Ayon sa batas, maaring ituring na pinoy ang isang tao kung ang magulan nya ay pilipino, ipinanganak sya sa pilipinas, o isa syang "naturalized citizen". Pero kung tutuusin, sa papel ka lang pinoy pag ganoon. Paano ba maging isang pinoy? At sino ba ang mga tunay na pinoy?
Ang Pilipinas ay parang halo-halo. Iba-iba ang nakapaloob sa mismong bansa. Iba't ibang tao na may iba't ibang kulturang kinagisnan ang mga naninirahan dito. Pero tulad ng mga sahog ng halo-halo, may kakaibang harmonya ang kanilang pagsasama-sama. Kung sino man ang sahog ng halo-halong ito ay isang pinoy. Mga tunay na pinoy lang ang pwedeng makapag-pasarap sa halo-halo.
Madali maging pinoy. Ang kailangan lang ay tamang pakikihalo sa halo-halo at maging parte nito. Kung hindi nyo maintindihan ang sinasabi ko --- Isa kang pinoy kung kaya mong maging isa sa kanila, may pagmamahal sa bayan. Anong kuneksyon ng "pagmamahal sa bayan"? Ito ang gatas ng halo-halo. Ito ang dahilan kung bakit nagsasama ang mga sangkap ng halo-halo. Sasarap ba ang halo halo kung hindi bumabagay ang sahog nito sa gatas?
Kung tutuusin, sa wika din ang punta ng usaping "pagmamahal sa bayan" dahil wika ang salamin ng bansa. Ito rin ang nagbubuklod-buklod ng bansa. Upang maging pinoy, kailangan mo lang malaman at gamitin ito. Hindi ka pinoy kung hindi mo naman ginagamit ang wika. Para kang kumain ng halo-halo na walang gatas. May halo-halo ka nga, wala naman yung tunay na mahalaga: yung gatas na s'yang dahilan kung bakit nagiging halo-halo ang halo-halo.
Tuesday, October 19, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
tama !
Post a Comment