), sipag, o kagwapuhan....

pero mapapansin nyo naman na may pagkasinungaling ako. Joke.

Disregard nyo nalang yung "sinungaling" part.

basta...

pumasok ako sa isang pamantasang kilala dahil sa mga estudyate nitong mayayaman...

[So hulaan nyo nalang kung saan kung di nyo ko kilala... (UA&P, DLSU, ADMU, etc.... teka, lahat naman halos ng universities mamahalin ang tuition ha... IBABA ANG TUITION!!! Peace...)]

akala ko wala akong makakasundo sa kanila.

akala ko walang makakapansin sa kin...

-_- which is partly stupid when i think about it now.

Naalala ko lang na natuwa ako nung may isang taong di ko masyadong kaclose (galing sa ibang course) ang may alam ng pangalan ko, kahit never ko pa syang nakausap. -_-

Natatawa ako, ganun pala kababa social skill ko... nasisindak agad ako sa fact na taga dung school sila.

-_- oh well. ang natutunan ko sa buong stay ko sa univ na yun ay:

1) tao sila

2) tao din ako

3) tao interacts with tao

so... in short. kahit sino, kaya mong makausap. wag mong iisiping di mo sila kayang abutin.... :)


Saturday, July 30, 2011

Isa na naman?

Broken hearted ka ba?

Meron ako kilala... Literally...

She passed away kahapon (ata ng madaling araw)...

I'm not sure, nobody gave me the details....

She's an old classmate, its just weird...

Parang kelan lang, kasama ko sya sa swimming...

We are not very close, but I admit, I'm sad na nagkick na sya ng bucket...

She's an old classmate, its just weird...

I can still hear her talking to me...

We are not very close, but I admit, I'm sad that she passed away...

While im writing this entry, it appears that she is online in facebook...

Maybe someone has access to it. i dont know.

Haha, ngayon nag offline na sya...

I dont have the courage to say, "hey who are you."

Baka mamaya sya yun @_@ oh noooo...

Ay kapatid nya lang pala. Whew....

Well kung nasan man sya, sana masaya sya (kung kaya nyang maging masaya)

Sabi nga ng kabarkada ko dati, "at least alam na nya kung may heaven."

Tuesday, February 22, 2011

Death

Well, I thought i could just shrug whenever somebody dies...

I guess not...

Hindi maganda ang feeling na parang kausap mo lang yung tao dati tapos malalaman mo patay na pala sya...

Why be affected?

Its hard to answer that...

Life values life... Its not hard to understand that...

But I'm still confused why do people react to death of others with grief...

Well...

Maybe because you shared a strong bond....

or because you got used to the person...

One of my friends died last 2009... It was the first time i felt sad for a death of someone...

Its 2011... and this time, its my Professor who passed away...

...

I'm sad... I admit it...

...

He gave me a passing mark even though i sleep in his lectures...

He always look at me when he's doing a lecture.

And lage ko syang nakakasalubong pag sumasakay ako elevator...

... i dont know... why i'm sad.... but i know i will get over this... i just think it changed something...

I hope that he'll rest in peace...

Gaya nang sinabi ko sa kaibigan kong umiyak nung 2009... "At least alam nya kung may heaven talaga"...

_________

"People die..."

"Almost dying changes nothing. Dying changes everything."

_________

P.S. Rest in Peace Dr. Anthony Lee...

Tuesday, January 18, 2011

Matthew Effect...

Uhmm, hindi ko imbento to...

Nagkataon lang na nabasa ko to habang gumagawa ako ng kababalaghan...

Alam nyo ba yung Matthew effect? (Malamang hindi...)

To make this short, ito ay isa phenomenon kung saan ang mayayaman ay lalong yumayaman at ang mga mahihirap ay lalong humihirap...

Hango ito sa Gospel of Matthew...


"For to all those who have, more will be given, and they will have an abundance; but from those who have nothing, even what they have will be taken away."
—Matthew 25:29, New Revised Standard Version.

Kasama ito sa Parable of Talents, yung tungkol sa isang mayaman na nag-iwan ng pera sa mga alagad nya depende kung gaano sila kagaling...

Yung unang alagad 5 talents, yung pangalawa 2 talents at yung huli 1 talent...

Yung naunang dalawa, pinasok sa bussiness daw yung pera at nadoble nila... Prinaise sila ng amo nila nung bumalik sya.

Yung isa naman, binaon lang sa lupa yung pera... At nung pinakita nya yun sa amo nya, pinagalitan sya at binigay ang talent nya sa unang alagad...

_______________

See? Lalong yumaman yung yumaman na alagad at lalong humirap naman yung mahirap na alagad...

Yun ang Matthew Effect...

Pamilyar ka ba sa mga ganitong pangyayari?

"Lalong humihirap... Lalong yumayaman..."

Observe and Think :)

Sunday, December 5, 2010

Mga Taga-salo

...

"Pramis babalikan kita."
"Sige, sabi mo yan ha."

___________________

Lasing ako sa kape... At natatanga ako sa dami ng mangyayari sa linggong ito...

Wala lang. Wala tong kuneksyon sa post ko.

Ehem... Balik sa post...

___________________

Medyo napaisip ako sa sinabi ng kaibigan ako tungkol sa mga "back-up" AKA "taga-salo".

Tipong naka-kontrata na sila...

Yung mga "Pag wala na kong mahanap na mas ok sayo bago *gives date*, tayo nalang (porebereneber)"...

O kaya "Pag di pa ko kasal pag *gives age* na (tayo/ako/ikaw), tayo nalang magpakasal."

Maraming variation yang kontrata na yan e...

Yung iba naman... "Sige, tayo pero bahala ka gawin gusto mo. Basta tayo at sa 'kin ka lang dulo."

o kaya "Mahal kita, mahal mo ko, pero tsaka nalang maging tayo pag *gives condition/date*."

Pwede ding "We're young. I want to experience life as much as possible ng walang tali. Don't worry i love you. We'll be together someday."

_____________________

I pity and admire those people who agreed to these kind of contracts...

Luge sila kung tutuusin e... (Hindi lugi ang nagpresinta ng contract dahil magprepresinta ba sila kung luge sila?)

Pity kasi tanga sila... Kayang kaya silang lamangan... Malaki ang chance na talo sila sa dulo... Na naghihintay lang sila sa wala...

Admire kasi matapang sila... Para kasi silang naglalaro ng russian roulette... May assurance na 5 sa 6 na chamber ang walang bala (contract)... Pero hindi sigurado na hindi sila ang talo sa dulo(breach of contract)...

__________________

Kayo ba? Papayag ba kayo sa mga ganyang kontrata?

Hirap d ba?

Wednesday, December 1, 2010

Ang Manang sa LRT...

Tumigil ang tren sa istasyon...

Sakto nakabili ako ng tiket...

Ipapasok ko na sana ang card ko nung napansin ko na may babaeng MAS nagmamadali sa kin...

Kaya pinauna ko sya...

Nung nakapasok na sya, pinasok ko yung card ko pumasok ako at kinuha yung card ko...

E sakto may nagpasok din ng card sa kabilang side... Pinauna ko yung nagpasok... (so in short nakuha ko card ko pero di ako nakapasok)

Nung ako na yung papasok... (Tandaan nakatigil yung tren sa station)

Ako: *papasok* excuse me...

Manang: *pinasok yung card tapos sasalubungin ako*

Ako: *backs then gave way*

Manang: (in a sort-of-"you're rude" way) Makakapasok ka rin...

Ako: (sa utak) DUH.... Alam kong makakadaan ako later, but I HAVE A TRAIN TO CATCH RIGHT NOW... Tell that to yourself...

Mga tao sa likod ni Manang: *sunod sunod na pumasok... Hindi na ko pinadaan*

Ako: (sa utak) Sige lang sige lang cool lang, nandyan pa yung tren... *nagsara yung mga pinto ng tren* @#$%#!#%!%!%!%^! AYAW NYO KO PADAANIN! !#!$!#@@%%!@ NAIWAN AKO NG TREN.... MGA HARANG... (after few seconds) ok im cool again... 30 mins pa bago magsara yung office...

Nung natapos na ang pagpasok ng mga tao...

Ako: *papasok* *tegeng* (Hindi makapasok) *lingon sa likod* *nakitang may card sa dapat pagkukunan mo ng card* *looks at woman behind me*

Ate: *confused* *gets her card*

Ako: *pumasok*

Ate: *pumasok* *tegenk* *di nakapasok*

Ako: Ate, bakit mo pinasok yung card mo? E ako palang dadaan... (in short, nagpasok na ko, nagpasok ulit sya tapos nacount yung dalawa as one*

Ate: Ganun ba? *punta sa nagtitinda ng card*

Ako: *Waits for Ate but train arrives kaya pumasok agad sa tren*

___________________________

Anong Moral Lesson?

1) May mga taong sadyang selfish na di iniisip yung sitwasyon ng iba... (Manang) Meron naman selfish dahil di nila alam yung sitwasyon... (mga sumunod kay Manang)

2) Hindi porke nagpaparaya ka kahit gipit ka, mabuti ka na sa paningin ng iba... (Ako)

3) Dapat wag basta basta gagawa ng kung ano ng hindi tinitignang mabuti ang pangyayari... (Ate)

4) May mga taong sadyang mahilig gumawa ng stupid statement na pinapatamaan nila ang sarili nila. (Manang)

________________________________

May nakakakita ng pangyayaring yun...

Kung mababasa nyo tong entry na to, alam kong naiintindihan nyo ako dahil alam kong alam nyo na nakakabanas yung nangyari sa kin...

Oh well... Tapos na rin naman yun...

Nabother lang talga ako sa "stupidity" at tone ng statement ni Manang.... HAHAHA... Sya pa nainis...

Di ba?

Monday, November 22, 2010

Mga Harang...

Asawa ng tsuper: Tignan mo ang dameng tao...

Tsuper: Pasahero yang mga yan...

Ako (sa isip ko): Asan? Mga harang lang nakikita ko...

______________________________________

Ok, Kakarating ko lang ng bahay...

Ang normal na kalahating oras na byahe ko ay naging tatlong oras...

Ang dahilan?

ANG DAMENG HARANG SA DAAN...

Nasa gitna sila ng kalsada...

~~. Ok sana na maghintay e...

Kaso sana naman wag nila kalahatiin yung daanan ng mga sasakyan...

MAY HUMAN BARRICADE SA DAAN E...

hahaha ang lupet talaga ng herding...

...... Ipapaliwanag ko kung anong nangyayari


Walang masakyan -> magkukumpol mga tao -> may mapupuntang gitna ng daan -> human barricade -> traffic -> nastustuck yung mga dyip sa isang lugar (kasi traffic) -> Walang masakyan...

ISIPIN MO YUN.... mas lalo silang napeperwisyo sa ginagawa nila + nakakaperwisyo pa sila ng iba...

haha... Anlabo nga naman ng mundo oh oh... actually hindi mundo e... kundi yung mga HUMANS.... :)

Di ba? :)

Thursday, November 11, 2010

What doesn't kill me....

‎"What doesn't kill me only makes me stronger." - Nietzsche

Madameng kumokontra sa Quote na to...

Anong dahilan?

IKAW BA PAG NASIPA KA NG KANGAROO SA MUKHA AT NABUHAY KA MAGIGING STRONGER KA?

Well...

Ayon sa kaibigan ko, hindi daw applicable ito sa lahat ng bagay... Pwede lang daw po ito sa emotional pain...

Well, im here to prove my friend wrong (pati narin yung gimagamit ng "kangaroo kick" argument against the said quote).

_________________________
"What doesn't kill me only makes me stronger."

Assuming that having offsprings is a method of "immortality/being alive" since part of you will be passed to your descendants.

Which makes "kill" = "kill all descendants"

SO....

"What doesn't kill your descendants will only make your descendants stronger"

Where "descendants" = "you" (or at least partly living you)

Di ba?

_________________

:) Well... Its not really what Nietzsche meant (I think)... But its enough to make a point kaya ko sinabi...

Monday, November 8, 2010

Supernatural Military

Kung may mga aswang at may mga mangkukulam...

Mga mambabarang... AT kung ano ano pang nilalang na di nakikita... Pero nandyan daw...

Bakit di kaya gamitin ng gobyerno natin yung mga yun para manakop ng ibang bansa?

Isipin mo... Kayang kaya nating kawawain sila kung gagamitin natin sa military yung mga supernatural creatures natin...

Haha...

Matagal ko nang naisip to...

Mga high school palang...

Kaya nga pag sinasabi nilang "naku wag ka magturo baka manuno ka." dati,

ang sinasabi ko lang e,

"Bakit di sila isama sa military kesa nandyan lang sila't nananakit ng nanunuro sa kanila? Kung nasa military sila, magkakaron pa sila ng benepisyo. Kesa manakit sila, bakit di nalang sila makipagtulungan sa mga tao para mapangalagaan yung lugar nila o kaya tumulong sa ting manakop ng lugar para lumaki sakop nila? At kung di sila mabuti, bakit di nalang sila hulihin at pakawalan sa mga kaaway natng terrorista?"


Di ba?

Monday, October 25, 2010

Oh Bakit....

Napapaisip ako...

Sino ba ang may gusto na maging simpleng trabahador?

Karamihan sa tin, gusto ng mataas na posisyon.

"Magagandang" trabaho...

Pero hindi lahat nakaka kuha nun...

May mga nananatiling nasa baba...

Hindi ko alam kung bakit pero napaisip ako sa isang kwentong nabasa ko...

Tungkol ito sa buhay (at pagkamatay) ng isang simpleng trabahador...

Walang nakapansin sa kanya noong namatay sya....

Exaggeration na ata yung nasa story (wala syang pamilya o kaibigan)... pero kung iisipin...

Madameng tulad nya....

Simpleng trabahador...

Madaling palitan... Mababa ang sweldo... Pero dahil sa mga tulad nya... Gumagana ang society...

Kung walang basurero... Walang bustboy... Walang nagbabantay ng computer shop... Walang taong may "mababang" trabaho... ano sa tingin mo ang buhay natin?

________

Kung alam nyo yung poem na "Be the best of whatever you are" ni Douglas Maloch... Parang pampalubag loob to sa mga hindi pinalad na mapunta sa tuktok...

Kung gagawing blunt (and mean) yung poem, ang lalabas ay "Kung di ka pwede maging ganun, ganyan ka nalang. Di naman pwedeng lahat ganun e kaya galingan mo nalang dyan sa ginagagawa mo."

Sabi nga ni Martin Luther King Jr. :

"If a man is called to be a street sweeper, he should sweep streets even as Michelangelo painted, or Beethoven composed music, or Shakespeare wrote poetry. He should sweep streets so well that all the hosts of heaven and earth will pause to say, here lived a great street sweeper who did his job well."

Well... We strive to be on top... Pero minsan hindi talaga pwede...

Kung san tayo mapunta... Galingan nalang natin... :)

________________

P.S. BASTA MAGIGING KATULAD PA RIN AKO NI HOUSE

Wednesday, August 18, 2010

Gullible...

Ang meaning nito sa tagalog ay!!!!!!!!!

TENENT!

Uto-uto...

Pero mas masarap sya pakinggan sa english no?

Ayon sa aking experience, directly proportional ang stupidity at pagiging uto uto.

Mas stupid ka, mas uto uto ka...

Pero naisip ko... Bakit may uto uto sa mga kaibigan ko?

I realized that you'll be stupid pag trinatry mong iimpress yung kaibigan mo...

Moral Lesson: Wag pa impress, it's stupid and you'll look stupid.

P.S. I was Outsmarted 2 times today... Wag na sana madagdagan...

Tuesday, August 10, 2010

Dimensions

Hmmmm

A relationship has 4 dimensions

1)Length
2)Width
3)Depth
4)Time

_______

1) Length refers to Quality Time you spent with the other person.

Quality Time, ibig sabihin, may significant na nangyayari. Counted dito yung pag magkatxt kayo.

-Length Question-

Gaano ka-significant yung mga oras na kasama mo sya(o sila)?

2) Width refers to the amount of Personal Information you know about the other person.

Tipong, how wide is the scope of your knowledge about the person.

-Width Question-

Gaano karami ang alam ko tungkol sa kanya(o kanila)?

3) Depth refers to the "deepness" of your understanding to the other person.

-Depth Question-

Gaano ko sya(o sila) naiintindihan ?

4) Time refers to the amount of time simula nung nakilala mo sya.

Kilala as in, simula nung nakilala ka nya at nakilala mo sya, either by name or face.

Gets?

-Time Question-

Gaano katagal ko na syang(o silang) kilala?

_______

Kung iaapply mo sa totoong buhay

Stranger = No length, No Width, No Depth, No Time

Kaklase mong di ka kinakausap pero kaklase mo ng 3 taon = No(or Very Low) length, Very Low to Low width, No(or Very Low) Depth, 3 years Time

Bestfriend mo ng 10 years = Average to Very High Length, High Width, Very High Depth, 10 years Time.

Manong drayber na kinakausap ka about sa pulitika = Low Length, Very Low Width, Very Very Low Depth (kung naiintindihan mo sinasabi nya), since nung sumakay ka sa jeep Time.

_____

Cool Di ba? :)

P.S. Credits to the one who came up with the Idea... Pasensya na if I modified it a little. :) I think its better kasi kung nasasakop nya kasi yung lahat ng types ng relationships. :D

P.P.S. Di ko alam kung may nakaisip na nito, pero sana wala pa para Orig Work to... >:)

Monday, August 9, 2010

Gender Equality

I usually yell "Babae ako!!!" for fun.

Natatawa kasi ako sa ibang nakikipaglaban para sa Gender Equality.

Same treatment daw para sa Men and Women.

So...

Kung same ang treatment sa Men at Women, edi masaya, pwede tayong tratuhing babae ng mga babae so para na rin tayong babaeng mga lalaki! (Not in a gay way)...

Isipin mo... sa masikip na LRT... nakaupo si babae, nakatayo si lalaki... So kung gender equality (according sa definition nung ibang Pro-Gender Equality), dapat tratuhing parang babae din yung lalaki! Dapat tumayo yung babae para ibigay yung seat nya sa lalaki. >:) Same goes sa pag bubukas ng pinto, Women should open the door for men too! Same treatment di ba?

They look like a hypocrite pag sinabing gusto nila ng same treatment for all gender tapos they ask the Men to be Gentlemen.

~~

They misunderstood the real point, the real objective of Gender Equality. Its not about the treatment! Girls doesnt want to be treated like boys. All they want is an equal consideration. To view them as humans. To see them as somebody who can do things like men. Not "if you this to man, you do this to use." nor "Men and Women are equal so both of them can act like a man or a woman interchangeably" but "If you let a man do this, can you let us do it to?".

I just hope tandaan natin yung real meaning ng mga issues na lumalabas ngayon...

Sometimes baka mali na pala pinaglalaban natin because we misunderstood its essence.

Tama naman di ba?

P.S. Parang ka talgang nashishinku tatsumaki senpu kyaku pag sinabihan ka ng "k".

Sunday, August 1, 2010

Dunning-Kruger Effect

Nadagit ka na ba ng trick question na...

"What Grade Do You Think You Deserve?"

o kaya

"What Salary Do You Think You Deserve?"

--------------------------------------------

Me? A LOT... I tend to grade myself much lower than I should...

Humble lang po (-.-)

Oh Well, I dont need High Grades
(Hala lagot ako, oo nga pla... Kelangan ko pala magkaron ng Scholarship (-.-) )

Most people give themselves a much lower value when asked to grade themselves.

Some naman, they give themselves a high grade even though they don't deserve it.

Hinahanap ko kung anong tawag sa phenomenon na yun e

Pero ayon sa aking research... Yun yung tinatawag na:

Dunning-Kruger Effect (Well eto yung closest e)

To put this in simplier term, I'll quote a smart person:

"One of the painful things about our time is that those who feel certainty are stupid, and those with any imagination and understanding are filled with doubt and indecision."
-Bertrand Russell

Kung complicated pa yan eto...

Yung DK effect e pwedeng

1) Feeling matalino hindi naman + confident na matalino sya.
o
2) Matalino kaso nagdududa na matalino sya + hindi confident na matalino sya.

Experienced this before? :)

Or know some people who are like no. 1 and 2 ? :)

It can be seen everyday :)

Just observe :)

Saturday, July 17, 2010

Most Girls Are Friendly At First

Why is that? Because she doesn’t know you well yet and she doesn’t know if she is attracted to you yet. Every woman has very specific set of values she is looking for a guy. If a girl is young, she could just want some attention from cute and popular guy, but as a woman gets older she understand more and more what she is looking for in partner.

If a girl doesn’t like you, it simply means she is not interested. She doesn’t hate you, she doesn’t dislike you either, she is just not interested. Sometimes guys, like me get upset and you think she doesn’t like you, but maybe she just likes you as her friend and not more. We all want to be liked as much as we like someone. So, how do you know if she doesn’t like you? I think the first sign is if she looses interest and doesn’t give you attention anymore. Some girls are very shy and if she likes you, she would give you short attention but it would be consistent. If the girl doesn’t like you, then she would give you less and less attention, and finally she wouldn’t give you any attention.

It can be hard to realize the girl you liked doesn’t like back. It can be devastating in some cases, I mean, “Damn!” But don’t get angry or mad at her for not liking you as much as you hoped. Women are very emotional beings and they don’t always can predict how they feel. The better you make her feel good the more she will come back for more. If you can’t make your woman like you, don’t get frustrated. There are other women in the world who are even better than she is. She isn’t as perfect as you hoped her to be. She has her own faults and maybe you just loved the fantasy of “perfect her” instead of a real her. It’s okay to grieve a lost hope but don’t think about it too much and go find some other women to have fun with.


____________________________________

Nakakarelate ako dito sa nakasulat dito... >.< Hay...

Less and less attention then POOF wala na...

Salamat sa kung sino man ang nagsulat dito...

Monday, February 15, 2010

Explaination Kung Bakit Ganito Daw Tayo...

Pili ka isa...

1) Ginawa akong ganito ng Diyos Kaya ganito ako.

2) Kaya ako ganito e dahil ang Kulturang Kinagisnan ko e Ganito. Ganito ako dahil pinalaki ako sa Kulturang ito.

3) Kaya ako Ganito e dahil ito ang Best way to survive. Kung gusto kong makapagsurvive, dapat maging ganito ako. Kung hindi ako magiging ganito, liliit ang chance kong manatiling Buhay.

Anong kahinaan ng Bawat isa.

Yung sa 1. Required kang maniwala sa Diyos bago mo masabi yung Statement na yun. Oh sige nga. Paano pagpinalaki ka sa isang isla kung saan ang mga tao ay walang pinaniniwalaang diyos, masasabi mo pa ba kaya ito? Think.

Yung sa 2. May punto naman sya di ba? So ibig bang sabihin nun Empty Shell tayo yung pinanganak tayo? Ganun ba yon? Ibig sabihin pwede tayo maging ugaling pusa kung pusa magpapalaki sa tin? or something like that? Think.

Yung sa 3 naman. Supported by evolution yan. We are like this to be more fit for survival. :) Kaso. Ibig sabihin ba nun wala tayong Choice? sa ayaw at sa hindi Ganito tayo kasi it makes our chance of survival higher? Think.

Kung kayo pipili sa Tatlo. anong mas gusto nyo paniwalaan?

Naniniwala ako sa pangatlo, pero may extension dapat.

Humans are made to choose and no choice sila na kelangan nila magkaron ng Choice DAHIL mas napapataas nito ang chance of survival nila.

Sounds Better Di ba? :)

Wednesday, June 10, 2009

Eksena sa Jeep...

Mmm.

Napapansin ko to sa loob ng dyip...

1. Laging unang inuupuan ang parte na malapit sa dulo... I dont know why...

2. Laging pakiramdaman kung sino ang magaabot ng pamasahe nung nasa dulo...

3. Pag masikip na, umuusog ang tao sa side na gusto nilang tabihan.

4. Kadalasang naiinis ang mga pasahero kung di sila agad naibaba at the instance na magpara sila KAHIT alam nila na bawal bumaba dun.

5. Pagtumaas ang pasahe, madalas naiinis ang pasahero paghinihingan sya ng dagdag na pamasahe ng drayber...

6. Updated sa pulitika ang karamihan sa mga drayber...

7. Badtrip ang mga drayber sa mga taong walang barya... Lalo na yung mga 500 0 1000 ang binabayad.

8. Pag nasa tabi ka ng drayber at pwinestuhan ka ng 2 tao na magkasama (isa sa tabi mo at isa sa likod mo) mag-ingat ka, 90% sure na holdap yan... hahaha XD

9. Pag umuulan, ang sampuan na jeep (22 na pasahero kasya) ay kayang magsakay ng 28 na tao o higit pa...

10. Badtrip ang drayber sa pasaherong isa lang ang binabayad pero dalawang tao ang laki. hehe...

11. Pag wala na talagang masakyan... Uumaakyat ang mga tao sa loob ng dyip kahit punong puno ito...

MMm... Madami pa kong nasa isip ko... Kelangan ko munang kalkalin... hehe...

Dagdagan nyu naman oh..

Friday, June 5, 2009

Help or...

... get out of the way.

Dapat kung hindi ka tutulong, tumabi ka nalang.

reasons?

1. Probability na maging burden ka.

2. Mahirap gumawa kung may nakikiepal na nagmamarunong.

3. Di ka rin naman tutulong so why bother getting in the waY?

4. Walang mangyayari kung nandyan ka nga wala ka naman natutulong.

hahaha...

Isipin mo, example

May nasagasaan na babae, pinalibutan ng mga bystanders

anong nangyari? Di nakasingit yung medics at pulis, patay.

Naitulong? natulungan mamatay yung babae hahahaha

Thats Good, but better kung tinulungan nila makasurvive yung babae.

Pano? By getting out of the way. hehehe

Isa pa?

May lalaki, ibabagsak na ng prof nya dahil sa excess absences.

Sakto natrapik sya... Late ng 1 hr... absent na sya...

Bakit? hahaha Dahil may nasagasaan na babae.

Pinalibutan ng bystanders, hahahaha wala nang naitulong, nakaperwisyo pa.

e kung tumabi nalang sila?

D b?

Saturday, May 30, 2009

Information evolution ...

Di nyu ba pansin,

Nag eevolve ang information pag pinagpasa pasa verbally?

Example...

Nung kinausap ko yung babaeng kapitbahay namin.

pinagtsismisan ng mga tsismoso't tsimosa...

Kaibigan ko DAW yung babaeng kapitbahay namen...

Kinabukasan, nililigawan ko daw.

The following day, kami na raw.

Habang dumadaan yung mga araw, Lumalala yung tsismis.

-Nag away daw kame.

-May iba pa daw akong gf liban dun sa babae.
(Nakita kasi nila kasama ko yung ex ko nung kami pa)

- Nanliligaw pa daw ako ng ibang babae.

- May nangyari daw samin nung babae.

- Break na daw kami nung babae.

Di pa nakuntento, niligawan ko daw uli yung babae.

Hay... Lupet... ^^

Di pa ko magkaka-idea tungkol dyan kung walang nagsabi sa kin.

P.S. medyo Bc lately e.. hehe

Tuesday, April 28, 2009

Hawthorne effect

Anung feeling mo pag alam mong may ginagawang experiment at inobsebahan yung behavior mo?

Di ba uncomfortable?

Dahil dito, gagana ang instict mo...

ang response mo malamang ay pagbubutihin mo kung anu man yang ginagawa mo...

well ang nagiging resulta pinagbubuti mo yung behavior na inoobserbahan seo dahil inoobserbahan ka.

hindi dahil sa mga pagbabago na gawa ng experiment...

hahha... Madameng example nyan sa pang araw araw na buhay