Saturday, July 30, 2011
Isa na naman?
Friday, July 22, 2011
Death
Saturday, June 11, 2011
Rules daw...
1. Do not give opinions or advice unless you are asked.
2. Do not tell your troubles to others unless you are sure they want to hear them.
3. When in another's lair, show him respect or else do not go there.
4. If a guest in your lair annoys you, treat him cruelly and without mercy.
5. Do not make sexual advances unless you are given the mating signal.
6. Do not take that which does not belong to you unless it is a burden to the other person and he cries out to be relieved.
7. Acknowledge the power of magic if you have employed it successfully to obtain your desires. If you deny the power of magic after having called upon it with success, you will lose all you have obtained.
8. Do not complain about anything to which you need not subject yourself.
9. Do not harm little children.
10. Do not kill non-human animals unless you are attacked or for your food.
11. When walking in open territory, bother no one. If someone bothers you, ask him to stop. If he does not stop, destroy him.
____
Looks like they believe in magic... *Plays: Do you Believe in Magic?*
Well... People are free to believe what they want to believe...
Its Just very interesting...
Bakit interesting?
Dito kasi galing yan...
See?
Cool Di Ba?
Thursday, April 14, 2011
Si Poison of the Old Man at si Rescue Cat
Quickdraw Nordic Dark Plant VS. Dark Cat Deck [Daw. Sabi nya, Trip Deck nya ito at never pang natalo. PANO MATATALO E ANG DUGAS]
Kuya: *May Mystic tomato sa field* Summon Summoner monk, Rescue Cat
Ako: Illegal yan kuya..
Kuya: Ah... Ganun ba... Nettles nalang [ang inonormal summon] (sa loob ko, NETTLES?)... Synchro Goyo Guardian...
Ako: Kuya Banned na yan...
Kuya: ISANG LISTAHAN LANG NAMAN BINABANGGIT MO E. HINDI RELIABLE PAG ISA LANG... DAPAT MAY IBA KANG PINAGBABASEHAN...
Ako: Kuya, sabi din ng iba...
Kuya: E lahat naman yun sinasabi lang din nila, at hinahango lang sa isang listahan, parang bibliya, isa lang yun, ano pang ibang pansuporta mo? Wala! Sabihin mo mang salita yun ng Diyos iisa lang yun. Ano diyos nila, isa lang kayang gawing libro? MALAKAS BA SYA kung ganun?
Ako: Di ba po Quality over Quantity? (sa loob: ang bible e collection of books di ba?)
Kuya: HINDI YUN TOTOO SA LAHAT NG ORAS. Mas maganda ang madaming maninipis na wire na pinagintertwine kesa sa isang malaki at matabang wire! Sa lasalle ka nag aaral di ba?
Ako: op*interupted* (sa loob, [Trial And Error] na...)
Kuya: YUN NAMAN PALA E, MATALINO KA... Alam mo yun di ba?
Ako: opo. (sa kaloob looban: Utang na loob kuya, tumira ka nalang)
Kuya: Dapat, ang citation, may suporta pa... Para kang loko loko kung halimbawa ang asawa mo e may picture na may kasamang ibang lalaki tapos iinfer mo na nanlalaki sya... Syempre kelangan mo ng mas maraming proweba... Gaya ng Sex Video!
Ako: (sa loob, what the... i-warning ko nalang kaya yung Goyo para tumahimik to, note Life points ko e 2050 nalang, nagsolemn nung 4100 LP)
Kuya: Isa pa! Alam mo yung media? Wag ka maniniwala dun... Kontrolado lang yun ng mga mayayaman at opinyon lang nila ang ipipilit sa kokote nyo...
Ako: Kuya... sige payag na ko ng Goyo, pero *flip solemn warning*
Kuya: ok, 50 ka nalang. activate, poison of the old man...
Ako: Sh*t.... (sa loob, AKALA KO AKO LANG GUMAGAMIT NUN)..
Apparently, dayo rin si kuya, at ang base nya daw ay sa novaliches. Hindi ko nakuha yung pangalan nya. Pero Dahil sya kanya namulat ang mata ko... Na Level 4 pala si Rescue Cat....
P.S.
Kung di nyo naiintindihan, try nyo mag google... Yugioh ang nilalaro ko...
Tuesday, February 22, 2011
Death
I guess not...
Hindi maganda ang feeling na parang kausap mo lang yung tao dati tapos malalaman mo patay na pala sya...
Why be affected?
Its hard to answer that...
Life values life... Its not hard to understand that...
But I'm still confused why do people react to death of others with grief...
Well...
Maybe because you shared a strong bond....
or because you got used to the person...
One of my friends died last 2009... It was the first time i felt sad for a death of someone...
Its 2011... and this time, its my Professor who passed away...
...
I'm sad... I admit it...
...
He gave me a passing mark even though i sleep in his lectures...
He always look at me when he's doing a lecture.
And lage ko syang nakakasalubong pag sumasakay ako elevator...
... i dont know... why i'm sad.... but i know i will get over this... i just think it changed something...
I hope that he'll rest in peace...
Gaya nang sinabi ko sa kaibigan kong umiyak nung 2009... "At least alam nya kung may heaven talaga"...
_________
"People die..."
"Almost dying changes nothing. Dying changes everything."
_________
P.S. Rest in Peace Dr. Anthony Lee...
Thursday, November 11, 2010
What doesn't kill me....
Madameng kumokontra sa Quote na to...
Anong dahilan?
IKAW BA PAG NASIPA KA NG KANGAROO SA MUKHA AT NABUHAY KA MAGIGING STRONGER KA?
Well...
Ayon sa kaibigan ko, hindi daw applicable ito sa lahat ng bagay... Pwede lang daw po ito sa emotional pain...
Well, im here to prove my friend wrong (pati narin yung gimagamit ng "kangaroo kick" argument against the said quote).
_________________________
"What doesn't kill me only makes me stronger."
Assuming that having offsprings is a method of "immortality/being alive" since part of you will be passed to your descendants.
Which makes "kill" = "kill all descendants"
SO....
"What doesn't kill your descendants will only make your descendants stronger"
Where "descendants" = "you" (or at least partly living you)
Di ba?
_________________
:) Well... Its not really what Nietzsche meant (I think)... But its enough to make a point kaya ko sinabi...
Sunday, October 24, 2010
Catch-22
Kaya pagpasensyahan nyo na kung kakaiba yung pagkakasulat ko ngayon.
Nga pala... Filipino yung subject...
Eto na...
__________________________
Ano nga ba ang "Catch-22"?
Isa itong "paradox" o balin-tunay kung saan ang isang tao ay nasa isang sitwasyon kung saan kailangan nya ang isang bagay na makukuha lamang nya kung hindi sya kasama sitwasyon na iyon. Dahil dito, lumalabas na wala talagang magagawaang taong nasa sitwasyon na iyon.
Ang Catch-22 ay maaring mag mula sa interaksyon ng iba't ibang batas, alituntunin, pamamaraan at sitwasyon. Masasabi natin na mga tao rin ang gumagawa ng balin-tunay na ito. Nanggaling sa nobelang "Catch-22" ni Joseph Hellen ang pangalan nito dahil ang pinakapopular na halimbawa ng "Catch-22" ay nanggaling din sa mismong nobela.
Sa nobela, si John, isang piloto ng hukbong panghimpapawid ng USA, ay ayaw sumama sa laban. At ang tanging paraan upang hindi sya isama ay ang mapatunayan na baliw sya. Ngunit, kailangan muna nyang humingi ng permiso upang matignan sya ng doktor na sya namang magpapatunayan na baliw sya.
Pero, sapat na na dahilan ang pagkuha nya ng permiso upang masabi na hindi sya baliw. Dahil kung baliw sya, hindi na nya magagawang humingi ng permiso. Sa ayaw at sa gusto ni John, kailangan nyang sumama sa laban, baliw man sya o hindi, dahil walang paraan para hindi sya isama.
Ang buhay ay isang malaking "Catch-22", hindi nga lang ganun ka walang pag-asa katulad sa halimbwa ng hobela. Isang halimbawa ng "Catch-22" sa totoong buhay ay ang pagkuha ng trabaho. Upang makakuha ng magandang trabaho, kailangan mayroon kang magandang experience na makukuha mo lang kung nakakuha ka na ng magandang trabaho. Pero, hindi naman imposibleng kumuha ng magandang trabaho, mas mahirap nga lang kumuha ng trabaho kung sakaling ganoon.
Hindi ba napaisip ka? :)
_______________________
Yan lang yun... Kung may malabo, comment nalang kayo... :)
Wednesday, October 20, 2010
Prejudging
Pagiging Hypocrite o pagpreprejudge?
Isipin nyong mabuti.
_________
________
_______
______
_____
____
___
__
_
May pinanigan na ba kayo?
Nakagawa na ba kayo ng arguments kung bakit yun yung pinili nyo? Kung bakit mas masama yung isa sa isa?
Pero kung iisipin nyo...
Lahat tayo hypocrite!
Oo tama nabasa mo... IKAW, AKO, TAYO! HYPOCRITE TAYO!
Wag ka na magmaang-maangan...
Pero isipin nyo...
Lahat din tayo nagpreprejudge...
Wag ka na magkaila, alam kong may prejudices ka din...
1) Kung sinabi nyo "Hindi ako nagpreprejudge" o kaya nung sinabi kong nagpreprejudge tayong lahat, pinatunayan mong tama ako na hypocrite ka.
Sabi mo di ka ngapreprejudge pero alam ko, isang beses sa buhay mo umiwas ka sa isang tao dahil akala mo masamang tao sya. Alam ko minsan iniwasan mo ang isa sa mga nakakatakot mong kaklase kasi nakakatakot sya. HINDI MO SYA KILALA, WALA KANG ALAM SA KANYA PERO INISIP MO AGAD NA NAKAKATAKOT SYA. Human nature na ang mag prejudge. Kahit di pa natin alam, nagfefeeling tayo na alam na natin. Let's just accept that fact.
Hypocrite ka nga pag sinabi mo na di ka nagpreprejudge dahil nagprejudge ka kahit palupaluin mo pa ulo mo... See the paragraph above. :)
2) Aminado ka ba na nagpreprejudge ka? Pero di mo tanggap na hypocrite ka? Baka naman di ka nagpreprejudge... Delikado yan... Kasi nagiging hypocrite ka...
Syempre kung alam mong may masama kang ginagawa e di iiwasan mo di ba? E di iniiwasan mong mag prejudge(kasi masama yun) which in turn makes you hypocrite because you said that you prejudge.
____________________________
Ninonosebleed na ba kayo? :D
Malay nyo hinihilo ko lang kayo... :D
Bottomline talaga nito, di mo masasabi kung alin sa dalawa yung mas masama because everybody is guilty of the two. Di mo masasabing mas dense ang water sa ink kung magkahalo sila... :)
Yun lang yun.
P.S. If you can't amaze them with your intelligence, confuse them with your stupidity.
Sunday, October 10, 2010
Consequentialism
Fine fine... I used a Big Word again...
"Consequentialism" ano ba yun?
Ok ok ok... Explain ko...
Consequentialism = Paniniwala na "The ends justifies the means."
Yun yung pinaka simple kong explaination...
_________________________________
Ends justifies the means?
EXPLANATION:
Something bad happens to person A nung 8pm... Sabihin natin na naholdap sya... Wala na syang pera at cellphone, meron lang syang bente pesos na pamasahe pauwi at iniwan sya sa isang eskinita.
E dun sa eskinita may bag na naglalaman ng 30,000 pesos. Umuwi sya sa bahay dala dala yung 30k... E di tiba tiba sya...
Kung hindi sya naholdap (means) e di hindi sya magkakaron ng 30k (end) di ba?
Isa pa...
Nawalan ng pera si Person B... 30k! Di nya alam kung saan napunta... Dahil dun, natanggal sya sa trabaho at nakulong pa! Nung nakulong sya, naging pastor sya sa loob ng kulungan...
Isipin mo, kung hindi nya nawala yung pera at hindi sya nakulong (means) e di hindi sya naging pastor (end)...
Isa pa...
Nagulo na ba buhay mo DATI? As in yung major major problem? Bumagsak ka sa subject mo? Umulit ka ng year level? Nasaksak ka?
Isipin mo, naging masayang masaya ka ba ngayon o nung mga nakaraang araw (as in in general ha)? :) Kung hindi, malamang galit ka pa rin sa mundo... Kung oo, isipin mo, magiging ganyan ka ba kasaya ngayon kung hindi mo naranasan yung gulo noon? Gulo (means) -> Happiness (end)
__________________________________
Consequentialist thinks that the means are ok as long as the end is Good. :)
Well, most people doesn't like consequentialism.
Bakit?
Kasi, hindi porke maganda "end" e justified na yun "means" para sa kanila. Example nito ay isang maunlad na bansang may kurapsyon.
Or, hindi ganun ka ganda "end" nila kaya hindi justified yung "means". Example nito e yung mga krimen.
Isipin mo...
Di ba? :)
__________________________________
P.S. Iba po ang Machiavellian sa Consequentialism :) (Just in case na may nagiisip na Machiavellian yung "Ends Justifies the Means") Try to use google or visit the library to confirm :)
Saturday, October 2, 2010
Excommunication...
Iniisip ko... It's not really a big deal if you are not religious...
Also... It's not really a big deal kung hindi mo kelangang makipagugnayan sa mga deeply religious people...
We live in the Philippines... Its a Christian country, dominated by Roman Catholics...
The Church's decision is still powerful... Powerful = Influential ... This is because the Government needs the support of the Church because the Church has the support of MOST people... :)
Actually, this applies to any religion... Having the support of religion in your pursuit for power in the government is very very Essential in our country... Since most people are under the "control" of religion...
Democratic = Government by the People.... So you can say that those who controls the people really are the ones who control the Government... :)
Now... anong connection nito sa Excommunication..?
There was this news that a government official was threatened by the Church with excommunication...
Why? Because he was for RH Bill....
People are smarter today... Futile yung ginawa nung simbahan... :D (well at least I think it is.)
Excommunicate the guy for standing for a thing he thinks is Right :)
Useless... Unless deeply religious lahat ng mga sumoporta sa kanya nung eleksyon...
If you can be excommunicated for standing for what you believe is right (which its against the church's opinion), then....................... so? E ano ngayon kung excommunicated ka... Makakasakay ka pa rin naman sa LRT kahit excommunicated ka ha... Di ka naman mablablacklist sa mga fastfood chain kung excommunicated ka ha... Di ba? :)
My point? "Di na uso ang excommunication ngayon.". Just do what you think is right... :)
Thursday, September 30, 2010
Usapang GK sa Facebook...
Ako yung pinakahuling nagcomment...
I deleted the names kasi baka sabihin nila pinapakalat ko name nila... Haha
__________________
Alam mo bang destiny mo ang hindi maniwala sa destiny?
Friday, September 24, 2010
Intention and Evasion...
KUNG AYAW, ANO!?
Sabi ng nanay ko... "Kung gusto, may paraan. Kung ayaw, may dahilan."
Hindi naman sa nagdidisagree ako sa kanya pero parang may butas kasi yung mismong statement.
Paano kung gusto ko magkaron ng sariling planeta kung saan ako lang mag-isa ang titira?
"If there's a will, there's a way" di ba?
sa tagalog, "Kung may gulong, may daan."... (joke to, pwede kayo tumawa)
Di ba wala namang paraan para mangyari yun? (Unless biglang may mangyari na halos hindi kapanipaniwala.)
Pero kung tutuusin...
Pag nirearrange mo yung statement, mas magiging applicable na sya sa Real Life.
"Kung ayaw, may paraan. Kung gusto, may dahilan."
Di ba?
Kung iisipin mo, Pag ayaw mo di ba gagawa at gagawa ka ng paraan para makaiwas?
This includes but is not limited to "lying", "cheating", and "stealing".
Pwede ring "abstinence", "passive resistance" at kung ano ano pa!
Basta ayaw, may paraan!
Pag gusto, may dahilan.
Bakit mo ba gustong kumain ng chocolate? Dahil masarap? Dahil mapait? Dahil napapasaya ka nito?
Bakit mo gusto basahin tong sinusulat ko? Dahil nakakatuwa ako? Dahil nakakatawa ako? o Dahil pinilit kita?
Pag gusto mo ang isang bagay(o kung ano pa man), siguradong may dahilan ka!
Sinungaling ka kapag tinanong ka kung bakit mo gusto ang isang bagay at ang isinagot mo ay "Wala lang, gusto ko lang.".
May dahilan kung bakit gusto natin ang isang bagay. May intention tayo kung bakit natin ginugusto ang mga bagay bagay.
Di ba?
Isipin nyo... :)
Wednesday, July 14, 2010
Bakit pag...
Why does God get all the credits pag may mabuting nangyayari...
Pero pag masama, kasalanan ng tao?
Ex.
Drunk driver drives! Accident happen!
either:
A. Drunk driver lives, people say, "THANK GOD HE'S ALIVE!"
or
B. Drunk driver dies, people say, "He drove drunk... *shrug*"
________________________________
Well, sige other example...
Nagkaron ng plague so nagkakahawaan...
either
A. THANK GOD IM NOT INFECTED...
or
B. BAKIT MO KO HINAWAAN!?!?!?
_______________________________
I'm not smiting God...
I'm just wondering why he (or she) is the one who always gets the credit... :-s
It's just unfair to blame the people for all the bad things in the world. :)
kasi ganito... BAD things happen to you... pero kung wala yung Bad things na yun, di mo mararanasan yung GOOD things... Di ba?
So dapat din tayong magpasalamat sa gumawa ng Bad dahil without Bad you cannot understand what is GOOD.
Example
May bumato sayo ng Hollowblocks sa ulo... E di duguan ulo mo...
Ni-rush ka sa ER... sino may kasalanan kung bakit ka ni-rush sa ER?
Di ba yung bumato sayo? But no! You don't thank that person! He did a bad thing to you.
Pero sa ER, natagpuan mo ang iyong "One-and-only" (or Chuvachuchu or True love ETC ETC).
AND YOU THANK GOD BECAUSE OF THAT!
Demit... Dapat ang pasalamatan yung bumato sayo ng hollow block!
Kasi kung di ka nya binato e di dapat wala ka sa ER at hindi mo sya nakilala... DI BA?
Fine THANK GOD... But PLEASE...
Wag po nating kalimutang pasalamatan yung mga taong nakasalamuha natin kaya nangyari sa tin ang isang mabuting bagay...
We blame people for bad things but not see that they were part of the events that leads you to good events (which you thank God for).
~~, Thank people too Not Just the Guy(or Gal) Up(or any other direction) there..
Don't blame people na nakasalamuha mo na for the bad things that happened to you...
Kahit anong mangyari sayo, mabuti o masama, kasama na sila sa may pakana nun.
P.S. "Why does God always get the credit?" - Dr. House
Random Rant: IT'S SO FLUFFY, I'M GONNA DIEEEEEEE ... ITTTT'SSSSS SSSOOOOOO FLUUUUFFFEEEEHHHH
Friday, July 9, 2010
La La La
Lalo yung waving flag sa picture ng Apollo Landing...
Di din daw totoo ang Evolution...
Bakit? E di sana daw pag naglagay ka ng balyena sa disyerto mageevolve ito... ~~.
I sighed (Malaking Insulto yung Maling interpretation nya ng natural selection sa kin, B.S. Bio kasi ako.)
Tapos bakit di pa daw tayo gumawa ng tao kung ang tao e gawa lang sa mga atom? ~~
Again I sighed... (B.S. Bio , hello, life.... Ganun ba ka simple ang buhay?)
Ang Point nya... Hindi totoo ang mga bagay na hindi nakikita liban nalang kung "obvious" , to see is to believe.
Example, Nakita na na may bituka talaga. so may bituka nga...
I don't really want to argue with him because I was on "poet" mode...
Well, actually I don't want to argue with him because ayokong ipasok nya religion nya sa arguements nya... :-<
So i told him... "There are indirect evidences and thats good enough..."
The Apollo Moon Landing Hoax was just a conspiracy theory.. :)
I used to believe that it was a hoax until I watched Mythbusters.
And YEP, kung anong prinesent nya sakin na mga arguments, yun din arguments ko dati. :)
CLICK THIS TO READ
In addition ng nasa taas... Think about this...
May bato ako na galing UP... :) Pero di nya nakita na galing akong UP... so ibig bang sabihin nun di ako nakarating ng UP? :)
Ehem.... Ngayon naman... About Evolution...
Natural Selection focuses on the variation in the population and the preservation of the favoured races.
Ayon nga sa title ng book ni Darwin...
On the Origin of Species by Means of Natural Selection, or the Preservation of Favoured Races in the Struggle for Life
Hindi "me me me me!" ang evolution... Ito po ay concerned sa species population...
Example, dati may mga giraffe(X at x) na.. merong may maikling leeg(x) at merong mahaba ang leeg(X), nung nawala yung mga halaman na mabababa, nagutom yung mga maiikli yung leeg(x) at naubos sila! Kaya ang natira yung mga mahahabang leeg nalang(X)...
That how giraffes(X) came to be... Well... Tanong... Gaano ba katagal yung proseso nito? 1 answer, MAHABANG PANAHON...
Hindi kasi BIGLAAN yung pagbabago sa environment nila its Gradual, paunti unti... there are no means to adapt to the environment quickly na as in lagay mo sa lupa ang ISANG isda magkakalungs na sya... :)
Evolution works in population, not in individuals. :)
Bakit di tayo gumawa ng tao dahil gawa lang tayo sa atom di ba? Answer ko? Malay mo makarating tayo dyan :) We have an artificial Bacterial cell na...
Hindi naman porke gusto natin magagawa naman agad... 15 years bago nagawa yung artificial bacteria... :))
If you think making life is as simple as building legos... then ... why dont you try making one (double meaning to ha... Tsk tsk tsk) ? :))
:) I'm taking up genetics this term... I have extracted DNA from tissues... I never saw the DNA in my test tube (reaction tube)... Nonetheless have I have INDIRECT PROOF that its there. and Its good enough... :)
To see is to believe is not good enough , To think is to believe is. :)
P.S. By the way... If to see is to believe, uhm..... you're religious right... so.... Oh well, ika nga ng Bunny, "la la la."
Monday, February 15, 2010
Explaination Kung Bakit Ganito Daw Tayo...
1) Ginawa akong ganito ng Diyos Kaya ganito ako.
2) Kaya ako ganito e dahil ang Kulturang Kinagisnan ko e Ganito. Ganito ako dahil pinalaki ako sa Kulturang ito.
3) Kaya ako Ganito e dahil ito ang Best way to survive. Kung gusto kong makapagsurvive, dapat maging ganito ako. Kung hindi ako magiging ganito, liliit ang chance kong manatiling Buhay.
Anong kahinaan ng Bawat isa.
Yung sa 1. Required kang maniwala sa Diyos bago mo masabi yung Statement na yun. Oh sige nga. Paano pagpinalaki ka sa isang isla kung saan ang mga tao ay walang pinaniniwalaang diyos, masasabi mo pa ba kaya ito? Think.
Yung sa 2. May punto naman sya di ba? So ibig bang sabihin nun Empty Shell tayo yung pinanganak tayo? Ganun ba yon? Ibig sabihin pwede tayo maging ugaling pusa kung pusa magpapalaki sa tin? or something like that? Think.
Yung sa 3 naman. Supported by evolution yan. We are like this to be more fit for survival. :) Kaso. Ibig sabihin ba nun wala tayong Choice? sa ayaw at sa hindi Ganito tayo kasi it makes our chance of survival higher? Think.
Kung kayo pipili sa Tatlo. anong mas gusto nyo paniwalaan?
Naniniwala ako sa pangatlo, pero may extension dapat.
Humans are made to choose and no choice sila na kelangan nila magkaron ng Choice DAHIL mas napapataas nito ang chance of survival nila.
Sounds Better Di ba? :)
Friday, June 5, 2009
Help or...
Dapat kung hindi ka tutulong, tumabi ka nalang.
reasons?
1. Probability na maging burden ka.
2. Mahirap gumawa kung may nakikiepal na nagmamarunong.
3. Di ka rin naman tutulong so why bother getting in the waY?
4. Walang mangyayari kung nandyan ka nga wala ka naman natutulong.
hahaha...
Isipin mo, example
May nasagasaan na babae, pinalibutan ng mga bystanders
anong nangyari? Di nakasingit yung medics at pulis, patay.
Naitulong? natulungan mamatay yung babae hahahaha
Thats Good, but better kung tinulungan nila makasurvive yung babae.
Pano? By getting out of the way. hehehe
Isa pa?
May lalaki, ibabagsak na ng prof nya dahil sa excess absences.
Sakto natrapik sya... Late ng 1 hr... absent na sya...
Bakit? hahaha Dahil may nasagasaan na babae.
Pinalibutan ng bystanders, hahahaha wala nang naitulong, nakaperwisyo pa.
e kung tumabi nalang sila?
D b?
Saturday, May 23, 2009
Taong Hollow
Naalala ko sinabi ni Bob Ong sa Book nya na "ABNKKBSNPLAko!?!"...
May klase ng estudyante na na Hollow man...
Which is either:
1. Laging wala sa klase.
o
2. Nasa klase kaso hollow ang utak.
Hehe....
Sa totoong buhay, kapansin pansin din ang mga taong hollow ...
sila yung mga taong either:
1. Laging wala pag kailangan.
o
2. Nandyan pero parang wala ring naitutulong.
hehe
Isipin nyo... Sino kaya yung mga taong hollow..?
Wednesday, May 13, 2009
Perfectionist...
Not Perfectionist, psychologically speaking...
But Perfectionist, philosophically speaking...
The difference?
Perfectionist in psychology believes that perfection can and should be attained.
Perfectionist in philosophy doesn't believe that one can attain a perfect life or state of living.
Rather, they practices steadfast perseverance in obtaining the best possible life or state of living.
Sa tagalog, NAGSISIKAP SILA para mapabuti ang buhay nila at di sila naniniwala na magiging perfect sila at ang mga buhay nila!
Kahit palupaluin nila ulo nila....
Ayun...
Kea ko sinasabi na gusto kong maging perfectionist, philosophically speaking. ^^
Saturday, May 2, 2009
Liar Paradox
1. The next statement is true.
2. The previous statement was false.
Ok ok ok... Wag ka na mag isip ng matindi....
Alam kong duduguin ka lang...
Paradox yan kasi di mo talaga mabibigyan ng consistent truth value ang bawat statement...
Isipin mo.
Kung tama ung 1, tama yung 2, pero pag tama yung 2, mali yung 1, so mali yung 2, magiging tama ngayon ang 1... and so on...
Di Ba?
Ikaw?
Sa tingin mo mabibigyan mo ng cosistent truth value yang mga statement na yan?
Thursday, April 30, 2009
Hobson's Choice
and you are to choose if you're going to take that option or to refuse that option.
Parang ano lang sya, "take it or leave it"
Gets? Un lang...
Basta...
"take it or leave it"