Masayang parte daw ito ng pagaaral. Dito mo mararanasan ang iba't ibang bagay. Dito mo mararamdaman ang sobrang saya at sobrang lungkot. Dito din madalas nabubuo ang habang buhay na pagkakaibigan! (hindi pagkakaibig-gan). Wala akong intensyon ipaalala ang katapusan ng hayschool at magbigay ng kalungkutan sa mga magbabasa nito dahil aalis na rin siya sa paaralang kanyang pinagtapusan. Masaya mag aral. Masaya din ang magkaroon ng maraming kaibigan. Pero ang lahat ay may katapusan, lahat ay may hangganan. Mahirap mang tanggapin. Mahirap mang aminin. Pero kailangang mamaalam. Ngayon, oras na ng pamamaalam sa paaralang pinagtapusan, sa mga kaibigang nandyan sa hirap o ginhawa. Siguro, ito na rin ang oras ng pasasalamat. Sa mga guro, kahit sila ay hindi nakakatuwa. Sa diyos. At sa iyo.
Wednesday, April 6, 2011
Para sa magsisipagtapos kong kaklase at sa iba pa.
Masayang parte daw ito ng pagaaral. Dito mo mararanasan ang iba't ibang bagay. Dito mo mararamdaman ang sobrang saya at sobrang lungkot. Dito din madalas nabubuo ang habang buhay na pagkakaibigan! (hindi pagkakaibig-gan). Wala akong intensyon ipaalala ang katapusan ng hayschool at magbigay ng kalungkutan sa mga magbabasa nito dahil aalis na rin siya sa paaralang kanyang pinagtapusan. Masaya mag aral. Masaya din ang magkaroon ng maraming kaibigan. Pero ang lahat ay may katapusan, lahat ay may hangganan. Mahirap mang tanggapin. Mahirap mang aminin. Pero kailangang mamaalam. Ngayon, oras na ng pamamaalam sa paaralang pinagtapusan, sa mga kaibigang nandyan sa hirap o ginhawa. Siguro, ito na rin ang oras ng pasasalamat. Sa mga guro, kahit sila ay hindi nakakatuwa. Sa diyos. At sa iyo.
Friday, March 18, 2011
Anong nangyari?
This is a Short Essay (Very short) for you Guys...
-A short essay-
To run away is what most people do when they are down, and they would try to hide to the problem and never try to solve it. I would say that we should face our problems. But that's not easy that's why its always not the case. Hiding is easy, but we must do it forever. Problems will never go away unless solved!
Solutions are not easy, but running is. But then, when you realize that you have ran so far because of running for so long. The one who was chasing you was still on your back. Trying to tail you, haunt you, show you that you can't escape, the truth, the truth, the problem. It exist and won't go away. You'll run miles, you'll hide in the deepest bowels of the earth, you'll climb the highest mountains but the problem will exist as long as you know it does.
Forgetting is bliss, just like ignorance, but even if you say you forgot it is there, it doesn't mean it is not there. But at least you won't have to think so much as the problem gets bigger and bigger and bigger as it approaches you just like a raging bull. Forgetting a problem is like being a blindfolded Matador during a fight.
WE MUST FACE THE PROBLEM IF YOU WANT TO RELAX. FIND A SOLUTION. IF THERE IS NO SOLUTION THEN THERE'S NO PROBLEM IN THE FIRST PLACE. PROBLEM MAKES THE WORLD GO ROUND (conservation of angular momentum yun di ba?) SO IF YOU WANT TO CONTROL THE WORLD, SHOW THE BULL WHO IS THE BOSS.
Naintindihan nyo? Ako kasi Hindi e... Sino ba nagsulat nyan?
Malay ko.. Nag popost lang ako dito
Tuesday, February 22, 2011
Malupit na story
Nababrowse-browse lang ako ng pics nang makita ko tong kwentong to...
Maganda pagkakasulat kaya naman natuwa ako talaga...
Kung ganito lang din ako kagaling magsulat... Naku... may libro na sana ako...
Galing ito dito... <--- CLICK HERE
:D Ayos Ba?
Friday, November 5, 2010
Insipiring Speech!
______________________________
This speech was delivered by a La Sallian engineer in one of the graduation ceremonies at the UP College of Engineering.
Ngayong araw na ito, sa ating pagtatapos, mayroon akong dalang Transcript of Record. Ang estudyanteng may-ari ng transcript na ito ay nag-aral sa De La Salle University. Sa unibersidad na ito, kapag ikaw ay isang undergraduate, may ID number na nagsisimula sa “94” at pataas, kung lumipas ang isang buong schoolyear at umabot ka sa 15 units na bagsak, masisipa ka sa paaralan.Ang transcript na hawak ko ay mayroong 27 units ng bagsak. 12 sa mga ito ay tinamo ng estudyante sa iisang schoolyear lang. Ang isang subject ay kadalasang may bigat na 3 units. Kung iisiping mabuti, isang subject na bagsak na lang ay pwede na masipa ang estudyanteng may-ari ng transcript na ito.
Ang speech na ito ay hindi ko ginawa para i-acknowledge ang paghihirap ng ating magulang sa pagpapaaral natin. Hindi ko din ito ginawa para maghayag ng political statement, o kumbinsihin kayo na huwag umalis sa bansa at tulungan itong maka-ahon. Ang speech na ito ay para sa mga normal na estudyante na kagaya ng may may-ari ng transcript na hawak ko, dahil madalas, wala talagang paki-alam ang unibersidad sa mga achievements nila. May mga awards na gaya ng “Summa Cum Laude”, “Best Thesis Award” at “Leadership Award.” Pero ni minsan, hindi pa ako nakakakita ng unibersidad na nagbigay ng “Hung on and managed to graduate despite nearly getting kicked-out during his academic stay” award.
Maaaring isang malaking kagaguhan ang konseptong ito para sa karamihan. Bakit mo pararangalan ang isang estudyanteng bulakbol, ***, tamad o iresponsable? Hindi ba dapat isuka ito ng unibersidad? Ito yung mga tipo ng estudyanteng walang ia-asenso sa buhay, hindi ba?
Ayun. Natumbok niyo.Iyun na nga ang dahilan.
Madalas, pag ang isang estudyante ay may pangit na marka sa paaralan, lalong-lalo na sa kolehiyo, nakakapanghina ito ng loob. Nandiyan yung tatamarin ka mag-aral, nandyan yung iisipin mo “Ano pa kayang trabaho ang makukuha ko? Call center na naman o clerical? Ba’t kasi ang *** ko. Kung matalino lang ako, sana, sa Proctor and Gamble ako, o kung saang sikat na kumpanya.”
Mas mahirap ang dinadaanan ng mga estudyanteng bumabagsak. Kahit na sabihin mong kasalanan nilang bumabagsak sila, hindi ninyo alam kung ano ang pakiramdam ng ganun. Madaling sabihin na “Kaya mo yan, mag-aral ka lang,” pero alam ba natin talaga ang sinasabi natin?Kapag ang isang estudyante ay bumabagsak sa unibersidad, nandiyan yung tatawanan niya lang yan. O di kaya naman, ipagmamalaki niya pang “TAKE 5 NA KO!!!” o “Pare, magpi-PhD na ako sa Anmath3/Calculus/etc.” Pero hindi alam ng mga isang Summa Cum Laude kung ano ang nasa isip ng isang normal na estudyante sa tuwing matutulog ito at alam niyang pag-gising niya, kailangan niya na naming ulitin ang isang subject na nakuha niya na sa susunod na term.
Kahit kalian, hindi naging problema sa “Star Student” na sabihing “Nay, bagsak ako.” at hindi kailanman sumagi sa isip nila na “Paano kaya kung sa walang-pangalang kumpanya lang ako makapagtrabaho?” Dahil sigurado sila sa kinabukasan nila.
Huwag na tayong maglokohan. Grades are everything. Kahit bali-baligtarin mo iyan, hindi magiging patas ang mga kumpanyang kumukuha ng fresh graduates para magtrabaho sa kanila. Minsan din naman, nadadaan sa palakasan, pero ganun pa din. Kung hindi ka academically good, wala kang patutunguhan. Kung hindi man yun, mas mahirap yung dadaanan mo para lang makaa-abot sa prestihiyosong posisyon.
Kaya ngayong graduation, ang speech na ito ay inaaalay ko para sa mga estudyanteng lumpagpak, muntik-muntikanan nang masipa o yung lahat ng paraang pwede, ginawa na para lang makatapos. Gagawin kong patas ang mundo para sa inyo kahit isang araw lang. Kahit ano pa ang sabihin ng ibang tao, kesyo kasalanan mo man na pangit ang marka mo o muntik ka nang makick-out, saludo ako sa hindi mo pagtigil sa pag-aaral. Saludo ako na may lakas ka ng loob na harapin pa rin ang mundo kahit alam mong hindi ito magiging patas sa iyo. Saludo ako na kahit pangit ang transcript mo, taas-noo ka pa rin ngayong graduation at proud na proud sa sarili mo.
Ano ngayon ang mangyayari sa mga graduates pagkatapos nitong graduation? Ayoko nang puntahan yung pwedeng mangyayari sa mga Cum Laude. Baduy. Alam mo namang me patutunguhan ang buhay nila e. Pero dun sa mga lumagpak, ano ang meron?
Maaring makakuha kayo ng mediocre na trabaho lang. Pwede ka rin swertehin, baka makapagtrabaho ka sa magandang kumpanya. Madami pang pwedeng mangyari. Huwag kayong mawalan ng pag-asa. Kung nung college, nagtiyaga kayo e ba’t titigilan niyo yung pagti-tiyaga ngayon?
Pwede ring ganito: Mag-aral ka ulit. Ipakita mo sa kanila na kung sipagin ka lang, malayo ang mararating mo. Subukan mong patunayan sa kanila na kapag pinilit mo, kaya mo ring abutin yung naabot nila. Na hindi ka ***, kundi tinamad ka lang.
Baka sabihin ninyo, drowing lang ako.
I’ve been on both sides. Naranasan ko na ring lumagpak, at muntikan na din akong masipa. Naranasan ko na na umulit ng 4 na beses sa iisang subject. Naranasan ko na na masumbatan ng magulang, kapatid at kung sino-sino pang propesor na walang pakialam sa pakiramdam ng estuyante. Naranasan ko nang hindi makatulog ng maraming gabi sa pagiisip kung paano ko na naman sasabihin sa magulang ko na may bagsak na naman ako. Kaya alam ko ang pakiramdam ninyo.
Akin ang transcript na ito.
Pagkagraduate ko ng college, ano ang ginawa ko? Eto. Nagtrabaho muna ng konti, tapos aral ulit. Kuha ng Masteral sa kurso ko. Hindi para sa trabaho o kung ano man. Kundi para patunayan sa sarili ko na noong mga panahong bumabagsak ako, tinatamad lang ako.
This is a rebellion. I raise my middle finger to every professor, over-achiever, naysayer and detractor that told me that I can’t make it. I raise my middle finger to every valedictory or graduation speech that only gratifies the university, those who were achievers in school or those who gratify the country when it’s supposed to be the graduate’s moment of glory. You are supposed to acknowledge EVERYONE. Even those who failed many times.
Kaya sa inyong mga graduates na medyo hindi maganda ang marka, para sa inyo ito. Kung kinaya ko ito, kaya niyo rin to. Imposibleng hindi.
------------------------------------
P.S. Nice di ba?
Monday, October 25, 2010
Be The Best Of Whatever You Are
Be The Best Of Whatever You Are
If you can't be a pine on the top of a hill
Be a scrub in the valley, but be the best little scrub on the side of the hill
Be a bush if you can't be a tree,
If you can't be a bush be a bit of the grass
And some highway happier make.
If you can't be a muskie, then just be a bass,
But the liveliest bass in the lake.
We can't all be captains, we've got to be crew,
There's something for all of us here.
There's big work to do and there's lesser work, too,
And the thing we must do is the near
If you can't be a highway, then just be a trail.
If you can't be the sun, be a star.
It isn't by size that you win or you fail.
Be the best of whatever you are.
Douglas Maloch
Oh Bakit....
Sino ba ang may gusto na maging simpleng trabahador?
Karamihan sa tin, gusto ng mataas na posisyon.
"Magagandang" trabaho...
Pero hindi lahat nakaka kuha nun...
May mga nananatiling nasa baba...
Hindi ko alam kung bakit pero napaisip ako sa isang kwentong nabasa ko...
Tungkol ito sa buhay (at pagkamatay) ng isang simpleng trabahador...
Walang nakapansin sa kanya noong namatay sya....
Exaggeration na ata yung nasa story (wala syang pamilya o kaibigan)... pero kung iisipin...
Madameng tulad nya....
Simpleng trabahador...
Madaling palitan... Mababa ang sweldo... Pero dahil sa mga tulad nya... Gumagana ang society...
Kung walang basurero... Walang bustboy... Walang nagbabantay ng computer shop... Walang taong may "mababang" trabaho... ano sa tingin mo ang buhay natin?
________
Kung alam nyo yung poem na "Be the best of whatever you are" ni Douglas Maloch... Parang pampalubag loob to sa mga hindi pinalad na mapunta sa tuktok...
Kung gagawing blunt (and mean) yung poem, ang lalabas ay "Kung di ka pwede maging ganun, ganyan ka nalang. Di naman pwedeng lahat ganun e kaya galingan mo nalang dyan sa ginagagawa mo."
Sabi nga ni Martin Luther King Jr. :
"If a man is called to be a street sweeper, he should sweep streets even as Michelangelo painted, or Beethoven composed music, or Shakespeare wrote poetry. He should sweep streets so well that all the hosts of heaven and earth will pause to say, here lived a great street sweeper who did his job well."
Well... We strive to be on top... Pero minsan hindi talaga pwede...
Kung san tayo mapunta... Galingan nalang natin... :)
________________
P.S. BASTA MAGIGING KATULAD PA RIN AKO NI HOUSE
Sunday, October 24, 2010
Catch-22
Kaya pagpasensyahan nyo na kung kakaiba yung pagkakasulat ko ngayon.
Nga pala... Filipino yung subject...
Eto na...
__________________________
Ano nga ba ang "Catch-22"?
Isa itong "paradox" o balin-tunay kung saan ang isang tao ay nasa isang sitwasyon kung saan kailangan nya ang isang bagay na makukuha lamang nya kung hindi sya kasama sitwasyon na iyon. Dahil dito, lumalabas na wala talagang magagawaang taong nasa sitwasyon na iyon.
Ang Catch-22 ay maaring mag mula sa interaksyon ng iba't ibang batas, alituntunin, pamamaraan at sitwasyon. Masasabi natin na mga tao rin ang gumagawa ng balin-tunay na ito. Nanggaling sa nobelang "Catch-22" ni Joseph Hellen ang pangalan nito dahil ang pinakapopular na halimbawa ng "Catch-22" ay nanggaling din sa mismong nobela.
Sa nobela, si John, isang piloto ng hukbong panghimpapawid ng USA, ay ayaw sumama sa laban. At ang tanging paraan upang hindi sya isama ay ang mapatunayan na baliw sya. Ngunit, kailangan muna nyang humingi ng permiso upang matignan sya ng doktor na sya namang magpapatunayan na baliw sya.
Pero, sapat na na dahilan ang pagkuha nya ng permiso upang masabi na hindi sya baliw. Dahil kung baliw sya, hindi na nya magagawang humingi ng permiso. Sa ayaw at sa gusto ni John, kailangan nyang sumama sa laban, baliw man sya o hindi, dahil walang paraan para hindi sya isama.
Ang buhay ay isang malaking "Catch-22", hindi nga lang ganun ka walang pag-asa katulad sa halimbwa ng hobela. Isang halimbawa ng "Catch-22" sa totoong buhay ay ang pagkuha ng trabaho. Upang makakuha ng magandang trabaho, kailangan mayroon kang magandang experience na makukuha mo lang kung nakakuha ka na ng magandang trabaho. Pero, hindi naman imposibleng kumuha ng magandang trabaho, mas mahirap nga lang kumuha ng trabaho kung sakaling ganoon.
Hindi ba napaisip ka? :)
_______________________
Yan lang yun... Kung may malabo, comment nalang kayo... :)
Tuesday, October 19, 2010
Halo-Halo
Ang Pilipinas ay parang halo-halo. Iba-iba ang nakapaloob sa mismong bansa. Iba't ibang tao na may iba't ibang kulturang kinagisnan ang mga naninirahan dito. Pero tulad ng mga sahog ng halo-halo, may kakaibang harmonya ang kanilang pagsasama-sama. Kung sino man ang sahog ng halo-halong ito ay isang pinoy. Mga tunay na pinoy lang ang pwedeng makapag-pasarap sa halo-halo.
Madali maging pinoy. Ang kailangan lang ay tamang pakikihalo sa halo-halo at maging parte nito. Kung hindi nyo maintindihan ang sinasabi ko --- Isa kang pinoy kung kaya mong maging isa sa kanila, may pagmamahal sa bayan. Anong kuneksyon ng "pagmamahal sa bayan"? Ito ang gatas ng halo-halo. Ito ang dahilan kung bakit nagsasama ang mga sangkap ng halo-halo. Sasarap ba ang halo halo kung hindi bumabagay ang sahog nito sa gatas?
Kung tutuusin, sa wika din ang punta ng usaping "pagmamahal sa bayan" dahil wika ang salamin ng bansa. Ito rin ang nagbubuklod-buklod ng bansa. Upang maging pinoy, kailangan mo lang malaman at gamitin ito. Hindi ka pinoy kung hindi mo naman ginagamit ang wika. Para kang kumain ng halo-halo na walang gatas. May halo-halo ka nga, wala naman yung tunay na mahalaga: yung gatas na s'yang dahilan kung bakit nagiging halo-halo ang halo-halo.
Thursday, October 7, 2010
Pagmamahal~
Hindi maalis sa isip ng batang lalaki ang katanungan iyon, na alam niya namang hindi masasagot agad agad ng mga taong nakapaligid sa kanya dahil sa kanyang edad."Inay, Alam nyo ho ba ung pagmamahal? Ano ho ba iyon?" tanong ng bata. Hindi nagsalita ang kanyang inay, Kung hindi, ngumiti lang ito sa batang lalaki."Itay, Alam nyo ho ba kung anu ung pagmamahal? Ano ho ba iyon?" Muling tanong ng nagtatakang bata. Ngunit hindi rin ito sumagot at patuloy na nalungkot ang bata.
Tumungo ang bata sa labas at naghanap ng makakasama, Nakita niya ang kanyang matalik na kaibigang babae. Nilapitan niya ito."Huy! Alam mo ba yung pagmamahal? Ano ba iyon?". Sumagot ang batang babae, at sinabing "pagmamahal? di'ba love yun?". Ngunit hindi pa rin ito maintindihan ng batang lalaki. Biglang tumakbo ang batang babae palayo. Hanggang nawala.
Patuloy na naglakad ang batang lalaki. Nakasimangot, Naghahanap ng sagot sa kanyang katanungan. Nagiisip, Nalilito. Biglang naisip ng bata,"Bakit ko ba inaalam ito? Ano bang kinalaman nito sa akin?". Napaupo ito sa kalsada, at patuloy na nagisip. Di naglaon isang baliw ang tumabi malapit sa kanya at ito'y nagsalita. "Doon ! Dito ! hahaha! Ikaw! oo ikaw ! anong ako?" Sigaw ng baliw na humahagikgik habang tumatawa. Natakot ang batang lalaki, nilayuan niya ito. Pero pumasok sa isip niyang maaring ang baliw ang makakapagbigay ng kasagutan sa kanyang tanong.
"Kuya, Pasensha ho Alam nyo ho ba ung pagmamahal? Ano ho ba iyon?". Tumingin ang baliw,"hahahaha! baliw ka ba? Hindi mo alam yoon? Ano ? ako ba? Sino ? hahaha!" sabay nanlisik ang mata at muling tumawa. Natakot lalo ang bata, ngunit sa pagiging pursigido niya. nagtanong siya ulit."Alam nyo ho ba ung pagmamahal? Ano ho ba iyon?". Parang nagkamalay ang baliw mula sa pagiging baliw at seryoso itong tumingin sa batang lalaki.
"Bata, Baliw ako bakit mo ako kinakausap?"matinong sagot ng baliw.Nagtaka ang bata, lalong nalito at gumulo ang kanyang pagiisip."Hindi po ako naniniwalang baliw kayo at yoon po ang dahilan". Nagbuntong hininga ang baliw,"Bakit mo ba natatanong ang ganyang tanong bata?" ika ng baliw. Napayuko ang bata, hindi niya sinagot ang tanong ng baliw, kitang kita sa mukha ng bata ang pagkalungkot at pagdalamhati.
"Bata, Bigla lang ba itong pumasok sa isip mo?", hirit ng baliw."Oho" sagot ng nakayukong bata."Alam mo bata, iyang tanong na iyan ay isang malaking palaisipan sa lahat ng tao, Ikaw , ako , tayong lahat. Di alam ang sagot, dahil yang pag mamahal na iyan, Ang maaring magiging sagot sa lahat ng tanong", sabi ng seryosong baliw.Bumalik ang tingin ng bata sa baliw, takang taka ito, habang tumitingin sa paligid."Hindi ko ho kayo maintindihan"sabi ng bata."Bata ka pa nga, Maaring mura pa ang iyong isip, pero kahit ikaw ay bata. Malalaman at malalaman mo iyon.".Bumalik ang sigla ng batang kanina'y malungkot, Lalong nadagdagan ang mga tanong na bumabagabag sa isip ng bata.
"Inaamin ko, Hindi ko alam ang pagmamahal, Hindi mo ako masisisi, baliw ako. Hindi ako nakaranas ng pagmamahal. Kaya nga ganito ako ngayon. Kaya nandito ako ngayon, pero kahit nagkaganito ako, wala akong sinisisi. Walang akong itinatakwil na kapamilya. Wala akong ninakawang kaibigan, tinanggap ko ang lahat ng nangyari sa akin at yoon ay ginawa ko lahat, dahil lamang sa pagmamahal" Malungkot na sinabi ng baliw.
"Iyang pagmamahal na iyan ang dahilan ng lahat ng bagay . Tingnan mo ang paligid mo, Tingnan mo ang sarili mo. Nasa iyo ang pagmamahal. Nasa akin, Nasa ating lahat. Lahat ng tao ay may pagmamahal. Lahat ng bagay ay may pagmamahal. Lahat ng nasa mundo, may pagmamahal. Maaring itong maging sakripisyo, maaaring itong maging saya, maaring ring maging pagtanggap at pagpapatawad. Sana maintindihan mo bata . Yan ang pagmamahal."
Napangiti ang bata. Niyakap niya ang baliw, kahit ito'y mabaho at di kalinisan. Napagtanto ng bata ang nais ipahiwatig ng baliw."Salamat po , Salamat ng marami" dahan dahang sinabi ng bata sa baliw habang pahigpit ng pahigpit ang yakap nito. Tumayo ang bata at nagsalita ng huling pasalamat at dali daling tumakbo.Napangiti ang baliw.