Ok ok ok.... may mga 3 klase ng fruits
simple, aggregate at multiple...
Focus tayo sa Simple na prutas,
sa may dalawang klase ng prutas na simple.
Fleshy (malaman) at Tuyo (Dry)
focus tayo sa Simpleng Malaman na mga prutas.
may 5 klase ng prutas na simple at malaman.
Berry, Pepo, Hespiridium, Pome at Drupe.
Ninonosebleed ka na? dont worry papasimplehin ko pa yan.
Ang "Berry" ay yung pangkaraniwan na malambot na prutas na may malambot na balat tulad ng talong, ampalaya, kamatis at saging.
Ang "Pepo" ay yung mga putas na matigas yung balat tulad ng kalabasa, melon at watemelon.
Ang "Hespiridium" naman ay yung mga prutas na may leathery na balat tulad ng orange, calamansi, lemon, at iba pang citrus na prutas.
Ang "Pome" naman ay yung mga prutas na may papery o manipis na balat tulad ng mansanas at ubas.
Ang "Drupe" naman ay yung mga prutas na iisa lang ang butotulad ng manga, avocado at coconut.
Yan ang mga klase ng simpleng malaman na prutas.
hehe may tanung ba kayo dyan?
P.S. I like and have the right to travel. Please dont deprive me of that right. Please
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
ahh yung buko pala.. drupe xa. ayos. pero diba matigas rin ung labas nun pepo?? gulo ha.. wahahhaa..
Post a Comment