Sunday, December 5, 2010

Mga Taga-salo

...

"Pramis babalikan kita."
"Sige, sabi mo yan ha."

___________________

Lasing ako sa kape... At natatanga ako sa dami ng mangyayari sa linggong ito...

Wala lang. Wala tong kuneksyon sa post ko.

Ehem... Balik sa post...

___________________

Medyo napaisip ako sa sinabi ng kaibigan ako tungkol sa mga "back-up" AKA "taga-salo".

Tipong naka-kontrata na sila...

Yung mga "Pag wala na kong mahanap na mas ok sayo bago *gives date*, tayo nalang (porebereneber)"...

O kaya "Pag di pa ko kasal pag *gives age* na (tayo/ako/ikaw), tayo nalang magpakasal."

Maraming variation yang kontrata na yan e...

Yung iba naman... "Sige, tayo pero bahala ka gawin gusto mo. Basta tayo at sa 'kin ka lang dulo."

o kaya "Mahal kita, mahal mo ko, pero tsaka nalang maging tayo pag *gives condition/date*."

Pwede ding "We're young. I want to experience life as much as possible ng walang tali. Don't worry i love you. We'll be together someday."

_____________________

I pity and admire those people who agreed to these kind of contracts...

Luge sila kung tutuusin e... (Hindi lugi ang nagpresinta ng contract dahil magprepresinta ba sila kung luge sila?)

Pity kasi tanga sila... Kayang kaya silang lamangan... Malaki ang chance na talo sila sa dulo... Na naghihintay lang sila sa wala...

Admire kasi matapang sila... Para kasi silang naglalaro ng russian roulette... May assurance na 5 sa 6 na chamber ang walang bala (contract)... Pero hindi sigurado na hindi sila ang talo sa dulo(breach of contract)...

__________________

Kayo ba? Papayag ba kayo sa mga ganyang kontrata?

Hirap d ba?

3 comments:

Anonymous said...

it's better na wag ka nalang pumasok sa ganyang contract,co'z madalas na di naman yan natutupad...kumbaga eh promise that can be broken..

Anonymous said...

npakaganda!!xna mbsa mo ang munti kong komento..^_^

Anonymous said...

i liked your point of view about this matter pero sna inaapply mo yan sa reality. :) you know to yourself na ikaw mismo gumagawa ka ng ganyang KONTRATA . :))

Post a Comment