Wednesday, May 11, 2011

Anong Sagot Dito?

Napansin kong mainit sa internet ang debate tungkol sa sagot sa problemang ito

6/2(1+2) = ?

Ehem....

Sabi ng iba... "9" yung iba... "1"

Pano ba nila nasabi yun? at sino sa kanila ang tama?

Ipapaliwanag ko...

Sa side ng "9"

? =

? = (6/2)(1+2)

? = (3)(3)

? = 9

O kaya

? = 6/2(1+2)

? = 6/2(3)

? = 3(3)

? = 9

Anong masasabi nyo?

Sabi ni Google? Click nyo to CLICK HERE

Ganyan daw...

So 9 nga ba talaga?

Tignan natin sa side ng "1"

? = 6/2(1+2)

? = 6/2(3)

? = 6/6

? = 1

Kita nyo pinagkaiba? Tama naman di ba?

E bakit sila nagkatalo?

Ipapaliwanag ko ng maigi... Pero Meron munang story...

*Nostalgic Music*

Noong grade 4-5 (o 5-6?) ako... Tinuro sa amin ito ng guro namin sa Math... (di ko matandaan basta tinuro to sa klase)...

Katulad ng internet, nahati ang klase namin dahil dalawa ang sagot sa equation na pinasosolb ng teacher...

Dito nya itinuro ang

*Drum Roll*

PEMDAS... Pwede magkabaliktad yung M at D... Atsaka A at S...

Parenthesis Exponent Multiplication Division Addition Subtraction

Anong connection nito sa debate?

Gamit ang PEMDAS... Madali nating Masosolve nang TAMA ang equation...

Sige...

P - Parenthesis. Kelangang tanggalin muna ang Parenthesis sa equation so kelangan mo isolve ito.

? = 6/2(1+2)

? = 6/2(3)

Titigil na ba kayo?

SYEMPRE HINDI!

NANDYAN PA YUNG PARENTHESIS. KELANGANG MATANGGAL MUNA YUN....

Dito nagkakatalo ang "9" at "1"

Bakit sabi ni Google "9"? Kasi grinupo ni Google ang mga numero...

Hindi nya icoconsider na left to right ang equation. Dahil dito, inisip nya na isang term lang 6/2 at hiwalay ang (1+2).

Pero ang tamang grouping ng numero e (6) / (2(1+3))

Bakit kamo? Kasi Kelangan alisin muna yung parenthesis...

Parang ganito

? = 6/2(3)

? = 6 /6

E - Exponent. Walang Exponent so skip

M or D - Multiplication or Division. Kahit sino pwede mauna at mahuli

so

? = 6/6 = 1

? = 1

KITA?

"1" ang sagot sa problem... Hindi "9"...

Kaya tatandaan... PEMDAS

Gets nyo ba?

1 comment:

Anonymous said...

hanggaleng!..sabi ko na nga ba 1 ehh..di ko lang alam paliwanag..:DD

-Paul Erick

Post a Comment