Thursday, August 19, 2010

Maalalahanin...

Isa ang "Maalalahanin" sa mga pinakapaborito kong kanta sa Eraserheads.

I like the "message" of the song, well in my own interpretation.

Ngayon himayin natin yung kanta para maintindihan natin:

____________________________

Saan na tayo papunta? Naliligaw na ba?- Masasabi nating may kausap ang kumakanta at naglalakad sila at di na alam ng kumakanta kung saan na sila papunta.

Dumidilim - Uulan na o kaya maggagabi na. Pwede ding sabihing dumidilim na yung kasama nya. Paanong dumidilim? Nalulungkot.

Pano nagsimula? - Tinatanong nya kung anong nangyari.

Nasisilaw, minsa'y natulala -Eto yung reaction nung nagtanong sa sinabi nung kasama nya. He's shocked, sometimes to the point he can't say anything.

*Chorus*
Nawawala, nawawala ang panaginip - Eto nangyayari sa kausap nya. Yung panaginip, yun yung kinekwento nung kasama nya. (Which we dont know. Probably "her" (assuming babae sya) love story)

Nawawala, nawawala ayaw pang gumising. - Eto naman ginagawa ng kausap nya. Ayaw tanggapin na nawawala na yung panaginip nya.


Ilang ulit nang nadapa Di madala-dala - Ibig sabihin, ilang beses na tong nangyari sa kinakausap nya. Na yung kausap nya lageng nag fafail.

Nakikinig -Eto ginagawa nya pag nangyayari yun.

Tila lumalamig Nalunod sa hangin - Eto yung sinasabi ng kausap nya about dun sa kinwekwento nya. Nalunod sa hangin means, nasobrahan sa di kailangan kaya di gumana ng maayos. (kung ano man yung di gumana ng maayos, I dont know, maybe a relationship)

Tinitiis - Ang ginagawa nung nakikinig. :)

*repeat chorus*

Tuwing umuula'y bumabaha Di na nagsasawa - Description nung lalaki sa kinakausap nya, tuwing umuulan (umiiyak) ay bumabaha. At di sya nagsasawa (read "Ilang ulit nang nadapa")

Nakalimutan mo na ba? - He's trying to remind her that this has already happened before.

Maalalahanin... - Maalalahanin St. :) , dun to nangyari.

Alaala... - "Memories", inaalala nya yung memories nya with her.

____________________________

I'm open for other interpretations, just comment... :)

Think. :)

P.S. May isa pa kong way of Looking at this Song... I'll Post it kung may mag cocomment man ng ibang interpretation.

No comments:

Post a Comment