Thursday, October 7, 2010

Pagmamahal~

"Pagmamahal"
MahirapPaniwalaan

Isang patulirong tanong ang sinabi ng isang batang lalaki sa kanyang kalaro, kitang kita sa mukha ng bata ang pagkadismaya ng hindi masagot ng kanyang kalaro ang kanyang tanong. Hindi pa nakuntento ang bata. Patuloy ng natigil ang paglalaro nito hangga't hindi ito nagkaroon ng sipag sa paglalaro at bigla na lamang umuwi.


Hindi maalis sa isip ng batang lalaki ang katanungan iyon, na alam niya namang hindi masasagot agad agad ng mga taong nakapaligid sa kanya dahil sa kanyang
edad."Inay, Alam nyo ho ba ung pagmamahal? Ano ho ba iyon?" tanong ng bata. Hindi nagsalita ang kanyang inay, Kung hindi, ngumiti lang ito sa batang lalaki."Itay, Alam nyo ho ba kung anu ung pagmamahal? Ano ho ba iyon?" Muling tanong ng nagtatakang bata. Ngunit hindi rin ito sumagot at patuloy na nalungkot ang bata.

Tumungo ang bata sa labas at naghanap ng makakasama, Nakita niya ang kanyang matalik na kaibigang babae. Nilapitan niya ito."Huy! Alam mo ba yung pagmamahal? Ano ba iyon?". Sumagot ang batang babae, at sinabing "pagmamahal? di'ba love yun?". Ngunit hindi pa rin ito maintindihan ng batang lalaki. Biglang tumakbo ang batang babae palayo. Hanggang nawala.


Patuloy na naglakad ang batang lalaki. Nakasimangot, Naghahanap ng sagot sa kanyang katanungan. Nagiisip, Nalilito. Biglang naisip ng bata,"Bakit ko ba inaalam ito? Ano bang kinalaman nito sa akin?". Napaupo ito sa kalsada, at patuloy na nagisip. Di naglaon isang baliw ang tumabi malapit sa kanya at ito'y nagsalita. "Doon ! Dito ! hahaha! Ikaw! oo ikaw ! anong ako?" Sigaw ng baliw na humahagikgik habang tumatawa. Natakot ang batang lalaki, nilayuan niya ito. Pero pumasok sa isip niyang maaring ang baliw ang makakapagbigay ng kasagutan sa kanyang tanong.

"Kuya, Pasensha ho Alam nyo ho ba ung pagmamahal? Ano ho ba iyon?". Tumingin ang baliw,"hahahaha! baliw ka ba? Hindi mo alam yoon? Ano ? ako ba? Sino ? hahaha!" sabay nanlisik ang mata at muling tumawa. Natakot lalo ang bata, ngunit sa pagiging pursigido niya. nagtanong siya ulit."Alam nyo ho ba ung pagmamahal? Ano ho ba iyon?". Parang nagkamalay ang baliw mula sa pagiging baliw at seryoso itong tumingin sa batang lalaki.


"Bata, Baliw ako bakit mo ako kinakausap?"matinong sagot ng baliw.Nagtaka ang bata, lalong nalito at gumulo ang kanyang pagiisip."Hindi po ako naniniwalang baliw kayo at yoon po ang dahilan". Nagbuntong hininga ang baliw,"Bakit mo ba natatanong ang ganyang tanong bata?" ika ng baliw. Napayuko ang bata, hindi niya sinagot ang tanong ng baliw, kitang kita sa mukha ng bata ang pagkalungkot at pagdalamhati.

"Bata, Bigla lang ba itong pumasok sa isip mo?", hirit ng baliw."Oho" sagot ng nakayukong bata."Alam mo bata, iyang tanong na iyan ay isang malaking palaisipan sa lahat ng tao, Ikaw , ako , tayong lahat. Di alam ang sagot, dahil yang pag mamahal na iyan, Ang maaring magiging sagot sa lahat ng tanong", sabi ng seryosong baliw.Bumalik ang tingin ng bata sa baliw, takang taka ito, habang tumitingin sa paligid."Hindi ko ho kayo maintindihan"sabi ng bata."Bata ka pa nga, Maaring mura pa ang iyong isip, pero kahit ikaw ay bata. Malalaman at malalaman mo iyon.".Bumalik ang sigla ng batang kanina'y malungkot, Lalong nadagdagan ang mga tanong na bumabagabag sa isip ng bata.


"Inaamin ko, Hindi ko alam ang pagmamahal, Hindi mo ako masisisi, baliw ako. Hindi ako nakaranas ng pagmamahal. Kaya nga ganito ako ngayon. Kaya nandito ako ngayon, pero kahit nagkaganito ako, wala akong sinisisi. Walang akong itinatakwil na kapamilya. Wala akong ninakawang kaibigan, tinanggap ko ang lahat ng nangyari sa akin at yoon ay ginawa ko lahat, dahil lamang sa pagmamahal" Malungkot na sinabi ng baliw.

"Iyang pagmamahal na iyan ang dahilan ng lahat ng bagay . Tingnan mo ang paligid mo, Tingnan mo ang sarili mo. Nasa iyo ang pagmamahal. Nasa akin, Nasa ating lahat. Lahat ng tao ay may pagmamahal. Lahat ng bagay ay may pagmamahal. Lahat ng nasa mundo, may pagmamahal. Maaring itong maging sakripisyo, maaaring itong maging saya, maaring ring maging pagtanggap at pagpapatawad. Sana maintindihan mo bata . Yan ang pagmamahal."

Napangiti ang bata. Niyakap niya ang baliw, kahit ito'y mabaho at di kalinisan. Napagtanto ng bata ang nais ipahiwatig ng baliw."Salamat po , Salamat ng marami" dahan dahang sinabi ng bata sa baliw habang pahigpit ng pahigpit ang yakap nito. Tumayo ang bata at nagsalita ng huling pasalamat at dali daling tumakbo.Napangiti ang baliw.

10 comments:

Anonymous said...

Love.iT So Much :)) <3

Anonymous said...

tangina mo alen. haha

MahirapPaniwalaan . said...

Kung gusto mu pong magcomment ayus ayusin mo jegs. tangina mu din ! hahaha


PAM: alam kong ikaw iyan . Thank you <3

Anonymous said...

Yess !! Ako Tu Allen :)) Ang Ganda :)) Pramis :))

Anonymous said...
This comment has been removed by a blog administrator.
Anonymous said...

takte bat binura ang aking komento ? haha

RL... said...

I warned you once, inulit mo so dinelete ko :)

Anonymous said...

Wow Ang Strict Mo Pla ?? :)) Scary :/ Joke :))

Anonymous said...

adik ka ralph ! hahaha. :DD

Anonymous said...

Hayup :DD

Post a Comment