Wednesday, June 10, 2009

Eksena sa Jeep...

Mmm.

Napapansin ko to sa loob ng dyip...

1. Laging unang inuupuan ang parte na malapit sa dulo... I dont know why...

2. Laging pakiramdaman kung sino ang magaabot ng pamasahe nung nasa dulo...

3. Pag masikip na, umuusog ang tao sa side na gusto nilang tabihan.

4. Kadalasang naiinis ang mga pasahero kung di sila agad naibaba at the instance na magpara sila KAHIT alam nila na bawal bumaba dun.

5. Pagtumaas ang pasahe, madalas naiinis ang pasahero paghinihingan sya ng dagdag na pamasahe ng drayber...

6. Updated sa pulitika ang karamihan sa mga drayber...

7. Badtrip ang mga drayber sa mga taong walang barya... Lalo na yung mga 500 0 1000 ang binabayad.

8. Pag nasa tabi ka ng drayber at pwinestuhan ka ng 2 tao na magkasama (isa sa tabi mo at isa sa likod mo) mag-ingat ka, 90% sure na holdap yan... hahaha XD

9. Pag umuulan, ang sampuan na jeep (22 na pasahero kasya) ay kayang magsakay ng 28 na tao o higit pa...

10. Badtrip ang drayber sa pasaherong isa lang ang binabayad pero dalawang tao ang laki. hehe...

11. Pag wala na talagang masakyan... Uumaakyat ang mga tao sa loob ng dyip kahit punong puno ito...

MMm... Madami pa kong nasa isip ko... Kelangan ko munang kalkalin... hehe...

Dagdagan nyu naman oh..

No comments:

Post a Comment