Monday, October 25, 2010

Be The Best Of Whatever You Are

Be The Best Of Whatever You Are


If you can't be a pine on the top of a hill
Be a scrub in the valley, but be the best little scrub on the side of the hill
Be a bush if you can't be a tree,
If you can't be a bush be a bit of the grass
And some highway happier make.
If you can't be a muskie, then just be a bass,
But the liveliest bass in the lake.
We can't all be captains, we've got to be crew,
There's something for all of us here.
There's big work to do and there's lesser work, too,
And the thing we must do is the near
If you can't be a highway, then just be a trail.
If you can't be the sun, be a star.
It isn't by size that you win or you fail.
Be the best of whatever you are.


Douglas Maloch

Oh Bakit....

Napapaisip ako...

Sino ba ang may gusto na maging simpleng trabahador?

Karamihan sa tin, gusto ng mataas na posisyon.

"Magagandang" trabaho...

Pero hindi lahat nakaka kuha nun...

May mga nananatiling nasa baba...

Hindi ko alam kung bakit pero napaisip ako sa isang kwentong nabasa ko...

Tungkol ito sa buhay (at pagkamatay) ng isang simpleng trabahador...

Walang nakapansin sa kanya noong namatay sya....

Exaggeration na ata yung nasa story (wala syang pamilya o kaibigan)... pero kung iisipin...

Madameng tulad nya....

Simpleng trabahador...

Madaling palitan... Mababa ang sweldo... Pero dahil sa mga tulad nya... Gumagana ang society...

Kung walang basurero... Walang bustboy... Walang nagbabantay ng computer shop... Walang taong may "mababang" trabaho... ano sa tingin mo ang buhay natin?

________

Kung alam nyo yung poem na "Be the best of whatever you are" ni Douglas Maloch... Parang pampalubag loob to sa mga hindi pinalad na mapunta sa tuktok...

Kung gagawing blunt (and mean) yung poem, ang lalabas ay "Kung di ka pwede maging ganun, ganyan ka nalang. Di naman pwedeng lahat ganun e kaya galingan mo nalang dyan sa ginagagawa mo."

Sabi nga ni Martin Luther King Jr. :

"If a man is called to be a street sweeper, he should sweep streets even as Michelangelo painted, or Beethoven composed music, or Shakespeare wrote poetry. He should sweep streets so well that all the hosts of heaven and earth will pause to say, here lived a great street sweeper who did his job well."

Well... We strive to be on top... Pero minsan hindi talaga pwede...

Kung san tayo mapunta... Galingan nalang natin... :)

________________

P.S. BASTA MAGIGING KATULAD PA RIN AKO NI HOUSE

Sunday, October 24, 2010

Catch-22

Ginawa ko to para sa isa kong subject.

Kaya pagpasensyahan nyo na kung kakaiba yung pagkakasulat ko ngayon.

Nga pala... Filipino yung subject...

Eto na...

__________________________

Ano nga ba ang "Catch-22"?


Isa itong "paradox" o balin-tunay kung saan ang isang tao ay nasa isang sitwasyon kung saan kailangan nya ang isang bagay na makukuha lamang nya kung hindi sya kasama sitwasyon na iyon. Dahil dito, lumalabas na wala talagang magagawaang taong nasa sitwasyon na iyon.


Ang Catch-22 ay maaring mag mula sa interaksyon ng iba't ibang batas, alituntunin, pamamaraan at sitwasyon. Masasabi natin na mga tao rin ang gumagawa ng balin-tunay na ito. Nanggaling sa nobelang "Catch-22" ni Joseph Hellen ang pangalan nito dahil ang pinakapopular na halimbawa ng "Catch-22" ay nanggaling din sa mismong nobela.


Sa nobela, si John, isang piloto ng hukbong panghimpapawid ng USA, ay ayaw sumama sa laban. At ang tanging paraan upang hindi sya isama ay ang mapatunayan na baliw sya. Ngunit, kailangan muna nyang humingi ng permiso upang matignan sya ng doktor na sya namang magpapatunayan na baliw sya.


Pero, sapat na na dahilan ang pagkuha nya ng permiso upang masabi na hindi sya baliw. Dahil kung baliw sya, hindi na nya magagawang humingi ng permiso. Sa ayaw at sa gusto ni John, kailangan nyang sumama sa laban, baliw man sya o hindi, dahil walang paraan para hindi sya isama.


Ang buhay ay isang malaking "Catch-22", hindi nga lang ganun ka walang pag-asa katulad sa halimbwa ng hobela. Isang halimbawa ng "Catch-22" sa totoong buhay ay ang pagkuha ng trabaho. Upang makakuha ng magandang trabaho, kailangan mayroon kang magandang experience na makukuha mo lang kung nakakuha ka na ng magandang trabaho. Pero, hindi naman imposibleng kumuha ng magandang trabaho, mas mahirap nga lang kumuha ng trabaho kung sakaling ganoon.


Hindi ba napaisip ka? :)

_______________________


Yan lang yun... Kung may malabo, comment nalang kayo... :)

Wednesday, October 20, 2010

Prejudging

Ano ba ang mas masama?

Pagiging Hypocrite o pagpreprejudge?

Isipin nyong mabuti.

_________
________
_______
______
_____
____
___
__
_


May pinanigan na ba kayo?

Nakagawa na ba kayo ng arguments kung bakit yun yung pinili nyo? Kung bakit mas masama yung isa sa isa?

Pero kung iisipin nyo...

Lahat tayo hypocrite!

Oo tama nabasa mo... IKAW, AKO, TAYO! HYPOCRITE TAYO!

Wag ka na magmaang-maangan...

Pero isipin nyo...

Lahat din tayo nagpreprejudge...

Wag ka na magkaila, alam kong may prejudices ka din...

1) Kung sinabi nyo "Hindi ako nagpreprejudge" o kaya nung sinabi kong nagpreprejudge tayong lahat, pinatunayan mong tama ako na hypocrite ka.

Sabi mo di ka ngapreprejudge pero alam ko, isang beses sa buhay mo umiwas ka sa isang tao dahil akala mo masamang tao sya. Alam ko minsan iniwasan mo ang isa sa mga nakakatakot mong kaklase kasi nakakatakot sya. HINDI MO SYA KILALA, WALA KANG ALAM SA KANYA PERO INISIP MO AGAD NA NAKAKATAKOT SYA. Human nature na ang mag prejudge. Kahit di pa natin alam, nagfefeeling tayo na alam na natin. Let's just accept that fact.

Hypocrite ka nga pag sinabi mo na di ka nagpreprejudge dahil nagprejudge ka kahit palupaluin mo pa ulo mo... See the paragraph above. :)

2) Aminado ka ba na nagpreprejudge ka? Pero di mo tanggap na hypocrite ka? Baka naman di ka nagpreprejudge... Delikado yan... Kasi nagiging hypocrite ka...

Syempre kung alam mong may masama kang ginagawa e di iiwasan mo di ba? E di iniiwasan mong mag prejudge(kasi masama yun) which in turn makes you hypocrite because you said that you prejudge.

____________________________

Ninonosebleed na ba kayo? :D

Malay nyo hinihilo ko lang kayo... :D

Bottomline talaga nito, di mo masasabi kung alin sa dalawa yung mas masama because everybody is guilty of the two. Di mo masasabing mas dense ang water sa ink kung magkahalo sila... :)

Yun lang yun.

P.S. If you can't amaze them with your intelligence, confuse them with your stupidity.

Tuesday, October 19, 2010

Halo-Halo

Ayon sa batas, maaring ituring na pinoy ang isang tao kung ang magulan nya ay pilipino, ipinanganak sya sa pilipinas, o isa syang "naturalized citizen". Pero kung tutuusin, sa papel ka lang pinoy pag ganoon. Paano ba maging isang pinoy? At sino ba ang mga tunay na pinoy?

Ang Pilipinas ay parang halo-halo. Iba-iba ang nakapaloob sa mismong bansa. Iba't ibang tao na may iba't ibang kulturang kinagisnan ang mga naninirahan dito. Pero tulad ng mga sahog ng halo-halo, may kakaibang harmonya ang kanilang pagsasama-sama. Kung sino man ang sahog ng halo-halong ito ay isang pinoy. Mga tunay na pinoy lang ang pwedeng makapag-pasarap sa halo-halo.

Madali maging pinoy. Ang kailangan lang ay tamang pakikihalo sa halo-halo at maging parte nito. Kung hindi nyo maintindihan ang sinasabi ko --- Isa kang pinoy kung kaya mong maging isa sa kanila, may pagmamahal sa bayan. Anong kuneksyon ng "pagmamahal sa bayan"? Ito ang gatas ng halo-halo. Ito ang dahilan kung bakit nagsasama ang mga sangkap ng halo-halo. Sasarap ba ang halo halo kung hindi bumabagay ang sahog nito sa gatas?

Kung tutuusin, sa wika din ang punta ng usaping "pagmamahal sa bayan" dahil wika ang salamin ng bansa. Ito rin ang nagbubuklod-buklod ng bansa. Upang maging pinoy, kailangan mo lang malaman at gamitin ito. Hindi ka pinoy kung hindi mo naman ginagamit ang wika. Para kang kumain ng halo-halo na walang gatas. May halo-halo ka nga, wala naman yung tunay na mahalaga: yung gatas na s'yang dahilan kung bakit nagiging halo-halo ang halo-halo.

Sunday, October 10, 2010

Consequentialism

"Consequentialism"

Fine fine... I used a Big Word again...

"Consequentialism" ano ba yun?

Ok ok ok... Explain ko...

Consequentialism = Paniniwala na "The ends justifies the means."

Yun yung pinaka simple kong explaination...
_________________________________

Ends justifies the means?

EXPLANATION:

Something bad happens to person A nung 8pm... Sabihin natin na naholdap sya... Wala na syang pera at cellphone, meron lang syang bente pesos na pamasahe pauwi at iniwan sya sa isang eskinita.

E dun sa eskinita may bag na naglalaman ng 30,000 pesos. Umuwi sya sa bahay dala dala yung 30k... E di tiba tiba sya...

Kung hindi sya naholdap (means) e di hindi sya magkakaron ng 30k (end) di ba?

Isa pa...

Nawalan ng pera si Person B... 30k! Di nya alam kung saan napunta... Dahil dun, natanggal sya sa trabaho at nakulong pa! Nung nakulong sya, naging pastor sya sa loob ng kulungan...

Isipin mo, kung hindi nya nawala yung pera at hindi sya nakulong (means) e di hindi sya naging pastor (end)...

Isa pa...

Nagulo na ba buhay mo DATI? As in yung major major problem? Bumagsak ka sa subject mo? Umulit ka ng year level? Nasaksak ka?

Isipin mo, naging masayang masaya ka ba ngayon o nung mga nakaraang araw (as in in general ha)? :) Kung hindi, malamang galit ka pa rin sa mundo... Kung oo, isipin mo, magiging ganyan ka ba kasaya ngayon kung hindi mo naranasan yung gulo noon? Gulo (means) -> Happiness (end)

__________________________________
Consequentialist thinks that the means are ok as long as the end is Good. :)

Well, most people doesn't like consequentialism.

Bakit?

Kasi, hindi porke maganda "end" e justified na yun "means" para sa kanila. Example nito ay isang maunlad na bansang may kurapsyon.

Or, hindi ganun ka ganda "end" nila kaya hindi justified yung "means". Example nito e yung mga krimen.

Isipin mo...

Di ba? :)

__________________________________

P.S. Iba po ang Machiavellian sa Consequentialism :) (Just in case na may nagiisip na Machiavellian yung "Ends Justifies the Means") Try to use google or visit the library to confirm :)

Thursday, October 7, 2010

Pagmamahal~

"Pagmamahal"
MahirapPaniwalaan

Isang patulirong tanong ang sinabi ng isang batang lalaki sa kanyang kalaro, kitang kita sa mukha ng bata ang pagkadismaya ng hindi masagot ng kanyang kalaro ang kanyang tanong. Hindi pa nakuntento ang bata. Patuloy ng natigil ang paglalaro nito hangga't hindi ito nagkaroon ng sipag sa paglalaro at bigla na lamang umuwi.


Hindi maalis sa isip ng batang lalaki ang katanungan iyon, na alam niya namang hindi masasagot agad agad ng mga taong nakapaligid sa kanya dahil sa kanyang
edad."Inay, Alam nyo ho ba ung pagmamahal? Ano ho ba iyon?" tanong ng bata. Hindi nagsalita ang kanyang inay, Kung hindi, ngumiti lang ito sa batang lalaki."Itay, Alam nyo ho ba kung anu ung pagmamahal? Ano ho ba iyon?" Muling tanong ng nagtatakang bata. Ngunit hindi rin ito sumagot at patuloy na nalungkot ang bata.

Tumungo ang bata sa labas at naghanap ng makakasama, Nakita niya ang kanyang matalik na kaibigang babae. Nilapitan niya ito."Huy! Alam mo ba yung pagmamahal? Ano ba iyon?". Sumagot ang batang babae, at sinabing "pagmamahal? di'ba love yun?". Ngunit hindi pa rin ito maintindihan ng batang lalaki. Biglang tumakbo ang batang babae palayo. Hanggang nawala.


Patuloy na naglakad ang batang lalaki. Nakasimangot, Naghahanap ng sagot sa kanyang katanungan. Nagiisip, Nalilito. Biglang naisip ng bata,"Bakit ko ba inaalam ito? Ano bang kinalaman nito sa akin?". Napaupo ito sa kalsada, at patuloy na nagisip. Di naglaon isang baliw ang tumabi malapit sa kanya at ito'y nagsalita. "Doon ! Dito ! hahaha! Ikaw! oo ikaw ! anong ako?" Sigaw ng baliw na humahagikgik habang tumatawa. Natakot ang batang lalaki, nilayuan niya ito. Pero pumasok sa isip niyang maaring ang baliw ang makakapagbigay ng kasagutan sa kanyang tanong.

"Kuya, Pasensha ho Alam nyo ho ba ung pagmamahal? Ano ho ba iyon?". Tumingin ang baliw,"hahahaha! baliw ka ba? Hindi mo alam yoon? Ano ? ako ba? Sino ? hahaha!" sabay nanlisik ang mata at muling tumawa. Natakot lalo ang bata, ngunit sa pagiging pursigido niya. nagtanong siya ulit."Alam nyo ho ba ung pagmamahal? Ano ho ba iyon?". Parang nagkamalay ang baliw mula sa pagiging baliw at seryoso itong tumingin sa batang lalaki.


"Bata, Baliw ako bakit mo ako kinakausap?"matinong sagot ng baliw.Nagtaka ang bata, lalong nalito at gumulo ang kanyang pagiisip."Hindi po ako naniniwalang baliw kayo at yoon po ang dahilan". Nagbuntong hininga ang baliw,"Bakit mo ba natatanong ang ganyang tanong bata?" ika ng baliw. Napayuko ang bata, hindi niya sinagot ang tanong ng baliw, kitang kita sa mukha ng bata ang pagkalungkot at pagdalamhati.

"Bata, Bigla lang ba itong pumasok sa isip mo?", hirit ng baliw."Oho" sagot ng nakayukong bata."Alam mo bata, iyang tanong na iyan ay isang malaking palaisipan sa lahat ng tao, Ikaw , ako , tayong lahat. Di alam ang sagot, dahil yang pag mamahal na iyan, Ang maaring magiging sagot sa lahat ng tanong", sabi ng seryosong baliw.Bumalik ang tingin ng bata sa baliw, takang taka ito, habang tumitingin sa paligid."Hindi ko ho kayo maintindihan"sabi ng bata."Bata ka pa nga, Maaring mura pa ang iyong isip, pero kahit ikaw ay bata. Malalaman at malalaman mo iyon.".Bumalik ang sigla ng batang kanina'y malungkot, Lalong nadagdagan ang mga tanong na bumabagabag sa isip ng bata.


"Inaamin ko, Hindi ko alam ang pagmamahal, Hindi mo ako masisisi, baliw ako. Hindi ako nakaranas ng pagmamahal. Kaya nga ganito ako ngayon. Kaya nandito ako ngayon, pero kahit nagkaganito ako, wala akong sinisisi. Walang akong itinatakwil na kapamilya. Wala akong ninakawang kaibigan, tinanggap ko ang lahat ng nangyari sa akin at yoon ay ginawa ko lahat, dahil lamang sa pagmamahal" Malungkot na sinabi ng baliw.

"Iyang pagmamahal na iyan ang dahilan ng lahat ng bagay . Tingnan mo ang paligid mo, Tingnan mo ang sarili mo. Nasa iyo ang pagmamahal. Nasa akin, Nasa ating lahat. Lahat ng tao ay may pagmamahal. Lahat ng bagay ay may pagmamahal. Lahat ng nasa mundo, may pagmamahal. Maaring itong maging sakripisyo, maaaring itong maging saya, maaring ring maging pagtanggap at pagpapatawad. Sana maintindihan mo bata . Yan ang pagmamahal."

Napangiti ang bata. Niyakap niya ang baliw, kahit ito'y mabaho at di kalinisan. Napagtanto ng bata ang nais ipahiwatig ng baliw."Salamat po , Salamat ng marami" dahan dahang sinabi ng bata sa baliw habang pahigpit ng pahigpit ang yakap nito. Tumayo ang bata at nagsalita ng huling pasalamat at dali daling tumakbo.Napangiti ang baliw.

Wednesday, October 6, 2010

Isang Banat...

(Boy and Girl chatting)

Boy: Gusto kong isigaw sa mundo na mahal na mahal kita!

Girl: E di isigaw mo.

Boy: Narinig mo?

Girl: Di ko rinig sigaw mo. Kulog lang narinig ko.

Boy: Sigaw ko yun... Akala mo lang kulog

Girl: *signs out*

Saturday, October 2, 2010

Excommunication...

Why be sad when you're excommunicated by the Catholic Church? :D

Iniisip ko... It's not really a big deal if you are not religious...

Also... It's not really a big deal kung hindi mo kelangang makipagugnayan sa mga deeply religious people...

We live in the Philippines... Its a Christian country, dominated by Roman Catholics...

The Church's decision is still powerful... Powerful = Influential ... This is because the Government needs the support of the Church because the Church has the support of MOST people... :)

Actually, this applies to any religion... Having the support of religion in your pursuit for power in the government is very very Essential in our country... Since most people are under the "control" of religion...

Democratic = Government by the People.... So you can say that those who controls the people really are the ones who control the Government... :)

Now... anong connection nito sa Excommunication..?

There was this news that a government official was threatened by the Church with excommunication...

Why? Because he was for RH Bill....

People are smarter today... Futile yung ginawa nung simbahan... :D (well at least I think it is.)

Excommunicate the guy for standing for a thing he thinks is Right :)

Useless... Unless deeply religious lahat ng mga sumoporta sa kanya nung eleksyon...

If you can be excommunicated for standing for what you believe is right (which its against the church's opinion), then....................... so? E ano ngayon kung excommunicated ka... Makakasakay ka pa rin naman sa LRT kahit excommunicated ka ha... Di ka naman mablablacklist sa mga fastfood chain kung excommunicated ka ha... Di ba? :)

My point? "Di na uso ang excommunication ngayon.". Just do what you think is right... :)