Thursday, June 9, 2011

On Reviewing Old Test Paper

Madalas ka bang nagrereview gamit lamang ang mga luma mong test paper?

Umaasa ka lang ba sa mga luma mong test at mga test questionnaires na binibigay sa iyo pag nag rereview ka?

Ang masasabi ko lang, MAG-IINGAT KA.

Bakit?

Aminado ako na hindi ko nirereview ang mga "practice set", lumang test, at "sample questionnaires" na binibigay sa kin.

Dahil hindi din naman lalabas sa exam yung mga mismong tanong na nasa practice set, lumang tests at mga SQ.

Ang maipapayo ko lang, magbasa kayo.

Hindi maibibigay ng mga lumang exam nyo ang lahat ng impormasyon na pwede nilang hingin sa exam mo.

Liban nalang kung sinabi ng teacher mo na yun di lalabas sa exam, binago lang yung numbering.

Mahirap din kasing umasa lang sa impormasyon na galing sa mga dating test.

Dapat talaga, hanapin mo yung primary topics and read about it!

Ang purpose lang ng practice set ay

1) I-assess ang bilis mo sumagot.

2) Tignan kung nasa right shape ka para mag-exam.

3) Ipakita sayo ang mga topics na "pwedeng" lumabas (Pwede ding hindi lumabas yung topic na yun).

4) Ipakita sayo yung mga topic na pwedeng bumulaga sayo (Mga topic na wala sa practice set pero lalabas sa exam) dahil wala sila sa practice set...

In a nutshell,

"Wag umasa sa practice set, may libro (at notes), magbasa ka. Kung tamad ka, good luck."

Hope epektib tong tip na to. :D

No comments:

Post a Comment