Showing posts with label Trivias. Show all posts
Showing posts with label Trivias. Show all posts

Tuesday, May 31, 2011

Cyanide

Habang walang magawa... naisipan kong magbasa mabasa ng kung ano ano sa net...

Natanong ako... Sobrang nakakamatay ba talaga ang cyanide?

Well...

Sabi ng isang tao dyan (di ko maalala kung sino),

"Its the amount that makes something poisonous." (paraphrased)

about 300mcg (microgram?) ng cyanide is poisonous sa tao...

ISIPIN MO YUN....

300mcg = .0003 grams

Ang liit nun... hahahaha

...

Ngayon tatakutin ko kayo....

Alam nyo ba ang ugat ng cassava e may cyanide?

Pati na rin yung buto ng mangga, mansanas, peach at bitter almonds!

Kakain ka pa ba ng cassava keyk?

Naalala nyo yung food poisoning dati dahil sa cassava? ako hindi na e...

Kung nakakamatay talaga ng mabilis yung cyanide, e di sana tepok lahat ng kumain ng cassava keyk...

O baka sadyang masiba lang ang mga kumain nun kaya na food poison...

Maliit lang naman kasi yung cyanide content ng cassava e.. (tulad ng iba pang buto na sinabi ko...)

baka kulang pa sa 300mcg yung nakain nung mga nalason... haha

Eniweys...

Mahabang panahon din da ang lumipas bago nalaman kung anong lasa ng cyanide...

Nalaman lang nila kamakailan lang (2006 ata) na ang lasa nito ay....

Opps.... Bitin?

Eto ang lasa ayon sa lalaking nagpakamatay gamit ang cyanide (potassium cyanide)

‘‘Doctors, (this is) potassium cyanide. I have tasted it. It comes through slowly at the beginning, and then it burns, the whole tongue burns and feels hard. The taste is very acrid...I had read in some novel about killing a man discreetly with cyanide. It was smeared on the pages of a book that he was reading, and when he touched his tongue with his finger to turn the book’s pages, he died and no one suspected... I am now convinced how easily someone can kill another using this...’’


Ayos ba...

Cyanide cyanide...

Nakakalason nga talaga...

P.S. Acrid = irritatingly sharp and harsh or unpleasantly pungent in taste or odour (google mo!)

P.P.S. Haha alam nyo ba na hindi buto ang tawag sa buto ng mga halaman? Ang tawag sa kanila e "Liso".

Wednesday, May 11, 2011

Anong Sagot Dito?

Napansin kong mainit sa internet ang debate tungkol sa sagot sa problemang ito

6/2(1+2) = ?

Ehem....

Sabi ng iba... "9" yung iba... "1"

Pano ba nila nasabi yun? at sino sa kanila ang tama?

Ipapaliwanag ko...

Sa side ng "9"

? =

? = (6/2)(1+2)

? = (3)(3)

? = 9

O kaya

? = 6/2(1+2)

? = 6/2(3)

? = 3(3)

? = 9

Anong masasabi nyo?

Sabi ni Google? Click nyo to CLICK HERE

Ganyan daw...

So 9 nga ba talaga?

Tignan natin sa side ng "1"

? = 6/2(1+2)

? = 6/2(3)

? = 6/6

? = 1

Kita nyo pinagkaiba? Tama naman di ba?

E bakit sila nagkatalo?

Ipapaliwanag ko ng maigi... Pero Meron munang story...

*Nostalgic Music*

Noong grade 4-5 (o 5-6?) ako... Tinuro sa amin ito ng guro namin sa Math... (di ko matandaan basta tinuro to sa klase)...

Katulad ng internet, nahati ang klase namin dahil dalawa ang sagot sa equation na pinasosolb ng teacher...

Dito nya itinuro ang

*Drum Roll*

PEMDAS... Pwede magkabaliktad yung M at D... Atsaka A at S...

Parenthesis Exponent Multiplication Division Addition Subtraction

Anong connection nito sa debate?

Gamit ang PEMDAS... Madali nating Masosolve nang TAMA ang equation...

Sige...

P - Parenthesis. Kelangang tanggalin muna ang Parenthesis sa equation so kelangan mo isolve ito.

? = 6/2(1+2)

? = 6/2(3)

Titigil na ba kayo?

SYEMPRE HINDI!

NANDYAN PA YUNG PARENTHESIS. KELANGANG MATANGGAL MUNA YUN....

Dito nagkakatalo ang "9" at "1"

Bakit sabi ni Google "9"? Kasi grinupo ni Google ang mga numero...

Hindi nya icoconsider na left to right ang equation. Dahil dito, inisip nya na isang term lang 6/2 at hiwalay ang (1+2).

Pero ang tamang grouping ng numero e (6) / (2(1+3))

Bakit kamo? Kasi Kelangan alisin muna yung parenthesis...

Parang ganito

? = 6/2(3)

? = 6 /6

E - Exponent. Walang Exponent so skip

M or D - Multiplication or Division. Kahit sino pwede mauna at mahuli

so

? = 6/6 = 1

? = 1

KITA?

"1" ang sagot sa problem... Hindi "9"...

Kaya tatandaan... PEMDAS

Gets nyo ba?

Saturday, April 23, 2011

Time travel

Oh shocks....

Posible ba to?

Yung din tinatanong ko sa mga experto.

Syempre di pa raw nila masasagot "so far"

Ako naman, magpoposing tulad ni undertaker for 5 secs, tapos ipagmamalaki "I just went 5 secs in to the future"

We dont know how to time travel yet, but they have a lot of ideas how we "could"...

1) FTL (Faster-than-light travel) - Ibig sabihin e sasakay tayo sa sasakyang mas mabilis ang takbo kesa sa liwanag.

Ang principle? Uunahan natin yung information bago ito mapercieve.

Ang kaadikan sa method na ito ay
a) Light is the fastest thing in the universe (so far)
b) We have no means of travelling in the speed of light, let alone FASTER than light.

2)Wormhole - Ibig sabihin, dadaan tayo sa butas na gawa ng mga uod............ Joke.... Ibig sabihin, kelangan nating dumaan sa isang wormhole para makarating from point A to Point B faster than going to Point A to Point B without entering a wormhole... Naintindihan?

Papasimplehin ko, Kelangan nating maunahan yung information bago ito makarating sa isa pang point, parang FTL lang. Kung mauunahan natin kasi ang takbo ng information, makakarating tayo sa point kung saan di pa nagaganap yung information.

Example, Nakabasag ka ng Tasa. Pag pumasok ka sa wormhole mauunahan mo yung information na nabasag yung tasa so in turn, makakarating ka sa time na hindi pa basag yung tasa kasi naunahan mo yung information na basag na sya.

Parehas lang ng principle ang FTL at Wormholes

Magulo? Isipin mo nalang na Wala akong sinabi,

3) UNIVERSE JUMPING! - TATALON TAYO FROM UNIVERSE TO UNIVERSE.
HOW? WE DONT KNOW..

Ano ang priciple sa likod nito...

Everytime you make a move, may nabubuong ibang universe...

Gets?

Example, Coffee or Milk tapos Milk Pinili mo. Sa ibang universe Coffee Pinili mo. (Simple lang to for information sake)

ngayon, sabihin nating sa universe na to kung saan pinili mo e milk, namatayan ka ng aso, kasi yung gatas mo ay ininom mo tapos *put seemingly odd but plausible scenario that leads to the death of your dog*. Kaya ayun, gusto mo iligtas aso mo from death kaya babalik ka sa past.

Pwede kang pumunta sa universe kung pipili ka palang kung at Coffee ang piliin mo. :D

Ang problema, dalawa na kayo dun, ikaw na nag time travel papunta sa universe na yun at ikaw na nagexist na sa universe na yun.

-ang susunod na mababasa ay bawal sa mga walang dark humor-
(Pero mareremedyuhan yun kung pupunta ka sa universe kung san namatay ung isang ikaw a little while before making the decision, kelangan mo nga lang itago yung bangkay)
-end of dark humor-

Wala na ko madagdag... Tinatamad na ko... Isip nalang kayo ng paraan para makapag time travel...

O kaya gayahin nyo nalang ako

*Pogi pose for 5 secs*

Just Went 5 secs into the future again. ;)

Thursday, April 14, 2011

Si Poison of the Old Man at si Rescue Cat

Habang Nakikipag Duel (Mga Ilang Araw pagkatapos ilabas ang Bagong Banlist) :

Quickdraw Nordic Dark Plant VS. Dark Cat Deck [Daw. Sabi nya, Trip Deck nya ito at never pang natalo. PANO MATATALO E ANG DUGAS]

Kuya: *May Mystic tomato sa field* Summon Summoner monk, Rescue Cat

Ako: Illegal yan kuya..

Kuya: Ah... Ganun ba... Nettles nalang [ang inonormal summon] (sa loob ko, NETTLES?)... Synchro Goyo Guardian...

Ako: Kuya Banned na yan...

Kuya: ISANG LISTAHAN LANG NAMAN BINABANGGIT MO E. HINDI RELIABLE PAG ISA LANG... DAPAT MAY IBA KANG PINAGBABASEHAN...

Ako: Kuya, sabi din ng iba...

Kuya: E lahat naman yun sinasabi lang din nila, at hinahango lang sa isang listahan, parang bibliya, isa lang yun, ano pang ibang pansuporta mo? Wala! Sabihin mo mang salita yun ng Diyos iisa lang yun. Ano diyos nila, isa lang kayang gawing libro? MALAKAS BA SYA kung ganun?

Ako: Di ba po Quality over Quantity? (sa loob: ang bible e collection of books di ba?)

Kuya: HINDI YUN TOTOO SA LAHAT NG ORAS. Mas maganda ang madaming maninipis na wire na pinagintertwine kesa sa isang malaki at matabang wire! Sa lasalle ka nag aaral di ba?

Ako: op*interupted* (sa loob, [Trial And Error] na...)

Kuya: YUN NAMAN PALA E, MATALINO KA... Alam mo yun di ba?

Ako: opo. (sa kaloob looban: Utang na loob kuya, tumira ka nalang)

Kuya: Dapat, ang citation, may suporta pa... Para kang loko loko kung halimbawa ang asawa mo e may picture na may kasamang ibang lalaki tapos iinfer mo na nanlalaki sya... Syempre kelangan mo ng mas maraming proweba... Gaya ng Sex Video!

Ako: (sa loob, what the... i-warning ko nalang kaya yung Goyo para tumahimik to, note Life points ko e 2050 nalang, nagsolemn nung 4100 LP)

Kuya: Isa pa! Alam mo yung media? Wag ka maniniwala dun... Kontrolado lang yun ng mga mayayaman at opinyon lang nila ang ipipilit sa kokote nyo...

Ako: Kuya... sige payag na ko ng Goyo, pero *flip solemn warning*

Kuya: ok, 50 ka nalang. activate, poison of the old man...

Ako: Sh*t.... (sa loob, AKALA KO AKO LANG GUMAGAMIT NUN)..

Apparently, dayo rin si kuya, at ang base nya daw ay sa novaliches. Hindi ko nakuha yung pangalan nya. Pero Dahil sya kanya namulat ang mata ko... Na Level 4 pala si Rescue Cat....


P.S.

Kung di nyo naiintindihan, try nyo mag google... Yugioh ang nilalaro ko...

Sunday, April 10, 2011

Nagtataka lang ako...

Lagi akong tumatawid ng overpass tuwing gabi....

Syempre madilim kasi walang bubong yung overpass at wala ding ilaw doon...

Kaya kitang kita mo yung mga ilaw sa baba (yung mga nasa poste)...

Lahat sila halos (yes, halos). E kulay Orange...

Nagtataka ako...

Bakit Orange at hindi Puti ang ilaw sa kalsada?

Syempre ako naman ay nag riserts (research)...

Mukhang may magandang rason naman sa likod nito...

Yung bumbilya kasi na ginagamit e yung pinakaefficient.. AKA Low Pressure Sodium Lamps

Ang drawback nga lang e lahat e kulay orange....

Pero kung tutuusin, mas madali makikita yung mga ilaw ng sasakyan kahit may ilaw...

Pag masyadong maliwanag mas mahirap mapansin yung ilaw ng sasakyan e... :D

Ayos di ba? two birds with one stone...

Kayo ba... Napansin nyo yun?

Tuesday, August 3, 2010

Brazil Nut Effect...

Naalala ko yung time na binigyan ako ng kaklase ko ng Macadamia Nuts...

Pag ninaalog ko yung lalagyan, nag ririse yung mga mas malalaking nuts...

Pinagisipan ko, paano yun nangyayari...

Well... Nagtitimpla ako ng gatas nung naalala ko nung nag sasalin ng asukal yung nanay ko sa lalagyan...

Inaalog nya yung lalagyan tapos biglang bumababa yung level nung asukal....

Tinanong ko dati bakit ganun, ang sagot napupunta sa ilalim yung mas maliliit na asukal :)

Ganun din sa Nuts... Malalaglag yun maliliit na nuts tapos mag ririse yung malalaki (dahil nasa ibabaw na sila nung maliliit)...

I searched for the Fancy term dun sa phenomenon na yun at nalaman ko na yun pala ang tinatawag na...

Tenent!

Brazil Nut Effect. :)

Apparently, dati pa pala nila iniisip kung paano yun nangyayari.

Now you know... (or at least Now you know the Fancy term for it)

Cool No? :D

P.S. Sino kang Jejemon ka? Wala lang, nakakatuwa ka... Haha

Friday, July 30, 2010

Torta...

Ano ba ang Omelet?

Di ba torta din yun?

Nagtataka kasi ako, sabi kasi sa commercial

"Pwede prito(???) , pwede ring scrambled. pwede ring torta at omelet." (Paraphrased kasi baka sabihing nag aadvertise ako)

Nanotice ko lang... Napaisip tuloy ako kung anong pinagkaiba ng torta sa omelette.

Haha... Ayon sa naresearch ko (wikipedia), ang torta at ang omelet ay iisa lang.

May mga nagsabi din sakin na magkaiba yun.

Pero ayon sa pagkakadescribe nila ng paraan ng pagluluto ng omelet, masasabi ko ring iisa lang sila.

Parang allergy at galis lang yan e.

Pag mahirap galis, pag mayaman, allergy.

Ganun din ata sa Omelet haha... <-- feeling mayaman

Di ba? :D

Saturday, July 24, 2010

Ang Huling El Bimbo...

DUDE ANG COOOOOOOOLLLLL

After listening to "Ang Huling El Bimbo" again after a month, nasagot ko din yung matagal nang bumabagabag sa kin na tanong.

"Paano ka masasagasaan sa isang madilim na eskinita?"

Well, parang Epiphany lang sya. Nag poof lang yung sagot sa utak ko. (Feeling Dr. House)

Kung titignan mo kasi yung kanta ng maigi, may pagkadouble meaning.

Well nung bata pa sila, maganda si babae (kamukha daw si Paraluman) at magaling sumayaw,

Tapos lage syang tinuturuan pagkagaling sa school. Take note, Yung babae yung nagtuturo , so hindi natin pwedeng sabihin na bata sila as in bata but TEENAGERS! :D (HMMM)

Moving on...

And then the boy developed feelings for the girl. :D <- According to the chorus.

Then "Naninigas ang aking........... KATAWAN!" <--- Hmmm Sounds Fishy

"Pag umikot na ang plaka." <- Pag nagsimula na sila "sumayaw"

"Patay sa kembot ng bewang mo" <- KEMBOT NG BEWANG + TINUTURUAN = ???? . Di marunong kaya tinuturuan! Haha

"At pungay ng yong mga mata." <- Tuwing kelan pumupungay ang mata ng mga babae? :D

"Lumiliwanag ang buhay habang tayo'y magkaakbay" <- Magkaakbay scenes after ng "pagtuturo"

"At dahan dahang.... 'dumudulas' .... ang kamay ko, sa makinis mong braso." <- Yung pagkakanta malalaman mong may gusto syang sabihin na iba e. :)

"Sana noon pa man ay sinabi na sa iyo. Kahit hindi na uso ay ito lang ang alam ko." <- May alam na si Lalaki pero di na uso... Anong hindi na uso na alam nya? (kung di nyo to gets *shrug*)

Ulit uli yung chorus as "La la la" <- Fast forwarddddd :D

"Lumipas ang maraming taon, di na tayo nagkita, balita ko'y may anak ka na ngunit walang asawa." <- Ibig sabihin nabuntis si babae at di na sila nagkita. :D Obvious? Yes. :D

"Tagahugas ka 'RAW', ng pinggan sa may ermitaaahhhh." <- TAGAHUGAS RAW!!! RAW!!! Ermita yun, tagahugas nga ba sya talaga ? o iba ang ginagawa nya? :D Remember, MAGANDA sya :) I connect mo pa sa may anak ngunit walang asawa! :D

"At isang gabi'y nasagasaan, sa isang madilim na eskinata ahhhhhhhhhh!" <--- Hindi nasagasaan yung babae, more of "nasagasaan" nadisgrasya. Baka nahold-up sya then was killed or raped then killed. Ermita yun!

"Lahat ng pangarap ko’y bigla lang natunaw. Sa panaginip na lang pala kita maisasayaw." <-- Kahit anong meaning nito, the statement itself is sad. :(

Thats the (hidden) meaning of the song. :) Hope napaisip kayo. :)

P.S.
Well, may sabi sabi akong narinig na pinagaaralan sa Ateneo ang mga gawa ni ELY BUENDIA!!! (Well sa subject na Poetry malabo yung explanation e basta naiinggit ako <--- Eheads Fan)

Monday, July 12, 2010

Why Guys Like Girls

Here are a few reasons why guys like girls:

1. They will always smell good even if its just shampoo

2. The way their heads always find the right spot on our shoulder

3. How cute they look when they sleep

4. The ease in which they fit into our arms


5. The way they kiss you and all of a sudden everything is right in the world

6. How cute they are when they eat

7. The way they take hours to get dressed but in the end it makes it all worth while

8. Because they are always warm even when its minus 30 outside

9. The way they look good no matter what they wear

10. The way they fish for compliments even though you both know that you think she's the most beautiful thing on this earth

11. How cute they are when they argue

12. The way her hand always finds yours

13. The way they smile

14. The way you feel when you see their name on the call ID after you just had a big fight

15. The way she says "lets not fight anymore" even though you know that an hour later....

16. The way they kiss when you do something nice for them

17. The way they kiss you when you say "I love you"

18. Actually ... just the way they kiss you...

19. The way they fall into your arms when they cry

20. Then the way they apologize for crying over something that silly

21. The way they hit you and expect it to hurt

22. Then the way they apologize when it does hurt. (even though we don't admit it)!

23. The way they say "I miss you"

24. The way you miss them

25. The way their tears make you want to change the world so that it doesn't hurt her anymore..... Yet regardless if you love them, hate them, wish they would die or know that you would die without them ... it matters not. Because once in your life,

whatever they were to the world they become everything to you.

When you look them in the eyes, traveling to the depths of their souls and you say a million things without trace of a sound, you know that your own life is inevitable consumed within the rhythmic beatings of her very heart. We love them for a million reasons, No paper would do it justice.

It is a thing not of the mind but of the heart. A feeling. Only felt.


Sana maari itong maging gabay sa mga babae. at hindi mag taka . :)

Sunday, July 11, 2010

Sa likod...

Sa likod ng mga kasinungalingan, ay doble ng katotohanan

Sa likod ng malamig na gabi, may mainit na yakap ang hahalik sa katawan mo.

Sa likod ng masasayang araw, ay may malungkot na araw na susunod.

Sa likod ng babaeng nakahubad, may pusong nagmamahal ng parang isang ina.

Sa likod ng nakangiting labi, ay may mga bulok na ngipin na laging gumagambala sa iyo.

Sa likod ng mga yosi ,ay may mga nikotina na unti-unting pumapatay sa iyo

Sa likod ng Magandang mukha ng babae,ay may masamang ugali ang napapaloob dito.

Sa likod ng masasayang tawa,ay may malungkot na tao na naiinggit sa iyo.

Sa likod ng tahimik mong buhay, may taong gagambala sa iyo pagdating mo sa buhay nila.

Sa likod ng hangin mong hinihinga, may components yan na utot,atbp(di mo lang alam)

Sa likod ng mga junk foods , may nutrisyon facts na sinungaling.

Sa likod ng relo, may maliit na motor na pinapaandar ng baterya.

Sa likod ng mga ulap, may diyos na di mo nakikita

Sa likod ng tae, may bulateng gumagapang gapang na di mo nakikita.

Sa likod mo, may taong gustong gusto ka na di mo nakikita.

Sa likod ng mga sikretong sinabi sa iyo, may 90% doon , di mo na naalala.

Sa likod ng taong mahal mo, ay may taong mas nagmamahal sa kanya.

Sa likod masasayang alaala, may malungkot na trahedya. :c

Sunday, February 14, 2010

Things na Probably Di Nyo Alam...

Ang mga Gagamba ay hindi Insekto.

Ang mga Kabute ay hindi Halaman.

Hindi lahat ng bacteria ay Bacteria.

Magkaiba ang Antiseptic, Disinfectant at Sanitizer.

Hindi lahat ng E. coli magkakaparehas, pero E. coli sila.

Ang Sponges ay Hayop.

Hindi porke resistant ang bacteria sa antibiotics ibig sabihin di na sila tinatablan nito.

Kung alam nyo yung Mitosis at Meiosis, Walang Mitosis at Meiosis ang mga Bacteria.

Hayop ang Tao.

Di porke Pangit ka, Di mo maabot ang Dream Girl mo. :D

Kung Walang Evil, Boring ang Mundo.

Malapit na Matapos Ang Physics.

Naghihingalo na ang Philosophy dahil wala na silang bagong maisip.

Bunnies are cute and EVIL.

Di lahat ng Doctor e Physician pero lahat ng Physician ay Doctor.

Mas malaki ang chansang Lumubog ang isang barko kea bumagsak ang isang Eroplano.

Di lahat ng Totoo totoo pero lahat ng Kasinungalingan ay Kasinungalingan. Kung di mo Gets, ako rin.

Di lahat ng Bawal masarap dahil simula ngayon bawal na kumain ng Ampalaya. :)

Hindi totoo ang nasa Taas nito.

Hindi lilindol pag tumalon lahat ng tao sa China. Ang payat kaya ng mga tao dun.

May Bigote ang mga Dolphins

Walruses have the second largest penis.


AT HIGIT SA LAHAT


Nag sasayang ka lang ng Oras sa pagbabasa ng Gawa ko.