Wednesday, September 1, 2010

Barkers

Para san ang mga barker?

Tuwing umaga nalang, may barker sa lugar kung san ako nagaabang ng masasakyan.

Sisigaw sila sandali (nagtatawag ng pasahero), tapos hihingi ng bayad sa driver.

Pag hindi sila binigyan, sila pa galit, e hindi naman sila kelangan ng driver e kahit wala sila dun may sasakay pa rin sa dyip nila ng kusa e.

Di na nila kailangan ng taga sigaw kasi hindi naman sila nag aabang dun sa lugar na yun (tipong station), kundi tumitigil lang sila para magsakay ng mga pumapara sa kanila (TAKE NOTE, PUMAPARA, ibig sabihin kahit walang barker alam nila sasakyan nila.)

Di ba? Kinakawawa lang ng mga barker (na hindi kailangan) ang mga driver natin. ~~.

Isipin mo, tatay ko pumara ng taxi, nanghingi pa yung barker ng bayad sa tatay ko at sa driver... ~~, N-labo lang. Epal lang naman sya. Haha (Actually naka sagabal pa nga sya e kasi hinarangan nya daanan ng taxi).

Dapat magkaron ng batas about "No barking zones", Mas malupet pa kasi sa mga nangongotong na pulis ang mga barker e. Haha

Pasensya na... Ayoko kasi sa mga bagay na nandyan at nakakasagabal pero pwede namang wala.... Wala kasing kwenta e, panira pa... :))

4 comments:

Anonymous said...

i think may mga barker kasi kelangan din nilang kumita ng kahit konti...mahirap kasi ang buhay dito satin kaya kahit anong pagkakakitaan eh naiisip nila...kahit hindi naman yung kelangan gagawin nila kumita lang ng kahit konti...

RL... said...

Tingin mo magandang gawain ang pag gawa ng bagay na di naman kelangan kung saan yung ginagawa mo e nakakasama pa dun sa ibang tao na di ka naman kailangan? :)

Anonymous said...

maaaring sa ibang tao eh nakakasama yun, pero mas iisipin ko pa ba yung ibang tao kaysa sa kumakalam kong sikmura...samahan pa ng pamilya kong umaasa sakin...

Unknown said...

RL is right....

"opportunistic parasitic victims", its how I'd call them

they are opportunistic parasites to the drivers, but they are victims as well to social injustice,

they were born to impoverished conditions, were deprived and had limited opportunity to improve themselves,

which is why they had become as such.

pity is what I would extend to them, and an understanding to their substandard existence.

pero kung magaanak sila ng sampu, kasumpa sumpa na sila, dahil alam na nga nilang mahirap ang buhay, magaanak pa ng madami, para ano? para maging future barkers mga anak nila.

dapat talaga isumpa yang bwisit na mga prolife na yan, mga wala sa katinuan at realidad ang pagiisip.

sorry for that, pero kung talagang gusto mong umangat sa KAHIRAPAN.... maghahanap ka na PERMANENTENG SOLUSYON hindi yung PANTAWID lang sa KAHIRAPAN, walang mangyayari sa pamilya mo kung yan lang gagawin at gagawin mo, kain, tulog, kain , tulog.. pagkain lang kasi ang kayang bilin.....

Post a Comment