Tuesday, May 31, 2011

Cyanide

Habang walang magawa... naisipan kong magbasa mabasa ng kung ano ano sa net...

Natanong ako... Sobrang nakakamatay ba talaga ang cyanide?

Well...

Sabi ng isang tao dyan (di ko maalala kung sino),

"Its the amount that makes something poisonous." (paraphrased)

about 300mcg (microgram?) ng cyanide is poisonous sa tao...

ISIPIN MO YUN....

300mcg = .0003 grams

Ang liit nun... hahahaha

...

Ngayon tatakutin ko kayo....

Alam nyo ba ang ugat ng cassava e may cyanide?

Pati na rin yung buto ng mangga, mansanas, peach at bitter almonds!

Kakain ka pa ba ng cassava keyk?

Naalala nyo yung food poisoning dati dahil sa cassava? ako hindi na e...

Kung nakakamatay talaga ng mabilis yung cyanide, e di sana tepok lahat ng kumain ng cassava keyk...

O baka sadyang masiba lang ang mga kumain nun kaya na food poison...

Maliit lang naman kasi yung cyanide content ng cassava e.. (tulad ng iba pang buto na sinabi ko...)

baka kulang pa sa 300mcg yung nakain nung mga nalason... haha

Eniweys...

Mahabang panahon din da ang lumipas bago nalaman kung anong lasa ng cyanide...

Nalaman lang nila kamakailan lang (2006 ata) na ang lasa nito ay....

Opps.... Bitin?

Eto ang lasa ayon sa lalaking nagpakamatay gamit ang cyanide (potassium cyanide)

‘‘Doctors, (this is) potassium cyanide. I have tasted it. It comes through slowly at the beginning, and then it burns, the whole tongue burns and feels hard. The taste is very acrid...I had read in some novel about killing a man discreetly with cyanide. It was smeared on the pages of a book that he was reading, and when he touched his tongue with his finger to turn the book’s pages, he died and no one suspected... I am now convinced how easily someone can kill another using this...’’


Ayos ba...

Cyanide cyanide...

Nakakalason nga talaga...

P.S. Acrid = irritatingly sharp and harsh or unpleasantly pungent in taste or odour (google mo!)

P.P.S. Haha alam nyo ba na hindi buto ang tawag sa buto ng mga halaman? Ang tawag sa kanila e "Liso".

Tuesday, May 24, 2011

Petrichor

Ano ang petrichor?

Alam mo ba kung ano yun?

Kung oo wala nang point tong entry na to...

Wala rin point tong post na to kung i-gugoogle nyo yung Petrichor...

Dadagdagan ko lang naman sana ang vocabulary nyo...

Ang petrichor ay ang amoy ng lupang mainit pag biglang naulanan (o nabasa).

Naamoy mo na ba yun?

Sabi ng lola ko, nakakasakit daw ng tiyan yung amoy nun.

Pero sa di malamang kadahilan e gusto ko yung amoy na yun.

Sabi naman ng kaklase ko, sumasakit daw ulo nya sa amoy nun.

Wala akong magagawa... Siguro hindi ayos yung pang amoy ko... HAHA

Ngayon... "E ano ngayon kung alam namin na petrichor yung amoy na yun? Di naman namin magagamit yan sa everyday conversation."

Ang masasabi ko lang...

PWEDE MO SYANG GAMITIN...

Ex...

1) "Pare, amoy kang petrichor."

2) "Miss, parang petrichor pabango mo."

3) "Oy, magpapetrichor ka nga nang bumango ka"

sa 1) ginamit ang petrichor bilang adjective sa amoy ng pare nya...

sa 2) ginamit na panghalin-tulad yung petrichor sa pabango ng babae, pwedeng ibig sabihin nun e "nakakasakit ng ulo / nakakasakit ng tyan / mabango para sayo pero di kanais nais sa iba"...

sa 3) ginamit na verb yung petrichor... Magpapetrichor = magpasingaw sa pamamagitan ng pagbasa = Maligo...

Ayos ba? Ang daming gamit ng word na petrichor...

Pag ginamit mo sya, instant mukhang madameng alam na mahirap na words.

Pero wag lumaki ulo... Petrichor lang yang alam mo...

Nandyan lang yan habang mainit pa yung lupa at biglang binuhusan ng tubig... (di mo gets? ibig sabihin may impact lang yan habang di pa nila alam at biglan mong sinabi sa kanina.)

Naw yu no... Tray wan naw...

Wednesday, May 11, 2011

Anong Sagot Dito?

Napansin kong mainit sa internet ang debate tungkol sa sagot sa problemang ito

6/2(1+2) = ?

Ehem....

Sabi ng iba... "9" yung iba... "1"

Pano ba nila nasabi yun? at sino sa kanila ang tama?

Ipapaliwanag ko...

Sa side ng "9"

? =

? = (6/2)(1+2)

? = (3)(3)

? = 9

O kaya

? = 6/2(1+2)

? = 6/2(3)

? = 3(3)

? = 9

Anong masasabi nyo?

Sabi ni Google? Click nyo to CLICK HERE

Ganyan daw...

So 9 nga ba talaga?

Tignan natin sa side ng "1"

? = 6/2(1+2)

? = 6/2(3)

? = 6/6

? = 1

Kita nyo pinagkaiba? Tama naman di ba?

E bakit sila nagkatalo?

Ipapaliwanag ko ng maigi... Pero Meron munang story...

*Nostalgic Music*

Noong grade 4-5 (o 5-6?) ako... Tinuro sa amin ito ng guro namin sa Math... (di ko matandaan basta tinuro to sa klase)...

Katulad ng internet, nahati ang klase namin dahil dalawa ang sagot sa equation na pinasosolb ng teacher...

Dito nya itinuro ang

*Drum Roll*

PEMDAS... Pwede magkabaliktad yung M at D... Atsaka A at S...

Parenthesis Exponent Multiplication Division Addition Subtraction

Anong connection nito sa debate?

Gamit ang PEMDAS... Madali nating Masosolve nang TAMA ang equation...

Sige...

P - Parenthesis. Kelangang tanggalin muna ang Parenthesis sa equation so kelangan mo isolve ito.

? = 6/2(1+2)

? = 6/2(3)

Titigil na ba kayo?

SYEMPRE HINDI!

NANDYAN PA YUNG PARENTHESIS. KELANGANG MATANGGAL MUNA YUN....

Dito nagkakatalo ang "9" at "1"

Bakit sabi ni Google "9"? Kasi grinupo ni Google ang mga numero...

Hindi nya icoconsider na left to right ang equation. Dahil dito, inisip nya na isang term lang 6/2 at hiwalay ang (1+2).

Pero ang tamang grouping ng numero e (6) / (2(1+3))

Bakit kamo? Kasi Kelangan alisin muna yung parenthesis...

Parang ganito

? = 6/2(3)

? = 6 /6

E - Exponent. Walang Exponent so skip

M or D - Multiplication or Division. Kahit sino pwede mauna at mahuli

so

? = 6/6 = 1

? = 1

KITA?

"1" ang sagot sa problem... Hindi "9"...

Kaya tatandaan... PEMDAS

Gets nyo ba?