Saturday, April 4, 2009

Natatanga...

Panu mo ba masasabing natatanga ka?

Ayon sa aking experience ikaw ay natatanga pag naramdaman mo ang 5 o higit pang sintomas nito.

  1. Nag-iisip ka pero hindi mo alam kung ano ang iniisip mo.
  2. Tulala ka minsan at hindi mo ito napapansin.
  3. Nakakarinig ka pero wala kang matandaan.
  4. Nagsasalita ka ng hindi nagiisip.
  5. Kumikilos ka ng hindi nagiisip.
  6. Nagsasalita ka ng mag-isa (counted ang pakikipag-usap sa sarili sa salamin).
  7. Isang linggo mong kinakanta ang kanta na tumatama sayo
  8. May problema ka na pilit mong tinatago.
  9. May gusto mong umiyak pero di mo magawa.
  10. Nilulunok mo lahat ng nararamdaman mong sama ng loob.
  11. Inaantok ka pero hindi ka makatulog.
  12. Pag kumakain ka pero di mo maapreciate ang lasa ng pagkain mo.
  13. Tinatamad ka makipagusap.
  14. Walang pumapasok sa utak mo kahit palupaluin mo ito.
  15. Pakiramdam mo wala kang problema kahit meron.
  16. Pinepeke mo ung emosyon mo.
  17. Sa tingin mo natatanga ka.
Marami pang bagay ang dapat nakalagay sa listahan na yan kaso tinatamad na ko na magdagdag pa dahil magmumukha itong redundant.

MMm... Sa mga natanga na, anu pa sa tingin nyo ang pwede pang ilagay sa listahan na ito?

P.S. Nakakapaos pala ang pagpupuyat... hehe tulog na ko... wala pa kong tulog e...

1 comment:

esiuoL.. said...

Sino ba ang nagsabing magpuyat ka.. tanga2x..

Post a Comment