Monday, October 25, 2010

Oh Bakit....

Napapaisip ako...

Sino ba ang may gusto na maging simpleng trabahador?

Karamihan sa tin, gusto ng mataas na posisyon.

"Magagandang" trabaho...

Pero hindi lahat nakaka kuha nun...

May mga nananatiling nasa baba...

Hindi ko alam kung bakit pero napaisip ako sa isang kwentong nabasa ko...

Tungkol ito sa buhay (at pagkamatay) ng isang simpleng trabahador...

Walang nakapansin sa kanya noong namatay sya....

Exaggeration na ata yung nasa story (wala syang pamilya o kaibigan)... pero kung iisipin...

Madameng tulad nya....

Simpleng trabahador...

Madaling palitan... Mababa ang sweldo... Pero dahil sa mga tulad nya... Gumagana ang society...

Kung walang basurero... Walang bustboy... Walang nagbabantay ng computer shop... Walang taong may "mababang" trabaho... ano sa tingin mo ang buhay natin?

________

Kung alam nyo yung poem na "Be the best of whatever you are" ni Douglas Maloch... Parang pampalubag loob to sa mga hindi pinalad na mapunta sa tuktok...

Kung gagawing blunt (and mean) yung poem, ang lalabas ay "Kung di ka pwede maging ganun, ganyan ka nalang. Di naman pwedeng lahat ganun e kaya galingan mo nalang dyan sa ginagagawa mo."

Sabi nga ni Martin Luther King Jr. :

"If a man is called to be a street sweeper, he should sweep streets even as Michelangelo painted, or Beethoven composed music, or Shakespeare wrote poetry. He should sweep streets so well that all the hosts of heaven and earth will pause to say, here lived a great street sweeper who did his job well."

Well... We strive to be on top... Pero minsan hindi talaga pwede...

Kung san tayo mapunta... Galingan nalang natin... :)

________________

P.S. BASTA MAGIGING KATULAD PA RIN AKO NI HOUSE

1 comment:

W said...

Tama yan...
Pa-plug naman ng Blog ko, mas sikat blog mo eh.. http://hakergk.blogspot.com/ lagay mo sa link mo sa gilid, ilalagay ko rin sa'yo. Yung grupongkul.tk nakalagay na..

(hakergk kasi sira yung keyboard sa library eh, wala tuloy letter C)

Post a Comment