Friday, April 3, 2009

Sayang, ang hirap itranslate

Nung tinanong to nung isa kong kaibigan pinagisipan ko na to ng todo

anu bang english ng "sayang"?

Use in a sentence: "Sayang ang tubig." -> "The water is _____"
"Sayang, hindi kita niligawan." --> "_____, i didn't court you."
"Tatlong minuto ang nasayang." -> "Three minutes have been _______"

Nagresearch ako (sa intenet lang) kung anung meaning nito at ang aking natagpuan:

Sayang : "what a pity!" "wasted", ma+sayang= "to be wasted", na+"sayang"= "(verb such as is/are) wasted"
ex. nasyang ang pagod ko!=my efforts are wasted

panu un? di swak ung meaning nya sa lahat ng blank sa taas.

sinimulan ko magformulate ng possible meaning ng sayang.

at ang naisip ko ay katulad lang nung nasa dictionary.

Then i finally realized...

"Sayang" is a filipino expression/verb used to denote regret for not having utilized something or not having take advantage of a situation... in tagalog "panghihinayang"

ANG LUPET TALAGA NG FILIPINO LANGUAGE!

ANG COMPLEX I-ENGLISH.

P.S. kawawa naman tong blog na to... walang pumapansin....

No comments:

Post a Comment