KUNG GUSTO, ANO!?
KUNG AYAW, ANO!?
Sabi ng nanay ko... "Kung gusto, may paraan. Kung ayaw, may dahilan."
Hindi naman sa nagdidisagree ako sa kanya pero parang may butas kasi yung mismong statement.
Paano kung gusto ko magkaron ng sariling planeta kung saan ako lang mag-isa ang titira?
"If there's a will, there's a way" di ba?
sa tagalog, "Kung may gulong, may daan."... (joke to, pwede kayo tumawa)
Di ba wala namang paraan para mangyari yun? (Unless biglang may mangyari na halos hindi kapanipaniwala.)
Pero kung tutuusin...
Pag nirearrange mo yung statement, mas magiging applicable na sya sa Real Life.
"Kung ayaw, may paraan. Kung gusto, may dahilan."
Di ba?
Kung iisipin mo, Pag ayaw mo di ba gagawa at gagawa ka ng paraan para makaiwas?
This includes but is not limited to "lying", "cheating", and "stealing".
Pwede ring "abstinence", "passive resistance" at kung ano ano pa!
Basta ayaw, may paraan!
Pag gusto, may dahilan.
Bakit mo ba gustong kumain ng chocolate? Dahil masarap? Dahil mapait? Dahil napapasaya ka nito?
Bakit mo gusto basahin tong sinusulat ko? Dahil nakakatuwa ako? Dahil nakakatawa ako? o Dahil pinilit kita?
Pag gusto mo ang isang bagay(o kung ano pa man), siguradong may dahilan ka!
Sinungaling ka kapag tinanong ka kung bakit mo gusto ang isang bagay at ang isinagot mo ay "Wala lang, gusto ko lang.".
May dahilan kung bakit gusto natin ang isang bagay. May intention tayo kung bakit natin ginugusto ang mga bagay bagay.
Di ba?
Isipin nyo... :)
Friday, September 24, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
7 comments:
i think on your first statement na sinabi ng nanay mo na "paggusto may paraan, at pag ayaw may dahilan" applicable yan sa real life situation...syempre di naman ata realistic yung iisipin mo gusto mo magkaroon ng sariling planet at tumira ka dun mag isa...peace Mr.RL....
Haha... O sige...
Sabihin nating ang pangit ng example ko...
Familiar ka ba sa Catch-22?
Catch-22... set of rules/regulation/proceedure/situations na nagprepresent sa tao ng illusion of free choice pero sa totoo e no choice talaga yung tao...
Example:
Piloto na isasabak sa war.
1) Para maexempt sa mission, dapat mapatunayan na sya ay "insane" at dapat mag request sya ng evaluation.
2) Kung "insane" ka, hindi mo naman mapapansin na insane ka di ba? Therefore, di mo makikita yung need to request an evaluation.
3) Dahil sa no. 2 masasabi natin na lahat ng mga piloto ay either hindi "insane" o kaya hindi ng evaluation.
4) Dahil sa no. 3 masasabi natin na walang piloto ang "insane" at nagrequest ng evaluation at the same time.
5) Kelangan "insane" at mag rerequest ka for an evaluation para ma exempt sa mission pero dahil sa no. 4, masasabi natin na walang maeexempt sa mission -- "No pilots could be 'insane' and request for an evaluation at the same time."
Life is a big Catch-22 , di ba anonymous?
Kahit sino sa mga piloto, hindi maeexempt. Kahit GUSTO nilang maexempt, walang paraan dahil nasa stuck sila sa isang Catch-22. :)
Hindi porke gusto mo, may paraan na... Minsan wala ka talgang choice. Akala mo lang. :)
Kung gusto mo ng dahilan, may paraan, pero kung gusto mo ng paraan, may dahilan..
ralph. naniniwala ako sau. kewl ! :D
haha .. ayus ah pwede bang ipasa m sakin yang katalinuhan mong taglay ? dali ioopen ko na bluetooth ko . haha
Mr.RL, it's so simple...kung piloto ka at ayaw mo masabak sa war eh di gumawa ka ng paraan like mag resign ka besides nung una pa man na kinuha mo yang profession mo as a pilot eh alam mo na yung mga circumtances di ba? so you still have choice...nasa iyo pa rin yung huling desisyon..
Aha! may butas yang argument mo... YOU CANT RESIGN/BE EXEMPTED DURING A WAR UNLESS YOU ARE INSANE AND HAVE REQUESTED FOR EVALUATION... Its part of the Catch-22... Yeah so you cant resign... YOU HAVE NO CHOICE. YOURE STUCK... YOU'RE LIVING IN AN ILLUSION OF FREE CHOICE.. (PASENSYA TINATAMAD AKO PATAYIN CAPSLOCK)
Post a Comment