Kaya pagpasensyahan nyo na kung kakaiba yung pagkakasulat ko ngayon.
Nga pala... Filipino yung subject...
Eto na...
__________________________
Ano nga ba ang "Catch-22"?
Isa itong "paradox" o balin-tunay kung saan ang isang tao ay nasa isang sitwasyon kung saan kailangan nya ang isang bagay na makukuha lamang nya kung hindi sya kasama sitwasyon na iyon. Dahil dito, lumalabas na wala talagang magagawaang taong nasa sitwasyon na iyon.
Ang Catch-22 ay maaring mag mula sa interaksyon ng iba't ibang batas, alituntunin, pamamaraan at sitwasyon. Masasabi natin na mga tao rin ang gumagawa ng balin-tunay na ito. Nanggaling sa nobelang "Catch-22" ni Joseph Hellen ang pangalan nito dahil ang pinakapopular na halimbawa ng "Catch-22" ay nanggaling din sa mismong nobela.
Sa nobela, si John, isang piloto ng hukbong panghimpapawid ng USA, ay ayaw sumama sa laban. At ang tanging paraan upang hindi sya isama ay ang mapatunayan na baliw sya. Ngunit, kailangan muna nyang humingi ng permiso upang matignan sya ng doktor na sya namang magpapatunayan na baliw sya.
Pero, sapat na na dahilan ang pagkuha nya ng permiso upang masabi na hindi sya baliw. Dahil kung baliw sya, hindi na nya magagawang humingi ng permiso. Sa ayaw at sa gusto ni John, kailangan nyang sumama sa laban, baliw man sya o hindi, dahil walang paraan para hindi sya isama.
Ang buhay ay isang malaking "Catch-22", hindi nga lang ganun ka walang pag-asa katulad sa halimbwa ng hobela. Isang halimbawa ng "Catch-22" sa totoong buhay ay ang pagkuha ng trabaho. Upang makakuha ng magandang trabaho, kailangan mayroon kang magandang experience na makukuha mo lang kung nakakuha ka na ng magandang trabaho. Pero, hindi naman imposibleng kumuha ng magandang trabaho, mas mahirap nga lang kumuha ng trabaho kung sakaling ganoon.
Hindi ba napaisip ka? :)
_______________________
Yan lang yun... Kung may malabo, comment nalang kayo... :)
1 comment:
Ano daw???medyo nalabuan ako dun ah..
Post a Comment